Chapter Three: The Party (Part 2)
CARL’S POV
Talaga bang ngayon na? Ang araw ng engagement party namin? Parang hindi ko pa matangap. Ano nang mangyayari pagkatapos nito? Kailangan ko ba syang suyuin kahit di bukal sa loob ko? Kailangan ko ba yang dalawin araw araw sa bahay nila? Lilipat ba sya ng school kung nasaan ako at ipapakilala sya bilang fiancée ko? O girlfriend ko? Do I have to hug her? Do I have to kiss her? Do I need to love her? How could I do those? Hindi ko kaya.
I look at the moon. Buti pa sya maliwanag at mukhang masaya hindi katulad ko.
*tap*
Medyo nagulat ako ng maynarinig akong tunog sa tabi ko. Pagtingin ko...... isang babae lang pala, nakagown sya ng red, may suot ng pink na maskara, brown ang buhok na wavy at mahaba. Parang gulat din sya na nakatingin sa akin. Istorbo, gusto ko pa sanang mapag isa.
“uhhh.. sorry.. did I disturb you?” tanong nya
Para namang hindi obvious noh? Medyo asar pa ako sa pagdating nya kaya naman medyo na pagsupladuhan ko sya. Ang totoo gentleman ako, maliban lang siguro kay Karen at ngayon.
“What are you doing here? Visitors should be inside the hall!”
“......”
Ewan hindi ko alam kung bakit sya na speechless. Natakot ata? Haay! Malamang! Kaya sya nandito kasi ayaw nya sa loob. Parang ako na din ang sumagot sa sarili kong tanong.
“..*sigh.. wakarimashita” sabi ko ng marahana sa sarili ko
Naku! I forgot! Nasa America nga pala kami! Tapos nakapag Japanese ako.
“ohh! Japanese ka!?” biglang tanong nya.
“uhh-? Marunong kang mag japanese?”
Wow! Ayos ah!? Nagpalitan kami ng tanong wala namang sumagot. (=.=)
“H-Hai!” she said smiling at me (in fairness Maganda sya! :P)
I smiled at her. Syempre cute yon! For sure na-inlove na to!
“So we’re the same”
“uhmm.. Guard ka ba? Anong ginagawa mo dito?”
“Sa pananalita mo parang ikaw ang guard ah”
Ngumite ulet ako sa kanya na ibig kong sabihin ay nagbibiro lang ako. Pero iyon speechless na naman sya. Corny ba yung sinabi ko?
“Ano bang ginagawa mo dito?”
Muling tanong nya ngunit may halo na ng konting katarayan. Tapos naglakad sya ng mahinhin sa harap ko papunta sa loob ng garden house. Mukhang galing sya sa isang napakapormal na pamilya medyo may pagkakahawig kay Sarah ang kilos nya. Haaay, isa na namang mahinhin na babae.
“Gusto ko kasi sa tahimik na lugar..lalo na ngayon” sagot ko
“ahh ganun ba”
Pagkatapos mismo nyang magsalita ay bahagya syang matatapilok buti nalang nasambot ko sya at medyo nakapagbalance din sya.
“ah-!”
“Are you OK?”
AYA’S POV
“uhhh.. sorry.. did I disturb you?”
Tanong ko sa kanya. Aww! Bakit ako ang unang nagsalita? Well, ako yung nag approach eh kaya dapat ako nga. Hmm? Nag Sorry na nga ako pero bakit parang medyo ang sama ng tingin nya?Ano to kailangan muna ng scanning bago sagutin ang tanong ko?