Update agad pag may time! :D
Salamat sa nagtitiyagang magbasa.
Mahal ko kayo. <3
Ang drama ba? Eto na nga... :D
Chapter 2: That radiant creature!
Sino? Sino ang mga taong to?
Bakit sila nandito?
Wala naman akong naaalalang kaklase ko sila?!!!
"Miss Inoi!"
Kanina pa pala ako tinawag ni ma'am.
"Will you please give me a sentence that has a verb?"
Hindi ako tumitingin sa teacher. Sa kanilang tatlo pa din ako nakatingin.
"They are new students here, they are transferees. Nagpakilala sila kanina sa Math class nyo. Don't tell me Miss Inoi na hindi ka pumasok sa Math class?"
napansin yata ni ma'am kung san ako nakatingin
"Opo hindi ako pumasok sa Math class"
"Wow, you're really straight to the point. Next time na magcutting class ka ulit I'll really call your cousin. You may sit down Miss!"
Alam ng teacher na to kung sino ang kinatatakutan ko. Palibhasa adviser. Oo, si ate lang ang kinatatakutan ko. Ay hindi pala, kasama na rin pala dun ang mga gwapo.
Kaya nabigla ako ng makita ang mga bagong kaklase.
Bakit sila pa?
Nakakadiri talaga ang mga mukha nila! Leche! Arggh!
Parang ayoko na tuloy pumasok dito -_____-
"Ayan na yung nakakatakot na babae! Tabi jan! Waaah!"
Naririnig kong sinasabi ng mga estudyante habang naglalakad ako.
Teka, parang narinig ko ang pangalan ko?
Pinalaki ko ang tenga ko. Not literally :-D
"Oo si Inoi! Kinatatakutan ng lahat yan sa school namin Hugo!" sabi ng isang estudyante.
"Ganun ba ha? Hindi nya kami kayang tatlo! Tama ba mga bata?!!"
Isang malaki at matabang lalaki ang nagsalita.
Ano bang problema ng mga to?!
Naglalakad ako pauwi ng may sumalubong sakin.
Yung matabang lalaki na narinig ko kanina!
May dalawa pang kasama at mga baboy din!
"Ikaw ba si Inoi?!" pasigaw na tanong ni baboy
"Balita ko takot sayo ang lahat ng estudyante sa paaralan nyo"
"Tignan nga natin kung kakayanin mo kaming tatlo" sumingit na sinabi ng isa pang baboy
Nakatayo lang ako habang palapit sila sakin.
Gusto ata ng mga to ng sakit ng katawan.
Sige pagbigyan!
Pasugod na sila ng biglang...
"waah!"
"arruuy!"
"gyaaah!"
Natumba agad ang tatlong baboy.
Tig-iisang sipa lang! Ang galing ng lalaking ito!
Nakatalikod sya sa akin habang sinasabing,
"Oh ayos ka lang ba?"
"Ah oo! Salamat ha! Sino ka nga pala at bakit mo ko niligtas"
Humarap sya sa kin at......
"gyaaaah! Ikaw na naman!!!"
-End of Chapter 2-
a/n Whew! Medyo gagawin ko ng kaabang abang yung susunod na chapter.
Keep on voting, commenting and reading. <3
Labyu guys! ;)
_nads_
BINABASA MO ANG
The Path of Becoming a LADY
RomanceSi Inoi, isang di pangkaraniwan at misteryosang babae ay magugustuhan ng isang napakagwapong lalaki. Pero teka, hindi daw nya gusto to. Nandidiri sya sa mga gwapo. Hay nako! Abangan na lang natin ang nakakatawa, nakakatakot, nakakapanabik at nakakak...