-Scarlet Madison-
"Hi babe!" Bungad sakin ng lalaking naglalakad ngayon papunta sa table ko. "I'm sorry kanina ka pa ba?" Bwiset na 'to pangiti-ngiti pa e halos tatlong oras na akong naghihintay dito! Dinadaan na naman nya ako sa mga ganyan nya!
"Ah hindi, mga 5 minutes pa lang ako dito." I sarcastically smiled. Letchugas may pakiss kiss pa! Para ano? Para hindi na ako magalit?! Oo hindi na ako galit! Kinikilig na ako! But that doesn't mean na kakalimutan ko na halos 3 hours ako naghintay sa kanya dito!
"Sorry na, may dinaanan lang ako sa—"
"Sino na naman dinaanan mo?" Ginatungan ko na sya bago pa sya akapg sinungaling. Baka maniwal na naman ako! Kumunot naman agad ang noo nya, kukunutan pako ng noo! Buset tlaga!!
"Babe naman, please anniversary matin ngayon oh." Nakita kong malungkot sya kaya tumahimik na lang ako, baka kung saan pa mapunta 'to e.
***
"Babe." Hinalikan ko agad sya sa pisngi ng makalapit ako sa table nila, nakita ko kasi syang nakatambay dito sa cafeteria kaya pinuntahan ko na sya kasama ang mga barkada nya. Naghiyawan naman 'yung mga loko kaya sinamaan sila ng tingin ni Kleigh. I'm so lucky to have this jerk in my life, ako na ata ang pinaka maswerteng babae dito sa campus dahil naging boyfriend ko ang nag-iisang Kleigh Montinegro.
"Anong ginagawa mo dit—"
"Happy second year anniversary babe!" Masayang tugon ko kaya natigilan sya ng iabot ko sa kanya ang gift ko. "Surprise?" Medyo ngumiti ako sa kanya kaya ngumiti rin sya ng bahagya. "Are you mad at me kasi nagpunta ako dito sor—"
"No, naalala mo akala ko nakalimutan mo na e. Busy kna kasi lagi kaya akala ko nakalimutan mo na ako." Malungkot na tugon nya. Nagdrama pa nga.
"Pwede ba naman kitang kalimutan?"
"Oo pwedeng-pwede mong gawin yon"
"Oo pero hindi ko ginawa diba?"
"Hay. I love you babe." Bago pa ako makasagot inangkin na nya ang mga labi ko. Sana ganito na lang palagi, sana hindi na magbago.
***
"Kleigh ano bang problema mo? Sabihin mo sakin, pano ko malala—"
"Ikaw ang problema ko Mhay! Hindi ko na nagagawa lahat ng gusto ko dahil jan sa pagka-praning mo!" Nag-echo sa buong bahay ko ang boses ni Kleigh. Iba na sya, ibang iba na sya.
"I'm sorry, hindi ko lang kasi tlaga mapigilan magselos sa mga—"
"Wala ka bang tiwala sakin? Puro ka na lang selos! Puro ka na lang hinala Mhay! Ano ba naman yan!" Napanganga ako sa sinabi nya. Puro hinala? Puro selos? Eh halos lahat naman ng hinaa ko tama e!
"Puro hinala Kleigh!? Nung isang araw nga nakita kitang kahalikan mo 'yung team captain ng cheer squad eh! Hinala pa rin ba yon ha?! Anong dinahilan mo sakin non?! Hindi mo yun ginusto at sya ang unang humalik sayo! Pwede kang umiwas at umayaw Kleigh kung gugustuhin mo! Pero mas gusto mong nakipag halikan sa hitad na yon!" Nag-init na ng husto ang ulo ko at umakyat na ang dugo sa utak ko! Sinusumbatan nya pa ako?!
"Tama na 'to. I've had enough Mhay." Bigla akong natameme ng marinig ko ang sinabi nya. He had enough? Anong ibig nyang sabihin?
"Are you breaking up with me Kleigh?" Nanginginig na ang boses ko at konti na lang babagsak na ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Natatakot ako, natatakot ako na baka tapusin na nya ang limamang taong relasyong pinaghirapan naming buoin.
"I think we nees some space Mhay." Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. I never think once in my life na magagawa akong iwan ni Kleigh. He knows how much I love him at alam nyang hindi ko kaya ng wala sya sa tabi ko.
"I'm sorry Mhay." Huling salitang sinambit nya bago ako tuluyang iwanan ni Kleigh. Iniwan nya akong nakatunganga habang pinapanood ko syang lumabas ng bahay ko. Paano ko sisimulan ang bukas ko kung wala na si Kleigh? Kakayanin ko ba 'to? Babalikan nya pa ba ako?
