Ito ang aking kuwento..

4 0 0
                                    

Madalas akong humugot. Gusto niyo ba ng sample?
Ito ang ilan sa mga popular kong banat:
1.) Ang pagmamahal mo ay parang kape. Sa una mainit at matamis, pero habang tumatagal, lumalamig at pumapakla.

2.) Ang dinasal ko kay Lord ay pag-asa hindi PAASA.

3.) Ginawa mo na lahat, pero hindi pa rin sapat.

4.) Ang mga paasa ay parang load. Akala mo unli pero may expiration pala.

5.) Buti pa grades ko kahit konti, may progress. Samantalang ang lovelife ko, ni isa walang success.

Ilan lamang yan sa mga kadramahan ko sa buhay.

Madalas kong maririnig na reaksyon ay,
"Uwi ka na!"
"Wala na. Talo na."
"Hoy, tumigil ka na."

At ang pinakamadalas kong maririnig na tanong ay,
"Ang totoo, ano ang pinagdadaan mo?"

Lagi akong mapapahinto at mapapa-senti.
Hindi niyo naman ako masisisi. Pusong sawi eh.

Kaya sa sobrang dalas ng mga nagtatanong, heto na ang buong kuwento.
Huwag niyo nang itanong kung paano ko naaalala ang mga ito dahil sa totoo lang, kahit ako naguguluhan din.

Ginawa ko na 'to para sa susunod na bumanat ako, alam niyo na ang buong istorya.

Ito ang aking kuwento..

Shattered, Broken, BentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon