Q&A (mga sagot sa katanungan)

584 18 11
                                    

1.) Bakit 'kuliglig' ang title?

-kuliglig dahil ang mga nangyayari sa kanila ay kadalasang o palaging nagaganap sa gabi o hating gabi, kung kailan maingay ang mga kuliglig sa kagubatan.

2.) Ano po ang nangyari? Medyo may laktaw po sa mga istorya.

- oo, its for the readers to fill in. Kayo na bahala magisip kung ano ang naramdaman nya sa mga moment na yon. Journal type ang story kaya medyo may kahirapan maglahad ng details lalo na at paranoid ang bida.

3.) May continuation pa ba ang story?

- depende, kung makakaisip ako ng magandang plot. Pero intention ko talaga na oneshot lang siya, pero maitutuloy man:

* hindi pa sigurado kung namatay ang bida...

* at ang kuya ng bida ay pumasok na sa storya...

4.) ano ba ang mga naninirahan sa bayan?

- mga normal na tao sila, mga katoliko rin, ngunit naimpluwensyahan ng mga superstitions at false beliefs, since inner province ang lokasyon. Galing sa mga katutubo ang paniniwala nila na pag kinain mo ang laman ng isa pang tao, madaragdagan ang buhay mo. Kung epektibo ba to sa mga nakatira doon, hindi natin malalaman.

A/N:

Hope nasagot ko ang mga malabong parte ng storya.

Thanks kay LoveStargirl sa mga suggestions at questions.

KULIGLIG (one shot) short storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon