Love is in the Air (one shot)

75 7 2
                                    

"Ate bilis na tinatawag na tayo nila mama oh"

"Teka lang naman. Itatali ko nalang naman to"

Itinali ko yung papel na pinagsulatan ko ng aking wish sa lobo na binili ko pa kanina kay kuyang nagtitinda ng lobo. Nakakahiya nga kasi nakipag-agawan pa ako dun sa isang bata kanina ang gusto ko kasi red eh nag-iisa na lang. Kaya ganun..HAHA

Pero gaya nga ng sabi nila "You can do anything for LOVE if its yours" Naniniwala naman ako na para sa akin siya kaya ko to ginagawa.

Nalaman ko kasi na kapag isinulat mo yung wish mo sa isang papel at ipinalipad ito sa lobo malaki yung possibility na matupad yung wish. Parang kagaya din noong paniniwala ng ibang tao sa mga wishing stars isali niyo na ako dun. Kahit na napag-sasabihan na akong baliw kasi daw kung anu-ano ang nalalaman ko eh hindi naman daw yun totoo naniniwala pa rin ako.

Ano bang pakiaalam nila eh sa yun ang gusto kung paniwalaan. Malay mo totoo naman diba. Sabi nga eh "there's no risk in trying" tama ba? Tamo ang dami kung alam. Narinig ko lang yan sa kapit-bahay namin.

Sa wakas natapos ko na ring itali yung papel sa lobo. Ang tagal ko bang nagtali? Eh panu habang iniriribbon ko yung papel nagdarasal ako na sana umeffect na to. Hayy!! Pinaganda ko pa yung pagkakasulat noon para naman kung sino mang makabasa nito na tutupad sa kahilingan ko eh mabasa niya agad para matupad na yung wish ko.

"Sure ka ba jan sa ginagawa mo? Eh kung ibinibigay mo nalang kasi yan ki Kuya Bienz mas effective pa"

sabi ng ever supportive kung kapatid.

"Pwede ba! Tumahimik ka nalang dyan baka masira mo yung magic powers nito. Pag di to gumana patay ka sa kin"

Tinapik ko yung kamay niya inaagaw kasi yung balloon.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at unti-unting inirelease ang balloon.

'Sana po God matupad na yung wish ko' nakapikit pa ako niyan para damang-dama.

Pagmulat ng magaganda kung mga mata.

O.o

"Hoy!! Langyang to!!"

sabay agaw ko ng hawak niyang tirador. Binabato ba naman yung lobo pano kapag tinamaan yun at pumutok. Bye bye Love na naman ako.

"HAHAHAHA!! Baliw ka talaga ate tingin mo makakarating yan dun?*

turo sa langit* wala na atang helium gas yun saka tingnan mo naman nagpalipad ka dito sa lugar na puro building sana sa open field ka nalang."

"Tse! manahimik ka na nga lang diyan"

at tiningnan ko yung lobo. Totoo nga yung sinabi ng kapatid ko pero hindi about dun sa 'baliw ako' mahina na nga ata yung helium gas. Pero as far as my eyes can see. Malayo-layo na rin yung nararating ng lobo ko.

"Hay naku ate pustahan pa tayo hindi matutupad yang wish mo"

confidence na confidence niyang sabi sa akin.

Aba! Hinahamon ako ng batang to.

"O sige payag ako."

Ewan ko ba kung anong sapi meron ako at sobra ang tiwala ko na mangyayari nga yun.

"Sabi mo yan ha after 3 days na walang nangyari akin yung allowance mo sa whole month"

"3 days? Pwede ba 1 month nalang din eh di pa yata nakakarating sa outer space yung balloon ko niyan eh."

"Wala ka naman palang tiwala bat mo pa ginawa?"

"May tiwala naman ako kaso ang iksi naman nun. Malay mo matagal-tagal pa bago umeffect di ba?"

Love is in the Air (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon