KULIGLIG (one shot) short story

1.9K 23 2
                                    

Day 1 (marso, Linggo)

9:30 am

Mag-sisimula na ako ng bagong buhay dito sa probinsya ni lolo't lola, malungkot nga lang at hindi na natin sila kasama dito ngayon. Ginagawa ko 'tong diary 'to para sayo kuya Ferds, ikaw kasi aayaw ayaw ka pa, mag-bakasyon lang naman sige ka ikaw din makakalbo ka kakatrabaho.

Maganda parin dito kahit medyo gubat na, konti parin ang bahay na nakatayo at may mga abandonado parin. Nahirapan din ako makahanap ng sasakyan ko papunta dito liblib kasi at matatarik ang dadaanan.

10:12 am

Dyos ko po nakarating rin!

Nakalaimutan ko na kung gaano kalayo yung bahay nila lolo almost 30 minutes din ako naglakad, pwede na ako sa survivor! hehe

Papasok muna ako sa bahay, maglilinis lang ako konti kasi matagal narin walang nanirahan dito simula nung nagkasakit si lola at nasundan pa ni lolo, atleast magkasama na sila ngayon.

Yung caretaker bantay lang ang ginagawa hindi naman naglilinis.

3:00 pm

Hapon narin bago pa ko matapos kuya, napansin ko agad pag pasok ko kanina e nandun parin yung mga antigong upuan at cabinet nila lolo, wierd nga ng mga nakasalansan sa cabinet eh.

Matutuwa ka pag nakita mo, pati yung mga lumang portrait ng mga santo na parang sinusundan ka ng tingin nandoon parin. Kaso may mga bago silang larawan dun mga hindi ko kilalang santo, hand painted pa.

Tulad parin ng dati, matibay parin to panahon pa ng hapon ang bahay ni lolo eh.

Kaso nawawala yung koleksyon ni lola ng mga crucifix. Pinapagalitan nga tayo ni mama kasi yun lagi natin pinaglalaruan, noong huling bisita natin doon.

Naalala ko tuloy si mama, nakakabigla talaga dati nung mabalitaan natin na naaksidente sila papa at mama no? Grade 6 ako nun at 1st year ka sa kolehiyo si tita tuloy nagsabit ng medalya ko.

Anyway mag gagala muna ako sa bayan, mamaya nalang ulit.

6:22 pm

Mabilis dumilim dito, parang di normal, maitim at makapal ang ulap, minabuti ko nang umuwi baka ulanin ako sa daan.

Una kong napuntahan yung palengke, parang palengke din satin pero grabe kuya ang mumura at sobrang bagsak presyo sila dito. Eto nga at namamapak ako ng suman 4 pesos lang may isang dangkal na akong tsibog.

Sunod kong dinaanan ay yung lokal na iskuwelahan, malapit lang sa palengke,

Wala naman anomalya, parang normal na public school, makaluma nga lang ang disenyo.

Pagkatapos nun, nagtanong ako kung saan yung simbahan, kakaiba nga ang mga pinagtatanungan ko ng direksyon, una masaya sila na sumasagot sa mga tanong ko at kinalaunan pag nababanggit ko kung nasaan ang simbahan bigla nagiiba mood nila, baka hindi sila katoliko? sabagay probinsya kasi to diba kuya?

Nahanap ko narin ng walang tulong ang simbahang luma at sira sira. maraming damo at baging na pumupulupot dito, ang sarap linisin eh. nung pumasok ako naalala ko dati na ginala ako dito ni papa maganda 'to dati, malinis at well maintained, eh ngayon bukod sa madumi, yung mga rebulto ng santo wala na. marami naring portrait ng mga hindi kilalang santo tulad sa loob ng bahay nila lolo.

Uuwi muna ako para maghapunan.

Nandito na ako sa kwarto sa bahay, ako lang magisa ngayon dito kasi hindi pa nakakauwi yung caretaker ng bahay. maliligo muna ako, maladkit na sa pakiramdam kasi yung hangin.

8:58 pm

May selebrasyon pala dito kuya Ferds, pero iba sila satin kung icelebrate ang mahal na araw. Pinaparada nila yung mga imahe na nakita ko kanina sa simbahan at nagoorasyon sila ng kastila?

KULIGLIG (one shot) short storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon