His POV

20 4 2
                                    

Matalino daw ako. Yan ang kadalasang komento ng mga tao sa akin. Kesyo daw nagmana ako sa tatay ko na attorney at nanay ko na isang public accountant. 

Para naman sa akin ay hindi naman ako ganoon ka talino. Siguro nga ay mas maykaya lang ang brain ko kumpara sa iba na ipinagpapasalamat ko naman sa genes ng mga matatalino kong magulang. Pero bukod doon ay wala namang espesyal sa akin.  Plus factor na lang siguro iyong nag-aaral akong mabuti kaya ako nangunguna sa klase.

Pero ng dahil sa isang araw lang na yun ay naniniwala na talaga akong matalino nga ako. Dahil sabi nga nila, kapag matalino ka, bobo ka pagdating sa pag-ibig.

Oo, sa isang araw na yun ay na love at first sight ako sa kanya. Hindi naman ako naniniwala sa love at first sight na yan noon. Ni hindi ko nga naisip na iibig ako balang araw. Hindi ko alam pero dahil sa isang araw na yun ay nagbago ang pananaw ko sa buhay at pagadating sa pag-ibig.

 Maganda siya, oo. Pero marami pa naman akong ibang kakilala na mas maganda kaysa sa kanya. Matalino din siya, pero may mas matalino pa naman sa kanya sa kanilang klase. Hindi ko alam kong anong espesyal sa babaeng iyon para tumibok ang puso ko para sa kanya. Pero sa hindi malamang dahilan ay tumibok nga ito para sa kanya. 

Pag-ibig nga naman napakamisteryoso nga. Hindi mo alam kung saan at kailan ka tatamaan.

Tandang-tanda ko pa noong araw na iyon kung paano niya sinabi ang mga katagang "Excuse me Ma'am" na nagpatigil sa ginagawa ng buong klase. Na pagtigil din ng ilang segundo sa pagtibok ng puso ko.

Tandang-tanda ko pa kung paano sinundan ng aking mga mata ang paglakad niya papunta sa aming guro na tila ay nahihiya sa atensyong nakukuha niya.

Tandang-tanda ko pa kung paano siya nahihiyang ngumiti sabay sabi ng mga katagang "Goodbye Ma'am" bago umalis ng aming silid pagkatapos maibigay sa aming guro ang kapirasong papel 

At tandang-tanda ko pa kung paano tumalas ang pandinig ko ng pinag-usapan siya ng iba kung kaklase at ng banggitin ang panggalan niya ay hindi ko alam pero mas lalo ata kong napaibig sa kanya. Ang corny kong iisipin. Pero pagkatapos malaman ang buong pangalan ay inalam ko talaga ang lahat tungkol sa kanya. Kahit nakaka-stalker ng dating pero yun talaga ang totoo. 

Doon ko din nalaman na may posibilidad na makasama siya sa sasali sa Math Olympiad sa Cebu. Kaya agad-agad din akong nagpasa ng application sa aking guro.

At laking pasalamat ko lang ng natanggap ako at tanggap din siya. Dahil dito ay nagkaroon ako ng panahon na makasama siya.

Kahit hindi ako nanalo sa kompetisyon ay sulit na sulit naman ang limang araw na iyon na nakasama at mas nakikila pa siya.

At ito nga, 1 buwan pagkatapos ng aming unang pagsasama at opisyal na pagpapakilala sa isa't-isa ay handa na akong sabihin hindi lang sakanya kundi sa buong skwelahan ang nararamdaman ko. Sana ay magustuhan at tanggapin niya ito dahil matagal ko ding pinagahandaan at inipon ang self-confidence ko.

"And now for a special intermission number before our next dance group performance ay pakinggan muna natin ang handog na kanta ni Jasper Kyle Mendoza." huminga muna ako ng malalim bago umakyat ng stage. Kaya mo to Jasper!

Ng makarating na ako sa gitna ng stage at kaagad kitang hinanap. Mabuti naman at nandito ka. Kung hindi ay baka masayang lang ang lahat ng ito.

Sinimulan kong patugtugin ang aking gitara sa tono ng isang kantang alam kong narinig mo na rin mula sa akin noon. Alam kong nakikinig ka sa akin ng araw na iyon.

I'm making this one special evening
Taking a chance in my life
Hoping you feel the same way as I do tonight
Just try and look into my eyes

Don't be scared of what you might see there
The first time I saw you
I knew love at first sight must be true, so true, oh so true
And now I just have to explain why I feel this way

I feel joy, I feel pain
You're in my heart and it's tearing me apart
'Cause I love you, I love you, I love you!

"Alam kong narinig mo na ito sa akin noon. Alam kong ng araw na iyon ay nakikinig ka sa pagkanta ko. Alam kong napakaweird at napakacorny ng ginagawa kong ito pero this is the only way na naisip ko para maipahayag sa iyo ang nararamdaman ko. Hindi naman tayo ganoon kaclose para lumapit ako sa iyo. Kaya I grab this opportunity para masabi ko sayo ang lahat ng ito." nakita ko naman ang pagkagulat ng mga tao ng marinig nila ito mula sa akin pagkatapos ng kanta ko. Nahihiya na nga ako dito sa harap pero ng makita ko siya ay naisip kong wala na nga talagang atrasan to.

"Noon ay hindi ako naniniwala sa love at first sight. Pero, ng makita kita sa classroom namin ng araw na yun ay nagbago ang lahat. Inalam ko pa nga ang lahat tungkol sa iyo. Ikaw din ang dahilan kung bakit ako sumali sa Math Olympiad. At pasalamat ko talagang dahil sa 5 araw na iyon ay nakilala at nakasama kita."

"Kahit hindi man pareho ang nararamdaman mo para sa akin, okay lang. Dahil hindi din naman ako papayag na hindi ka maiinlove sa akin. Sa gwapo ko ba namang ito, chicken lang yan." narinig ko naman ang tawanan ng mga tao. At napakasarap nga naman tingnan na napatawa din kita.

Bumaba ako ng stage bago ako nagsimulang magsalita.

"Siguro ay nagtataka ka ngayon kung sino sa inyong tatlo ang gusto ko. Pero sasabihin ko sayo, alam na siguro ng tatlo pa nating kasama na ikaw ang tinutukoy ko dahil kapansin-pansin naman na may gusto ako sayo pero ikaw lang ata talaga ang hindi. Manhid ka nga talaga." sinasabi ko ito habang naglalakad patungo sa iyo.

"Pero sa hinaba-haba ng sinabi ko, gusto ko lang talagang sabihing. Mahal kita, maaari ba akong manligaw." sabay luhod sa harapan mo at kuha ng bulaklak na nasa aking likod.

"Brenna Sue?" malalakas na kantyaw at hiyawan ang maririnig sa auditorium pagkatapos ng sinabi ko. Panigurado ay instant artista kami nito.

"Ako?!" gulat na gulat na tanong niya sa akin.

"Hindi. Siya. Sino pa ba ang ibang Brenna Sue sa eskwelahang ito, ikaw lang diba?" 

"Galit ka? Ganun?!"

"Hindi naman sa ganun. Pero sa haba ng sinabi ko at sa nakakahiya kong performance ay 'ako?!' lang talaga ang isasagot mo? Ano ba naman yan Bre." simula ng magkakilala kami ay yan na ang tawag ko sa kanya. Parang way of endearment ko narin sa kanya pero hindi masyadong halata.

"Inutusan ba kitang gawin lahat ng iyon."

"Pero totoo Bre, pwede ba akong manligaw?" muli kong tanong sa kanya at lahad muli ng bulaklak na hindi parin niya tinatanggap.

"Pag-iisipan ko." nakaramdam naman ako ng kaba ng seryoso niya itong sinabi sa akin. Ibig mong sabihin wala siyang feelings para sa akin? Oo, alam kong sinabi ko kanina na okay lang yun. Pero anak ng! Huwag naman sana. Ibig sabihin ay hindi umepekto sa kanya lahat ng pagpapacute at pagpapaselos na ginawa ko? Naman oh!

"Pero sabi mo nga, dahil gwapo ka naman. Sige, bibigyan kita ng pagkakataon."

"Ibig mong sabihin. Pinapayagan mo na akong manligaw?" excited kong tanong.

"Hindi! Pero syempre joke lang. Oo na. Pumapayag na ako."

"Yes! Pero di nga Bre. Kaya ka lang pumayag dahil sa gwapo ako?"

"Ouh! Choosy pa? Huwag na nga lang."

"Ay naku! Kahit dahil pa yan sa gwapo, matalino, cute, mabait, at hot ako. Wala akong pakialam."

"Wow! Ang hangin huh!"

At sabay kaming nagtawanan. Ni hindi man lang pinapansin ang tukso ng mga taong nakapaligid sa akin.

Ewan ko nga ba kung bakit ang babaeng ito ang nagpatibok ng puso ko. Wala naman akong makitang espesiyal sa kanya. Pero kahit na ganoon ay nagpapasalamat parin ako at sa kanya ako umibig. Dahil alam kong sasaya ako sa piling niya kahit ang rason pa nito ay Hindi ko alam!

Hindi Ko AlamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon