1.1

52 1 0
                                    

Tik tak, tik tak.
Tanging tunog lang ng alarm clock sa ibabaw ng lamesa ko ang naririnig ko ngayon. Nakatulala, nagiisip.
Here I am again reminiscing.
Alam kong there's no good at looking back lalo na sa mga pangyayari sa buhay mong di naman naging kagandahan para sayo. Pero heto ako, inaalala ko na naman.

"Oo max, gusto kita. Narealize kong gusto din pala kita. Basta bigla ko nalang narealize na ganun. Mutual feelings max, mutual."
Paulit ulit na namang pumapasok sa isip ko ang mga salitang binitawan nya. Gusto nya ko, Gusto nya rin ako.

"Hahaha. Joketime ka naman Ghyn! Alam ko namang imposibleng magustuhan mo rin ako. Im not that kind of girl na magugustuhan mo." Sabi ko.

"Totoo. Days after your confession naramdaman kong gusto rin pala kita. Seryoso ako max." Aniya.

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ng lalaking kaharap ko ngayon. Ang lalaking pinapangarap at tinitingnan ko lang sa malayo noon, nagtatapat narin ng pagibig nya sakin ngayon.

"Max?" Nagising ako sa katotohanan ng narinig ko ang boses nya.

"Totoo ba to Ghyn? Kurutin mo nga ko, Baka nanaginip lang ako. Kasi kong panaginip lang to? Ayoko ng magising ghyn. ayoko" Sabi ko.

She's HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon