Killer Montero

191 10 1
                                    


It was Friday morning ng maramdaman ko na maipapasa ng anak kong si Frank ang bar exam . Alam ko kung ano ang magiging surprise gift ko sa kanya at pangarap nyang magkaroon ng sariling sasakyan at ito yung Montero. Nakikita ko sa room nya ang mga picture ng mga sasakyan at gustong-gusto nyang magkaroon nito. 

Well, today I will grant my son's wish na magkaroon ng sasakyan dahil may nakausap na akong salesman na mag bibigay ng magandang deal sa akin. Pina reserve ko na ang sasakyan na yun at color dark red ito. Paboritong kulay ng anak ko at alam ko na magugustuhan nya ito pag naibigay ko na sa kanya.

Sumapit ang pag announce nila ng mga nakapasa at kasali sa top 10 ang anak ko. Masayang masaya kami ng asawa ko at mga kapatid nya kaya nag celebrate kami sa restaurant kasama na din ang gf nya na si Caroline at ang Nanay nitong si Myra. Proud kami sa kanya dahil one take lang ang ginawa nya sa exam na yun.

Hindi ko na pinatagal sabihin sa kanya kung ano ang gift ko. Inabot ko sa kanya ang susi at masayang masaya syang makita ang kotse sa labas ng restaurant. Ginamit nya kaagad ang kotse noong hinatid nya sila Myra at Caroline sa bahay nila. 

Noong nakauwi naman sya ng  bahay ay hindi na mawala ang ngiti nya at masaya din ako dahil deserve nya ang lahat ng blessings na dumarating sa buhay nya. 

Dumaan ang ilang araw at lagi pa rin nyang gamit ang sasakyan hanggang isang araw kasama nya si Caroline at pauwi na sila galing mall ng biglang nawalan ng break at mabilis mag acceleration ang sasakyan. Hindi na control ni Frank ang sasakyan kaya nahulog silang dalawa sa bangin. Dead on arrival silang dalawa noong isugod sila ng mga nakakita sa kanila.

Labis ang pag dadalamhati namin na lahat ng saya ni Frank ay nauwi din sa hindi magandang pangyayari. Mag kahiwalay ang libing nila Frank at Caroline at minabuti ni Myra na iuwi ang mga labi ni Caroline sa probinsya. 

Nag file kami ng kaso laban sa dealer ng Montero dahil may depekto ang nabili ko na sasakyan at alam namin na maayos naman mag maneho ang anak ko. Nasa probinsya man si Myra ay hindi kami nag kukulang mag update sa kanya tungkol sa kaso. Masamang masama pa rin ang loob nya dahil sa aksidente na sinapit ng anak nyang si Caroline.

Nalaman ni Myra na hindi umuusad ang kaso kaya nag pasya syang lumuwas ng Maynila pagkatapos ng libing ni Caroline. Gumawa sya ng sarili nyang paraan para maiganti ang anak  laban sa dealer ng pinag bilhan ko ng kotse. Pinag planuhan nyang mabuti kung paano masusunog ang bilihan ng sasakyan. Nalaman na lang namin ang plano nya noong nang iwan sya ng sulat sa kapatid nyang si Belen. 

Kasama ni Myra na nasunog ang autoshop. Nagawa nya yun  dahil sa sobrang kalungkutan na nawala sa kanya ang nag iisang anak. Nalulungkot naman si Belen sa sinapit ng kanyang kapatid.


<<<Flash Back>>>

Madaling araw ng paluwas sila Thea at Jovie sa Maynila ng biglang may nag overtake na sasakyan sa harap nila at hindi agad kumagat ang preno ng  jeep na sinasakyan nilang mag asawa. Nag pagiwang giwang ito at nawalan ng control. Tumaob ito at tumama sa paparating na truck. Namatay ang lahat ng sakay ng jeep pati na ang driver ng truck na kasalubong nila.

Bago pa man tuluyan mawalan ng hininga si Thea ay may dinadasal sya sa salitang Latin. Dasal na kung saan isinusumpa nya ang nag overtake na sasakyan na yun sa kanila. Nakatitig sya ng masama sa papalayong Montero. 

Si Thea ay kinatatakutan sa barangay poblacion dahil sa kakayahan  nyang manggamot at malakas ang kapangyarihan para manumpa ng kung sino. Ang Montero ang huli nyang sinumpa bago sya tuluyan mamatay.

-The End-










Killer MonteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon