First story ko to sa wattpad! Yahoo!
Sana mgustuhan nyo guys
May pagkakahawig lang sya ng konti sa manga na nasa pic.
Salamat sa magbabasa, magcocomment at magvovote <3
Chapter 1: Oo ako si Inoi, bakit?
Wala na bang tahimik na lugar dito sa eskwelahan na to? Ang sakit sa tenga ng ingay!!!!
Ha? Oo nga pala. Ako si Inoi. 4th year highschool.
Dito ako nag-aaral sa magulong paaralan na to. Pero sabi ni ate malaki daw ang tuition fee dito kaya magandang eskwelahan ito.
Hindi ko alam kung pano nya nasabi yun.
"Ano Chibby? Sa Science Lab walang tao? Sige tara!"
(a/n Tumakbo na si Inoi papuntang science lab kaya ako na lang magpapatuloy ng kwento nya.
Ang kausap nya ay si Chibby. Nakakatakot na manika na lagi nyang dala dala at kausap.
15 yrs old na sya. Mahilig sya sa mga nakakatakot na bagay pero nandidiri sa mga gwapo. Baligtad utak ano?)
INOI POV
"Hay salamat! May tahimik na lugar na rin para sa atin Chibby!
Anong gusto mong laruin natin?"
Parang may nagbukas ng pinto. Nakakainis talaga kahit saan na lang!
Teka masilip nga
"S-sino ka? Umalis ka ditoo! Ako ang nauna ditooo!"
Naku ayaw humarap.
Ang kapal talaga!
"Sinabi ng uma--"
"Ano ba't ang ingay mo?!"
A-ang gwapo niya, hindi sya pwede dito. Hindi ko kayang may kasamang ganitong nilalang ditooo!
"Umalis ka gwapong nilalang! Nakakasuka ka! Papatayin kita kapag hindi ka umalis!!!!"
Umangil na ko.
"Oo na sige na, kapag umalis na yung may naghahabol sakin pwede ba? Dito lang ang safe na lugar eh." sabi ng gwapong nilalang
"Doon ka sa dulo! Wag na wag kang lalapit saken!" nanlilisik ang mga mata ko hbang binabantaan sya
"Oo na gurang! Aanuhin ba kita jan? Aalis na ko umalis na din sila sa wakas! Ang sungit mo!" pagkatapos ay lumabas na sya.
Nagbell na. Susunod na klase na naman. Ayaw ko talaga sa mga tao e.
Hawak ko si Chibby papunta sa English class.
Nakakatuwa!
Tumatabi ang bawat taong madaanan ko. Mabuti alam nilang ayaw ko sa kanila.
"Will you please give me an example of a sentence that has an adjective?"
Boooring.
Recitation na naman.
Nakikita ko ang mga mukha ng mga kaklase ko. Kabadong kabado. Nakakatawa. Hahaha!
Teka! Sino ang isang to?
Sino din ang isang to?
May isa pa?!
Bagong kaklase??!!
Panu nangyaring?!!!
-End of Chapter 1-
a/n Boom! Lokong Inoi di nalamang may bagong kaklase. Haha!
Sana nagustuhan nyo. Patuloy nyo lang ang pagbbasa at suporta! *^o^*
_nads_
BINABASA MO ANG
The Path of Becoming a LADY
RomanceSi Inoi, isang di pangkaraniwan at misteryosang babae ay magugustuhan ng isang napakagwapong lalaki. Pero teka, hindi daw nya gusto to. Nandidiri sya sa mga gwapo. Hay nako! Abangan na lang natin ang nakakatawa, nakakatakot, nakakapanabik at nakakak...