The Whisperer Kabanata walo

31 3 0
                                    


  Kinabukasan, paalis n asana sila Joshua at Frankie patungo sa bahay ng mga Villarico upang itanong kung galing kanino o sino ang may ari ng silver bracelet na natagpuan nila noong unang gabi ng tumawag si Jessica. Agad namang sinagot ni Joshua ang tawag ng kanyang bestfriend na girl.

"Hi Jess." Paunang salita ni Joshua.

"Hello! Asan ka ngayon?"

"Ahmm.. Andito sa kotse."

"Saan ka pupunta? Sino kasama mo?"

"Ah. Pupunta kami sa bahay ng mga Villarico. Kasama ko si Frankie."

"Talaga, papunta kayo sa bahay ng mga Villarico? As in bahay ni Mr. Ronnie Villarico?"

"Oo eh. Teka, bat mo kilala si Ronnie Villarico?"

"Of course! Siya yung gwapong asawa ni Ms. Alicia na minsan ko nang idinesign ang interior ng bahay niya."

Si Jessica ay isang tanyag na interior designer ng mga mayayamang tao. At nagkataong siya ang nakuhang interior designer ng mga Villarico.

"Talaga. Big time ah."

"Oo nga eh. Teka, sasama ako!"

"What? Bakit naman?"

"Gusto kong bumalik duon! Super pogi ni Mr. Ronnie!" sabi ni Jessica na excited na excited at kinikiligkilig pa.

"Ikaw talaga. May asawa na yun no."

"Basta. I want to go with you!"

"Okay, fine."

Hinintay nila Joshua at Frankie ang kanilang kaibigan na si Jessica. Mga 30 minuto ang lumipas bago ito dumating. Pagdating ni Jessica ay agad na silang umalis patungo sa mga Villarico.

"Teka, ano nga ba ang kailangan ninyo kila Mr. Ronnie?" tanong ni Jessica na kakatanggal lang ng earphone niya sa tenga.

"Ahm. May iniimbestigahan kasi kami for the sake of my journalist career."

"Ganun? Okay. Sabi mo eh."

Nahalata ni Frankie sa mukha ni Joshua ang desisyon nitong wag sabihin kay Jessica ang tunay nilang pakay kung bakit nila kailangan makipagkita sa mga Villarico.

Pagdating nila sa mansion ng mga Villarico, agad naman silang pinapasok ng kasambahay nito. Pinaupo sila sa isang bagong sofa. Iba ito sa dating sofang nakita nila Frankie at Joshua.

"Diba, ang ganda ng sofa! Ako kaya ang pumili niyan!" sabi ni Jessica na abot tenga ang ngiti at proud na proud.

Maya maya pa ay bumaba na ang mag-asawang Villarico sa hagdan. Mukhang paalis na rin ang mag asawa dahil pawing naka corporate attire na sila.

"Good morning po ma'am at sir." Bati ng tatlong magkakaibigan.

"Oh good morning. Anong kailangan nila?" tanong ni Alicia Villarico.

"Ma'am, were here because of this." Sagot ni Joshua habang ipinapakita ang silver bracelet na may heart pendant na kakatanggal pa lang niya mula sa panyong ginamit niya pambalot dito.

"Ang b-bracelet.." mahinang sabi ni Alicia.

"Ang bracelet!" sambit rin ni Ronnie na halatang nagulat.

"Bakit po, ma'am at sir? Alam niyo po ba kung kanino ang bracelet na ito?" tanong ni Frankie na mistulang may bahid ng pagtataka sa kanyang mga mata.

"Yan ang bracelet na ibinigay ni Richard kay Agnes!" pagdedeklara ng naiiyak na si Alicia. "Pero binalik ito ni Agnes ng maghiwalay sila!"

"Hmmmmmmmmmmmm... I think we've just solved the case." Sabi ni Joshua sa isip.

Sa mukha ni Jessica nakapinta ang pagtataka, sa mga mata naman ni Frankie nakaukit ang pagdududa.

Pagkatapos nang mga nadiskubre ni Joshua ay desidido na siyang mabigyan ng hustisya si Agnes.

Sa kabilang dako, gabe na at matutulog na si Alicia. Bago siya matulog ay pumunta muna siya sa banyo at nag shower. Wala ang asawa niyang si Ronnie dahil tumungo ito sa Cebu para sa isang itatayo nilang hotel doon.

Pagkatapos niyang mag shower, pumunta siya sa salamin ng banyo at nag toothbrush. Laking gulat nalang niya ng pag tingin niya sa salamin ay nangiti niya salamin ay may katabi siya. Muli, ang babaeng naka office attire, nakayuko, may mga sunog sa ilang bahagi ng katawanm, at dumudugo ang dibdib.

Nanlaki ng sobra ang mata ni Alicia. Nabitawan niya ang basong nasa kanyang kamay.

"Nyaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh!" napatili si Alicia sabay takbo palabas ng banyo. Bumaba siya dahil gusto niya sanang gisingin ang kanyang mga katulong. Pagdating niya baba,

"Tik, tik, tik, tik," dinig sa buong mansion ang nag eecho na tulo ng gripo na hinala niya ay nanggagaling sa kusina. Bago niya puntahan ang kanyang mga katulong ay tinungo niya muna ang gripo upang patayin ito.

Pagdating niya sa kusina, pinatay niya ang gripo. Bigla nalang ang mga ilaw ay nagpatay sindi. Kinabahan nanaman siya. Pagtingin niya sa bintana na nasa harap lang ng lababo, nakita nanaman niya ang multo. Nasa tapat ito ng asul na swimming pool. Ang multo, bawat segundo ay palapit ng palapit.

Ang takot na takot na si Alicia naman at napuno ng takot sa puso at isip. Di nagtagal ay sinubukan niyang tumakbo patungo na sa mga kasambahay...pero sa pinto ng kusina, laking gulat niya ng andun nanaman ang multo.

Makalipas ang dalawang segundo, nawalan ng malay si Alicia dahil na rin sa sobrang takot. Kinabukasan, natagpuang nakabulagta at walang malay si Alicia, agad siyang dinala sa ospital ng kanyang asawa.

Sa kabilang dako, tumungo na si Joshua kasama si Frankie at Jessica sa NBI upang ireport ang ebidensyang nakalap nila na magdidiin kay Richard Villarico, and dating kasintahan ni Agnes.

Pumayag rin si Alicia na ikwento ang tungkol kay Agnes at Richard dahil ito ang magbibigay ng motibo kay Richard. Pero bago sila tuluyang bumalik sa NBI ay bumalik muna sila sa crime scene upang patuloy na mangalap ng ebidensya ngunit nabigo sila.

"Pano yan, bigo tayong kumuha ng mga bagong ebidensya laban kay Richard." Dismayadong banggit ni Frankie.

"Frank, Josh, ano ba talaga ang involvement niyo sa kaso na yan?" tanong ni Jessica.

"Jess, as a journalist, it is my responsibility to make the truth come out."

"But you're not an investigator! You're just putting yourself in danger."

"Jess, I am willing to put my life on a line para lang masolve ang kaso ni Agnes."

Natahimik sila sa sinabi ni Joshua.

"Kahit wala tayong bagong ebidensya, sapat na ang heart bracelet para muling buksan ang kaso at muling tingnan ang foul play angle sa pagkasunog ng bahay na ito kasama si Agnes." sabi ni Joshua.

Ang kasunod na nangyari ay dumiretso na ang magkakaibigan sa NBI upang isubmit ang nakalap nilang ebidensya. Tinanggap naman agad ng ahensya ang ebidensya ngunit hindi raw iyon sapat.

"Sir, eh kung may motibo po ba si Richard ay muli na ninyong iimbestigahan ang kaso?" tanong ni Joshua.

"Well, depende sa motibo. Kung medyo mabigat ito at malaki ang pwedeng kinalaman sa kaso, pwede."

"Hmmm. Ngayon, mabubuksan na ulit ang kaso at maituturo na si Richard pag nagsalita na si Ms. Alicia." Sabi ni Joshua sa isip na may ngiting tuso sa kanyang mukha.  


Philippines Ghost/HorrorStory-The WhispererTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon