Iniisip ko kung bakit naghiwalay kami nung taong mahal ko. Siguro nga'y di ako ang may mali sa relasyon namin kundi sya . Siguro'y tama nga ang mga kaibigan ko nung sinabi nilang di ako ang may kasalanan ,na hindi ako yung may ginawang mali . *sighs*
" Oh ! Ang lalim na naman ng iniisip mo ah . Tungkol na naman ba sa Ex mo yan ? " Tanong sakin ng kaibigan ko .
" Hindi ah ! Iniisip ko lang kung pano ginawa yung blackboard . Tignan mo yung bawat sulok ang ganda talagang sukat na sukat . Hindi ba ? " Pagsisinungaling ko . Oo 'sya' yung iniisip ko . Ano ba talaga yung dahilan kung bakit napunta kami sa hiwalayan .
" Bakit ko pa nga ba itinanong ? Ee alam ko namang ikakaila mo na yung bwisit na ex mo parin yung iniisip mo . Ano ba ? Magmove on ka na kasi sa kanya " Sabi nya . Kung pwede nga lang ee . Sana nakapagmove on na agad ako after ng hiwalayan namin kung gano kasi kadaling sabihin ang salitang move on ay sa kung gano naman ito kahirap gawin .
" Ewan ko . " Sagot ko na lang . Ayoko ng ipagtanggol pa ang sarili ko dahil hahaba lang rin ng hahaba ang diskusyon sa bagay na ito .
" 1 buwan na makalipas ang paghihiwalay ninyo at hanggang ngayo'y hindi ka parin nakakaMove on . Tanggapin mo na kasi na Wala na . " Isang buwan na pala makalipas ang araw na yun .
" Ihinto na natin ang paguusap tungkol dyan .Parehas naman nating alam na walang epekto yan dito / turo sa puso / " Sabi ko at tumayo na at nagsimulang maglakad . Nilingon ko ang kaibigan ko at nakita kong umiiling na lamang sya sa katigasan ko .
Ng ididiretso ko na ang tingin ko ay may biglang bumangga sakin dahilan ng pagbagsak ko .
" Sorry ! Sorry ! Okay ka lang ba ? Di kasi kita nakita " Paghingi ng tawad ng lalaking nasa harapan ko at hinawakan ang kamay ko upang tulungan akong tumayo .
" Sana'y naman na akong masaktan . Okay lang " Sagot ko habang nakayuko pa rin.
" Huh? " Sagot nya na bakas sa boses ang pagtataka .
" Huy ! Hala Okay ka lang ba !? " Tanong ng isa pang boses . Kung bobosesan ko ito'y boses ng kaibigan ko . Itinaas nya yung mukha ko mula sa pagkakayuko at tinignan ito .
" Kuya pwede nyo na pong bitawan ang kamay ng kaibigan ko . " Sabi ng kaibigan ko . Dun ko lamang napansin na nakahawak pa pala yung lalaki sa kamay ko .
" Hah-Ah ? Pasensya na . Sige aalis na ako " Sabi nung lalaki at binitawan ang kamay ko at umalis na .
" Okay ka lang ba ? " Tanong nya na alalang alala .
" Bakit parang alalang-alala ka ? Sa tingin mo ba mamamatay ako sa simpleng pagtumba lang ? " Tanong ko na may halong inis . Di ako ganon kahina .Tss .
" Sorry naman ~ Diba si Ven yun ? Ang pogi nya nga gaya ng pagkakakwento mo sakin dati nung Crush mo pa sya . Magiging kaklase ba natin sya ngayong taon ? " Puri nya habang nakatingin sa lalaking nakabangga sakin kanina .
" Di ko alam . " Sagot ko sa tanong nya .
" Let's make a bet. " Tanong nya galing sa kung saan .
" Wala akong pera . " Sagot ko
" Di naman pera-pera to ! Katuwaan lang . Dali na ~ " Pamimilit nya . Hindi naman pala pera e sige .
" Ano ba yun ? " Tanong ko . Anong klaseng katuwaan ba ang tinutukoy nito .
" Pero wait ! Diba bago maging kayo ng peste mong ex patay na patay ka kay Ven ? " Tanong nya . Hmm Oo Di ko lang sya naging crush nun nahulog na nga ata ako sa kanya ee
" Oo bakit ? " Tanong ko . Ano naman kayang connect nun sa bet ?
" Sa tingin mo may pag-asa bang magustuhan ka ni Ven ? " Tanong nya . Ako ? Magustuhan ng gwapong nilalang na yan ? Hindi . Imposible
" Wala . " Sagot ko . Naalala ko tuloy dati . Close na close kami nun .pero ngayon hindi na .
" Pag niligawan ka ba nya may pag-asa ba sya ? " Tanong nya . Sya manliligaw ? Sakin ? Nagpapatawa ba to ? Tss. Pero kung manliligaw nga ba sya . Nakadepende naman yun sa pagpupursigi nyang makuha ako ee
" Siguro ." Sagot ko . Baka nga hindi lang siguro ee . Oo na tlga kasi kung iispin mong mabuti nasa kanya na lahat ee . Gwapo , Gentleman at matalino .
" Then here's the bet . Pag niligawan ka ni Ven ngayong taon ... hmm ~ Ano ba ? Tsaka ko na lang sasabihin kung ano yung kapalit . At pag di ka nya niligawan ililibre kita every break for a month ! DEAL ? " Woah . Nababaliw na nga to pero sige na nga katuwaan lang naman ee . Sayang din yung Libre .
" Deal ! " Sagot ko . Mukhang panalo na agad ako sa deal na to ah . Tumingin ako kay Ven . Yan liligawan ako ? HAHAHA Imposible *winks* wait ! Kinindatan nya ba ako ? * blink blink * Hindi naman ..
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Another Story ~ Please Support at wag mahiyang magcomment ! I need your comments and votes too :D
BINABASA MO ANG
We Made A Bet
Teen FictionA story made up by a bet of me and my bestfriend some of the scenes here are true and it happened in the life of someone i knew or /laughs / maybe me ?