» one shot «

82 9 10
                                    

"Galingan mo Sirius. Kaya mo 'yan bro." sabi ni Lawrence sabay tapik sa braso ko.

"We support you bro! Galingan mo sa ngalan ng Arcturus University!" sigaw ni Nigel.

"Go Sirius! Alam naming kaya mong ibigay ang best of bests mo," maluha-luhang sabi ni Samella at malakas na sumigaw. "Strive for the victory!"

"Alam naming magaling ka, Sirius. Big bro kita eh." ani Yusi saka bahagyang natawa. "Think positive lang manalo man o matalo, cute ka parin at syempre ako. Haha!" ang kulit talaga.

"Salamat sa inyo. Salamat sa suporta, guys. Maaasahan 'to 'no." sabi ko sa kanila habang tinatapik ang braso nila Lawrence at Nigel. Ulo naman nila Samella at Yusi ang tinapik ko na sinabayan nila ng pag-nguso. Sabay-sabay kaming nag-group hug, na kahit kinakabahan at ramdam ang tensyon sa paligid ay patuloy pa ring nilalakasan ang mga loob.

Mga kaibigan ko sila. Mga tunay na kaibigan. Swerte ako dahil isa sila sa mga pinaka-supportive na mga tao sa buhay ko.

Pero kulang sila. Nakakapanlumo dahil wala siya. Isa rin siya sa kanila. Pero halos kalahati ng fighting spirit ko, natangay nang malaman kong hindi siya makakapunta. Wala ang taong matagal nang tinitibok ng puso ko. Wala ang taong isa sa nagbibigay sakin ng lakas ng loob at inspirasyon para magpatuloy sa pangarap ko. Wala si Heaven.

"Sorry Sirius at wala si bespren dito ngayon para mag-cheer sa'yo, ah?" sabi ni Samella. Ayos lang, naiintindihan ko naman. Gustong-gusto ko 'yang sabihin. Pero may pumipigil sa'kin. Tila ba sinasabi nito sa'king 'Tama na ang pagpapanggap na ayos lang ang lahat. Dahil alam kong alam mong hindi. Nasasaktan kang lagi nalang magpanggap na ayos lang, at 'yun ang totoo.'

"Baka mamaya nandyan na 'yon kaya cheer up! Taasan mo ang confidence mo, yung abot sa Sirius star! Haha!" pagbibiro pa ni Samella na dahilan para mapabuntong-hininga ako nang pa-sikreto.

"Ayos lang 'yan bro. Malay mo may pasabog pala yung langit na yun." tila makahulugang biro din ni Lawrence dahil nagtitigan sila ni Nigel. 'Langit' ang tawag nila kay Heaven na may halong pang-aasar at kinasanayan na rin namin.

"Oo nga bro. Malay mo..." naglolokong ngiting sambit ni Nigel.

Ngumiti lang ako sa kanila at umupo na sa isang stool bar dito sa loob ng dressing room. Kasama ang iba pang co-contestants ko at ang mga important relatives nila para magpalakas ng loob nila.

Nakakapagtaka na ang dalawang lalaking 'yon. Ano nga kayang mga mangyayari ngayong gabi? O baka naman may mangyayaring hindi ko alam at sila lang ang nakaka-alam? 'Wag ka na ngang mag-isip ng mga karatantaduhan, Sirius. Napa-paranoid ka lang kaya sikapin mong makapag-concentrate. Mag-concentrate ka, parang-awa mo na.

Ngayon kasi gaganapin ang pinakamalaking Regional Vocal Singing Contest particularly in the college level only. Halos lahat ng mga bigatin at kilalang estudyanteng galing pa sa mga prestihiyosong schools and universities ay magp-participate. Kaya sobra ang pressure na nararamdaman ko. Sumasabog na. Nakaka-kaba. Lalo na kung iisipin ko si Heaven.

Ako nga pala si Sirius Estarico. Isang college student na may isang long time crush-slash-inspiration-slash-love na ang pangalan ay Heaven Rhyne Angelicaño. Pero wala siya ngayon. Hindi siya nakapunta. Wala. Nabawasan ang inspirasyon ko.

The Reversal (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon