"Mitch sandali!" si Geoff na pilit hinahabol si Mitch Lalo pang binilisan ni Mitch ang paglalakad ng makita niya si Geoff na humahabol sa kanya. "Mitch ano ba?" Papasok na siya ng elevator ng saktong mahawakan ni Geoff ang braso niya at napigilan siya sa pagpasok ng elevator "Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" galit na sabi ni Mitch Pagkatapos ng insidenteng nangyari kay Manang Elsa hindi na siya nakipaglapit pa sa mga kabarkada niya. Lalong lalo na kay Geoff na kasintahan niya. "Ano bang problema mo kasi? Hindi kita makontak at piling ko pilit mo kong iniiwasan!" galit na sabi ni Geoff pero sa mahinang pananalita lamang "Ikaw! Ikaw ang problema ko! Pwede ba bitiwan mo ko!" si Mitch na pilit inaalis ang kamay ni Geoff sa braso niya. "Pwede ba linawin mo sa'kin kung anong problema mo? Magusap tayo! Yung tayong dalawa lang! "No need! Dahil tinatapos ko na ngayon kung anong meron tayo!" Natulala ito sa sinabi niya kaya naging pagkakataon niya iyon para makawala sa pagkakahawak ni Geoff at nagtuloy tuloy sa kabubukas lang na elevator. Pagpasok niya sa elevator agad niyang pinindot ang close button at pinindot kung saang floor siya nakadestino. Naisip niya si Geoff. Nalulungkot siyang makipaghiwalay dito, nanghihinayang siya sa tagal ng relasyon nila. Pero hindi niya kayang sikmurain ang pinaggagawa nila kay Manang Elsa. Kahit ano pang sabihin nila pumatay pa din sila ng napakainosenteng tao! Ting! Nagulat siya ng bumukas ang elevator at nakita niyang napakadilim. Tiningnan niya kung tama ba ang napindot niyang floor. Tama naman. Wala bang pasok ngayon? Bat nakapatay lahat ng ilaw? Tiningnan niya ang suot niyang relo 8:45am na! Kung tutuusin late na siya! Psssst.. pssst.. psssst May nagtitrip ba sa kanya? "Oi guys walang ganyanan natatakot ako. Hindi magandang biro yan!" Pipindutin na sana niya ang close button para bumalik na lang siya sa main lobby ng biglang may dumaang babaeng matanda na may hawak na kandila. Nangilabot siya lalo na't dahan dahan lang ang paglakad nito at nakalutang pa sa ere. Hindi siya makagalaw ni hindi rin makasigaw! Bago pa ito makalagpas sa pinto ng elevator bigla na lang itong huminto. Makikita mo na lang ang likod niya. Ang buhok niya na parang sa bruha. At ang kulay itim niyang suot. Pinilit niyang abutin ang pindutan ng elevator. Hindi talaga siya makahakbang dahil namamanhid ang mga paa niya. Muli niyang tiningnan ang matanda. Unti unti na itong humaharap sa kanya! Pinilit niyang pindutin ang button. Bago pa makaharap sa kanya ang matandang babae ay napindot na niya ang close button ng elevator at tuluyang nagsara! Napaupo siya sa loob ng elevator. Hindi niya maintindihan. Unang beses siyang nakakita ng ganong bagay! Nanlalambot siya! Bumukas ang elevator at nakita siya ng mga kasamahan niya sa trabaho. "Mitch what happen? Bat nakaupo ka diyan? si lineth "Tulungan natin siyang tumayo!" si alexis "Mitch? Anong nangyari? si Geoff na nagmamadaling dinaluhan si Mitch "Iuwi mo muna siya mukang masama ang pakiramdam niya." -lineth Inihatid ni Geoff si Mitch sa bahay nito. Pagdating sa bahay nito ay agad nila itong dinala sa kwarto nito at pinahiga. Tulala si Mitch at hindi nagsasalita pag kinakausap. "Mitch ano bang nangyayari sayo? Nagaalala na ko sayo! si Geoff habang hawak hawak nito ang kamay ni Mitch. Biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang ina ni Mitch. Agad na lumapit ito sa anak. "Anak anong nangyari sayo? pagaalala nito Ngunit nananatiling tulala ito at hindi kumikibo. "Tita mabuti pa siguro iwan muna natin siya para makapagpahinga siya" sabi ni Geoff at inalalayan ang mama ni Mitch "MAbuti pa nga siguro" Sang ayon nito

BINABASA MO ANG
HORROR stories (TAGALOG)
Horrornakakatakot talaga tohhh promise sobrang sobrang sobrang sobra enjoy it!!