I

62 2 0
                                    

Akala ko okay na ang lahat, kala ko hanggang dulo tayo, katulad ka lang din pala nila.. IIWAN MO DIN AKO.

APRIL 16, 2011

"So ano? Tayo na??"

"Huuuyyyy Jeremyyy!! Hinaan mo lang.. Satin satin muna to"

"WOOOOOOOOOOOHHHHHOOOOOO! Di mo alam kung gaano ako kasaya dahil sinagot mo ako! Mamahalin kita hanggang sa dulo. I love you Ali.."

JULY 25, 2012

"Alam mo? Hindi ko alam kung ano na nangyayare sayo. Iba ka na eh, hindi na ikaw yung Alyssang nakilala ko. Wala akong kilalang ganyang Alyssa"

"Hindi ba ako pwede mag bago? Kailangan ba lahat kontrolado mo?"

"Hay nako! Siguro mas okay pa na maghiwalay nalang tayo. Ayoko ng gulo eh"

"Yan ba gusto mo? Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan natin? Pagkatapos ng lahat ng hirap na hinarap nating dalawa? Pagkatapos ng lahat ng effort mo? Ano? Itatapon nalang natin lahat lahat?? Jeremy naman.. Wag naman ganito" 

"Kesa naman magtagal tayong naglolokohan. Ayoko na Ali. Sorry...."

SORRY... Haaaaay buhay.. Minsan masarap nang pumatay ng Tao eh. By the way, ako nga pala si Alyssa Cruz, 16 but you can call me maybe chos, Ali for short. Magco-college na ako at alam ko sa sarili ko na nakaget over na ako sakanya. It's been 2 years since that incident. Sadyang bumabalik lang lahat ng memories. 

OKAAAAAAAY! Baka maiyak pa ako, pang MMK kwento namin eh. Back to my present life..

"ALI! ALI! BUMABA KA NA DITO TAWAG KA NI MAMA!"

"Teka lang Lex! Magsusuklay lang ako"

"DALIAN MO DAW! IIWAN KA NA NAMIN!"

Nako kuyaaaaa! Kung alam mo lang kung gano na kasakit ang tenga ko sa boses mo. Azar eh. 

Nagbihis na ako syempre, iinterviewhin na ako mamaya eh. I can't wait maging college. I'm so excited!!

Bumaba na ako ng kwarto ko at nakita ko sila mama at kuya sa sala.

"Tara na, baka mai-stroke ka pa dyan pag di tayo gumalaw."

"Che. Ma, gagamitin po ba natin yung kotse?"

"Oo, kuya mo na magda'drive may pupuntahan pa kasi akong meeting with some clients. Ingat nalang kayo ha?" 

"Okay ma, byeee~"

Dinrive na ako ni kuya papuntang La Salle. WOOOOH GRABE~ Ang laki! San kaya magiging room ko? Huhuhuhu, excited na talaga ako. Busy na busy ako kakatingin sa mga buildings hndi ko napansin na may kasalubong na pala ako..

"OOOOOOOOOOFFFFFFFF"

"Ay shems! Nakuuu, sorry po"

Ang dami pa naman niyang dala! Hay nako, tanga tanga mo talaga Ali! Errr. Tinulungan ko siyang pulutin ung mga nalaglag niyang gamit. Nakita ko din may mga blueprints siya. So engineering student siya? Mukhang magkikita talaga kami nito madalas. 

"Ali nasan ka na ba? Nauuna pa kasi kesa sakin e-"

"Lex??"

"Steeeeeeepppphhhhh??"

"HUH?! WHAT IS GOING ON?? LEX? STEPH?!!"

"Stephen bro, kamusta sembreak?" -Alex

"Okay lang naman. Girlfriend mo bro?" 

JUSMIYO. Muntik na ako masuka sa sinabi nitong gwapito na itey. Ni-hindi ko nga makita kung san banda yung gwapong sinasabi ng mga girls sa kuya ko eh. Baka na-gayuma lang? Uh, baka nga.

"Yuck-" -Alex

WOW. Gwapo ng kuya ko eh noh? Excuse you, magkamukha lang ho tayo! 

"By the way Stephen, this is Alyssa. Ali, this is Stephen."

"Jinjja?? Wow Ali, ikaw na yan? Ang laki mo na ah?" - Stephen

"Uh, oonga eh. Hehehe"

(Pabulong) "Kuya, Sino to? Nagkakilala na ba kami nito?"

"Oo, magkakasundo kayo niyan! Koreano din yan"

Yun oh! Sakto, Kpop lover pa naman ako. 

"Hi Alyssa, I'm Stephen Lee."

Nakikipagkamay siya. Tatanggapin ko ba? Ang gwapo niya naman kasi eh! Focus Ali, focus.

"Uh, Hi."

"Well sorry kung aalis na ako hinihintay na kasi ako ni Laureen eh. Hope to see you soon. Goodluck~ bye."

"Uh, kuya? Anung oras na??"

"9:30, bakit?"

"Kems ka eh no? Late na ako."

Simula palang eto ng panibagong buhay ko..

(a/n: a bit short and crappy? Yes. =))) Happy 1st CHAPTER! =))))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon