Apat taon na rin simula ng makuha ko tong ballpen na to. Pero hanggang ngayon nahihiwagaan pa rin ako dito. 'Di ko pa rin alam kung paano to napapunta sa bag ko noong grade 7 ako. College na ako pero tinuturing ko pa rin 'tong 'lucky ballpen'.
Noong time na 'yon, may quizbee ako. Nakauwi na ako at inaayos ang bag ko pero nang akala ko na wala nang laman ang bag ko, akala ko lang pala. May nakapa akong ballpen na HINDI AKIN. At ang mas matindi pa doon, may nakadikit na masking tape sa takip at may nakalagay na 'TERRENCE'. Wala akong kilalang Terrence for marshmallow's sake! At hindi ako nanghiram ng ballpen nang time na 'yun.
The next week may quizbee na naman. Haggardo Verzosa na ako pero sige lang.
Nang nasa room na ako ng pag-gaganapan ng quizbee, may mga upuan na may mga pangalan. Napangiti ako bigla nang may mabasa akong 'Karen' sa may chair sa bandang likod. Ang astig may kapangalan ako dito. Pagtingin ko sa upuan na katapat nito, ang nakalagay naman ay 'Terrence'. Bigla akong kinilabutan.
Nang binigay na sa amin ang pagsusulatan namin ng attendance, ang pinangsulat ko ay ang ballpen ni Terrence. Ewan ko ba. Feeling ko swerte ang ballpen na 'yun
At 'di nga ako nagkamali. Swerte nga ang ballpen ni Terrence. 2nd place ako. Laking tuwa ko noon.
Napaisip ako noon. May nagpaparamdam ba sa aking Terrence?
"HOY! EARTH TO KAREN MONTES!"
"Ay anak ng marshmallow na sinawsaw sa chocolate! Annie naman!" Nakakagulat naman 'tong babae na 'to! Nagmomoment pa ako dito eh! Nagutom tuloy ako bigla.
"Kanina pa kita tinatawag eh! Nakatingin ka na naman dyan sa ballpen ni Terrence na 'yan!" At sa sobrang lakas ng boses na parang nakalunok ng microphone, napatingin sa amin ang mga classmate namin. Mabuti na lang wala pa si ma'am.
"Wag ka nga maingay dyan. Nagmomoment 'yung dyosa eh," sabi ko at pabirong nag-pose.
"'Di naman ako nagmomoment ah," sagot niya sabay nguso.
Bigla akong napatingin sa gawi ni Arkin. Nakatingin siya sa amin at sa ballpen ni Terrence na hawak ko. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya iniwas niya ang tingin niya at nagbasa na ulit.
Tahimik lang 'yan. Arkin lang ang alam kong name niya. Hindi ko alam ang buo niyang pangalan kasi hindi naman siya masyadong nakikipag-usap sa ibang tao. Sa ilang subject ko lang din siya ka-blockmate.
~~~~~~
"Anne and Aj."
"Lyn and Rain."
"Annie and Tristan."
May performance task kami sa Mapeh and inaannounce na ni ma'am ang mga pairings. Bawat pair ay kakanta since music din naman ang lesson namin these past few da-
BINABASA MO ANG
Destiny Ballpen (One Shot)
RandomAkala ko wala lang yung ballpen na yun. But it's not. Instead it's destiny's way to meet my soulmate.