Her POV

79 8 16
                                    

Her POV

Ilang minuto nang nakaalis ang guro namin sa filipino pero hindi parin maalis sa isip ko ang tanong na binitiwan niya sa amin pagkatapos naming basahin ang isang kwento tungkol sa pag-ibig.

Maaari bang matutunan niyong mahalin ang taong nakilala niyo lang ng ilang araw?

Posible nga ba?

Tanong ko sa sarili ko.

Napailing naman ako sa naisip ko.

Kalokohan!

Oo. Tama, kalokohan.

Kalokohan talagang mangyari yun.

Ilang araw mo lang nakilala tapos in love kana agad?

PBB teens?

Naputol ang pag-iisip ko sa bagay na yun ng pumasok na ang teacher namin sa math.

"Okay, settle down students. I have an important announcement." na excite naman kami sa sinabi ni sir.

"2 of the school's representatives for the incoming math olympiad is from this class."

Sana kasali ako.

Yan ang nasa isip ko.

Napakahirap para makasali ka sa contest na yan.

At ayun sa kwento ni Kaye Anne na kaklase ko na nakasali last year ay ang ganda daw ng venue.

Sa resort ata ang venue ng contest na yan.

"So they are Kaye Anne Ybanez" kasali na naman siya. Ang galing talaga niya tapos maganda pa.

"And Brenna Sue" omg!

Ako si Brenna diba?

Diba?

Oo nga pala, hindi niyo pa ako kilala.

Pero ako nga si Brenna Sue. 4th year student ng East More High. At ang saya ko dahil kasali ako sa math olympiad.

"So next week you will be excused so you can have a review for the contest on Friday."

Friday na. Pero kaya yan. Aja! Fighting!

**********************

Day 1

Its monday. Start na ng review namin.

Nakilala naman namin yung 3 pa naming kasama.

Actually kilala na namin yung 2 dati pa.

Batchmate kasi namin.

Sina Francis Llyod Jimenez at Jamaica Cruz.

Yung 3rd year lang yung hindi pa namin kilala.

Yung building kasi sa school namin ay hiwalay yung building ng every year level. Kaya kung sino yung mga ka batch namin ay yun lang yung nakikilala namin.

So name niya pala ay si Jasper Kyle Mendoza. Pero mas gusto daw niya yung JK.

Napakaseryoso nga niya eh.

Hindi ko alam.

Pero i find him cute yet mysterious.

Whole day ay nagreview lang kami tapos kapag pagod na ay magpapahinga muna.

May time rin na nagkakakwentuhan at tawanan kami.

Mahirap din yung review lang kami ng review buong araw.

Baka mabaliw kami niyan.

Ang hirap kaya ng math.

Natapos yung araw na yun lang ang ginawa namin.

Hindi Ko AlamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon