Yung Dating Tayo

77 1 1
                                    

Yung dating...

tayo..

Sana pwede pa tayong bumalik sa

panahon na masaya pa tayo..

Mag li-limang taon na sana tayo

Kung di tayo nagka ganito..

Tanda mo pa ba yung pangako mo..?

Yung mga pangako mo..

Yung pangako mong ako lang..

Yung hindi-ng hindi mo ko lolokohin

kase ako lang ang gusto mo..

At wala ka ng mahihiling pa..

Tanda mo pa ba yun..?

Sabi mo hindi ka katulad nila..

Na iba ka sa mga lalaking nakilala ko..

Akala ko ba ako na ang gusto mong

makasama habang buhay..?

Bakit nitong mga nakalipas na linggo unti

unti kang nanlalamig sakin..?

Hindi mo na ko

matingnan sa mata ng

derecho katulad ng dati..

Yung katulad ng dati

na tititigan mo ko sa mata

at sasabihin mo kung gano mo ako

kamahal..

Kung gaano mo ko

pinapahalagahan kaysa sa iba..

Yung dating tayo na laging

may sayang makikita sa mga mata natin..

sa ating mga ngiti..

Yung dating tayo na

laging may goodnight at

iloveyou message bago matulog..

Bago tayo matulog ng sabay..

kahit hindi tayo magkatabi sa pagtulog..

Yung dating tayo na kahit madalas

akong topakin hindi mo ko sinusukuan..

Yung dating ikaw na ayaw mong may nalapit

na ibang lalaki sa akin..

Kase gusto mo ikaw lang..

Gusto mo na ikaw lang magpapasaya sakin..

Gusto mo ikaw lang magpapagaan ng loob

Ko pag may problema ako..

Yung dating ikaw na hindi ako

Hahayaan na matulog ng masama ang

Loob kada may away tayo..

Ayaw mo kasi ng ganun.. Diba?

Yung dati na pag nagseselos ako..

Pinapatunayan mo sakin na wala akong

dapat ika-selos kasi ako lang mahal mo..

Pero dati yun..

Hindi na ngayon..

Kase iniwan mo na ko..

Pinagpalit mo na ko sa iba..

Siguro nagsawa ka na sakin..

Sa babaeng katulad ko..

Pero kahit ipinagpalit mo na ko ..

Mahal na mahal pa din kita..

Gusto kong magalit sayo..

Gusto kitang sigawan at saktan..

Pero di ko magawa.. Ang hina ko pala..

Ang hina hina ko pagdating sayo..

Pero alam ko mali na lunurin ko

ang sarili ko sa sakit na binigay mo..

Sa pagtataksil mo..

Alam ko na dapat kalimutan na kita..

Hindi man ngayon..

Pero alam ko..

magiging Okay din ako,

Malilimutan ko din ang sakit..

At pag dumating na yung araw na yun

na nakalimutan na kita,

alam ko may darating na lalaking para sakin,

na hindi ako iiwan at lolokohin..

Yung kayang tuparin ang mga

pangako nyang bibitawan..

Yung taong nakalaan para sakin..

Maghihintay ako na mawala

ang lahat ng sakit..

At darating ang araw

makakalimutan ko din

yung dating tayo..

Yung Dating TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon