Irene's POV
D A T E ?
Iyan ay usually intended para sa dalawang tao, obviously. Mga taong nagliligawan, mga nasa getting-to-know-each-other stage pa, mga nagbobonding or whatever. Way daw 'yan para mas maging close, quality time ika nga. E paano kung gusto ko lang ng quality time sa sarili ko o gusto kong mas makilala ako? Considered bang date yun e ako lang mag-isa? Ano yun, 'date with myself'? Huh weird.
Napatingin nanaman ako for the 18th time sa text ni Miko na supposed to be date ko ngayong valentine's day.
I'm sorry Irene, got an emergency meeting. Can't come. But I hope you like the chocolates.
Napabuntong hininga ako. Kabwisit tong lalaking 'to, pa special. Urgh! Napatayo ako sabay tingin sa sarili ko.
Red and white dress, black heels, curly brown hair. Beautiful. Well, its not my loss. Kinuha ko ang purse ko tsaka yung chocolate na bigay nung special child na si Miko (sayang din to no.)
I don't know but my feet led me to a bus. Bus na hindi ko alam saan ang punta.
Siguro ganito talaga pag-inindian ka ng date mo.. mas gugustuhin mong maglibot muna kesa umuwi. Kasi pag umuwi ka mafefeel mo yung lungkot at galit na hindi ka sinipot ng date mo plus sobrang sayang ang outfit mo. So imbis na mag-emo ka sa bahay, have a date with yourself nalang. Mas masaya yun.
Pinanuod ko ang mga nadadaanan naming mga streets, punong-puno ng pag-ibig. Heart dito, heart dun. Couples dito, couples dun. May nakita pa nga akong batang lalaking binibigyan ng kakapitas lang niyang bulaklak dun sa batang babae. I mean, its sweet right?
Ako I've always been a fan of valantines, of love. Yung mga taong nagsasabing walang forever, well.. tama naman kasi we'll all eventually die pero naniniwala ako na may isang tao somewhere na mamahalin tayo through our lifetime. Yes, buong buhay natin. All we have to do is wait, for that someone to come. And when he arrives, fight for him.
Nabalik ako sa realidad ng may tumabi saking lalaki. Nginitian niya ako bago umupo kaya nginitian ko rin siya.
Babalik na sana ako sa pagmumuni-muni ng..
*************************
Kurt's POV
(Tol sorry talaga. May pagka-tanga talaga yung babaeng yun e. Sinabihan ng wag na makipagbalikan dun sa ex niya, pero ayun konting lambing lang bumalik na dun sa gago.)
"Hindi, okay lang tol. May gagawin din naman ako." Wala kang gagawin, Kurt.
(Ah. O sige tol, mukhang naiinip na yung chick ko dun sa loob. Sorry talaga ah.)
In-end ko na yung call. Napatingin ako sa bouqet na binili ko kanina na para sana dun babaeng nirereto sakin nung kaibigan ko. Haay nako. Sayang naman to. Ang ganda pa naman, gantong mga bulaklak ang gusto ni mama.
Si mama.. Sa kanya ko nalang to ibibigay.
Dinampot ko yung bulaklak at nag-iwan ng bayad sa lamesa. Oo, kumain ako, konti lang. Kanina pa kaya ako naghihintay dito.
Habang nag-aabang ako ng bus sa waiting shed, may tumabi saking dalawang matanda na mukhang mag-asawa. At.. at nakacouple shirt?
"Wow." bulong ko.
"May problema ba hijo?" tanong nung matandang babae.
"Po? Ah.. eh.. kasi nakacouple shirt po kayo. Nakakaamaze lang." napangiti naman silang dalawa.
"Naging tradition na namin to kada valentines day kahit di paman na uso itong couple shirt couple shirt na ito." sabi nung matandang lalaki.
