It was a fresh morning for everyone because it’s the starting of classes. Nagsimula ng lakarin ni Kist ang hallway na papunta sa kanyang classroom. Napatingin siya sa phone niya. May message kasi. Nang basahin niya ang kanyang message biglang may bumangga sa kanya. Napasalpak siya sa pader.
“Whoah..grabe a..poste lang..” nawika niya ng malakas pero hindi siya pinansin ng bumangga sa kanya. Napangiti na lang siya. It seems kasi na may paglalaruan siya ngayong ikatlong taon ng college. Matutukoy naman niya ang mukha ng bumangga sa kanya kung sakaling magkikita ulit sila.
Kasalukuyang nakatayo siya noon nang bigla siyang gulatin ng kanyang dalawang kaibigan, sina Ara at Rian.
“Hey ang aga mo ngayon a Kist!”-Ara
“Oo naman hindi kagaya niyo..”
“Ipinamukha talaga..Teka may bago ka na naman bang BF?”-Rian
“Ummm...wala naman. Bakit?”
“Wala lang...O tara na sa klase natin.”
Dahil unang araw ng klase, wala silang masyadong ginawa. Nagpaalam naman agad ang kanyang mga kaibigan matapos ang dismissal. Nag-iisa na naman siyang bumaba sa hagdanan. Napangiti siya at sumandal sa pader. Nakita niya kasing sumusunod sa kanya yung lalaking bumangga sa kanya kaninang umaga.
Patakbong bumaba si Riley sa hagdanan kasi hinahabol niya kasi yung friends niyang nang-iwan sa kanya. Hindi niya namalayan na ihinarang ng babaeng nakasandal sa pader ang paa nito kaya huli na ng napatid ang paa niya roon. Bago siya bumagsak sa sahig nahila niya ang babae na bumagsak naman sa kanya. Napasigaw ang babae na tumayo agad at tumakbo palayo. Nakarinig siya ng halakhakan. Ang kanyang mga kaibigan na sina Manuel at Steph.
“Hey guys, would you mind to stop laughing!” nawika ni Riley saka tumayo.
“You’re a softie huh!” nawika ni Manuel.
“Wanna go to hell? Kilala niyo ba ang babaeng iyon?”
“I think so. Classmate ko siya. Why?” tanong ni Steph na may halong ngiting abot-tainga.
“Anon pangalan niya?”
“I-search mo sa internet. O ano uuwi na ba tayo o dito na tayo habang buhay!!”
“Let’s just go. Masisira talaga ang ulo ko sa inyong dalawa,” saka nagpatiunang naglakad.
May kinuhang libro si Steph sa sahig.
“O kay Kist pala ‘to...naiwan niya ata,” di sinasadyang wika niya. Narinig naman iyon ni Riley at hinablot ang librong hawak ni Steph. Binuklat niya ito.
“Kist Flores?...BSET-3A?...If found please contact 09678546143 or return to CASAN 202...” pilyong ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi at patakbong umalis.
“Heyyy!!!! Iiwan mo ba talaga kami!!!” sigaw ng dalawa.
Nasa kalayuan na si Kist at inaabot ng kanyang hininga. Asar talaga siya at hinila pa siya ng lalaking iyon. Hindi siya makaget-over. Biruin mo naman yung bumagsak ka sa isang lalaki ng pabigla. Hindi pa mandin niya kilala iyon. Wala siyang nagawa kundi tuluyang umuwi.
Kist:
Teka, okay lang ba yung lalaking yun? Hindi ba sumobra ako sa aking kalokohan? Ahh...kasalanan din niya. Binabangga niya ako ng hindi man lang humihingi ng sorry..Ano kayang course niya? Mukhang bago siya. Ngayon ko lang kasi siya nakita e...
Matutulog na sana siya nang biglang tumunog ang phone niya. May message siya.
+6391868301433
“Hey,wanna be my lover?”
New number..