Margaux POV
Hayss ... Ano bang naging problema namin ? Bakit kami napunta sa ganito ? Minahal ko naman sya ng lubos . Masyado akong nagpakatanga kahit alam kong wala nang patutunguhan dahil may coldness na sa amin . Pinipilit kong i-cheer up ang sarili ko para hindi isipin na malapit na kaming maghiwalay . Alam kong may rason dito . Ano ba kasi yung rason na yun ? *sobs*
Para nanaman akong tanga na nakatulala . Pilit na iniisip ang nakaraan , Ang dahilan pero wala nanamang pumapasok sa isip ko . Ito na ba yung kapalit ng pagiging di seryoso ko sa mga nakaraang relasyon ko ? *smiles* *sobs* Bakit naman kasi kung kailan nagmahal na ako ng tama saka pa mapupunta sa ganito ? Nananadya nga naman yung pagkakataon . Kung kailan seryoso ka na saka ka pa lolokohin . *sobs*
" Ganito pala kasakit masaktan no ? HAHAHA . Kung alam ko lang sana dati pa *sobs* " Tanong ko sa hangin . Sasagot kaya yung hangin sakin ? HAHAHA Mababaliw na ata ako sa sakit ng nararamdaman ko .
" Ali ~ Mahal na mahal pa rin kita kahit ang sakit sakit na . Bakit umaasa parin akong magkakabalikan tayo ? Sabihin mo naman saking ayaw mo na oh ! " Sigaw ko sa kawalan . Ang sakit sakit lang . Bakit ganito yung nangyari satin ? Kung nakikita mo lang siguro akong umiiyak ngayon malamang papatahanin mo ako at sasabing " okay lang yan " kahit hindi naman .
Miss na miss na kita sana alam mo . Sana naririnig mo ako ngayon . Handa pa naman akong magpakatanga maging tayo lang ulit . Bakit ka kasi nagbago ? Sinabi ko naman na sayong Ok lang ako sa kung ano ka . Wala akong pakielam sa mga sasabihin nila kahit gano pa kapangit yun . Ikaw lang pinaniniwalaan ko .
" Ali ~ Sana nandito ka kasama ko ngayon . " Mahal na mahal lang kita na kahit 1 buwan na ang nakakalipas di pa rin kita nakakalimutan .
Sana di mo pa ako nakakalimutan . Lalo na yung mga masasayang alaalang naranasan at mga pagsubok na kahit gano kahirap ay nalagpasan natin . Oo nga no ? Ang dami na nating pagsubok na napagdaanan ngunit sa isang di malamang dahilan bigla na lang tayong nauwi sa ganito ? Hahaha pwede bang magmura ? Tngna .
Humiga na lang ako sa Rooftop ng School . Nasa klase pa ang iba kaya't ako lang magisa ang narito . Di ako nagcutting . Tapos na yung klase ko kaya nandito ako ngayon magisa at umiiyak na naman . Araw araw na lang ba akong ganito ? Pinikit ko na lang ang aking mga mata sa pagod sa pagiyak at di namalayang nakatulog na .
Someones POV
Sabi ko na't nandito ka nanaman at umiiyak Margaux . Kailan ka ba makakalimot sa pangyayaring yon ? " Margaux kalimutan mo na please ? Nasasaktan ako tuwing nakikita kang ganito . " Sabi ko at naupo sa tabi nya . Di pa rin pala nawawala tong nararamdaman ko sayo .
It's been a month matapos ang hiwalayang nagpapaiyak sayo araw-araw . Sa araw-araw na napakamiserable mong tignan . Kung hindi lang sana ako naging duwag hindi ka sana nasasaktan ng ganito .
" Itigil mo na ang pagiyak. " Sabi ko at pinunasan ang luha sa ilalim ng mata nya . Bakas na bakas ang pagod sa maganda mong mata . Hayaan mo namang magpahinga ang sarili mo .
Pinagmamasdan ko lang ang kanyang mukha . Di na ako magtataka na nahulog ako sa babaeng to .Unang kita ko palang sakanya alam ko nang kailangan ko syang protektahan . Naprotektahan ko naman sya ngunit sa napakaikling panahon lamang . Kung hindi lang sana ako naging duwag hindi ka nasasaktan na ganito . Pasensya na mahal ko .
Hinahaplos ko lamang mukha nya ng humangin at napunta ang ilang hibla ng buhok nya sa kanyang mukha . Inalis ko ito ng dahan dahan .Iniingatang di maistorbo ang kanyang tulog . Ng maialis ko na ang buhok na napunta sa mukha nya ay di sinasadyang napatingin ako sa labi nya .*gulps*
3rd Persons POV
Napatitig ito ng maigi sa labi ni Margaux . Minamasdan na parang kinakabisa ang bawat detalye sa labi ng dalaga . Sa labis na pagtitig ng binata ay di namalayang napapalapit na pala ang mukha nya sa mukha ng dalaga . Ngunit nagsimula ng gumalaw ang mata ng dalaga na para bang magigising na kaya't labis ang pagmamadali ng binata upang hindi mahuli ng dalaga . Ng papunta na sa pinto ang binata para makababa ay may narinig syang mga yapak ng isang babae .
Nagtago sya sa likod ng pinto upang di makita ng parating na babae . Ng makalabas na ang babae sa pinto ay dali daling bumababa ngunit maingat na hindi magingay ang sapatos na suot nito .
Sa kabilang banda nagtaka ang kaaakyat lang na babae ng may maramdamang presensya sa likod nya paglabas ng pinto ngunit paglingon nya sa likod ay wala naman syang nakitang tao . Kaya't ipinagpatuloy nya ang paglalakad at hinanap ang kaibigan sa Rooftop ng Paaralan . At nung nakita na nya ito ay...
Momos' POV
" Margaux ! Sabi ko na't nandito ka lang ee . Ano bang ginagawa mo at di ka pa umuuwi ? " Tanong ko kay margaux ng makita syang nakahiga sa sahig . Ito tlgang babaeng to ! Di nya ba alam na ang dumi ng hinihigaan nya ?
" *yawns* Hah ? " Sagot nya na mukhang bagong gising lang . Di pala mukhang bagong gising . Bagong gising pala tlga . Nakatulog sya dito ?
" Sabi ko bakit hindi ka pa umuuwi ? At dito ka pa tlga natulog . Ang dumi dumi dito ee ." Sabi ko nung nakalapit na ako sa kanya . Sabay pagpag sa Likod nya ng umupo ito at nakita kong marumi .
" Ah . Di ko namalayang nakatulog na ako. " Sagot nya
" Teka kumain ka na ba ? " Tanong ko dahil mukhang pagkatapos ng klase namin kaninang 12 ay hindi pa sya umuuwi ee .
" Hindi pa ." Sagot nya .
" Ano bang iniisip mo at di ka pa kumakain ? 2:43 na ng hapon oh ! Nagpapalipas ka nanaman ng gutom . Bakit ka ba kasi nandito ? " Tanong ko . Hayss di tlga mapagsabihan to . Halos araw araw na lang . Ginugutom yata nya ang sarili nya .
" Nakalimutan ko ee. Nagpahangin lang ." Sagot nya . Alam ko namang pumunta dito yan para itanong na naman sa sarili nya yung hiwalayan nila ng Ex nya ee.
" Halika na nga't kumain . " Sabi ko at ginaya na sya patayo at pababa ng hagdan . Di na sya maingay katulad ng dati . Namimiss ko na yung kaibigan ko dati na sobrang sigla at malakas kumain . Hindi yung napakatamlay at laging walang gana kumain .
Napakamiserable nya ngayon . Di lang pala ngayon . After ng break up nila naging ganyan na sya . Bale 1 month na syang ganyan . Sana bumalik na yung dati . Yung dating sya . Sana makatulong ako Margaux ._.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Musta 1st Chapter ? Bitter ba masyado ? Madrama ? Comment please . And Vote too ~

BINABASA MO ANG
We Made A Bet
Teen FictionA story made up by a bet of me and my bestfriend some of the scenes here are true and it happened in the life of someone i knew or /laughs / maybe me ?