Kabanata 1

69 1 0
                                    




                 

"Do you have a spare pen?"

Nagitla ako sa taong biglang bumulong sa aking tenga. Ang  swabe kasi ng boses at ang bango pa ng hininga. Pero mas nagulat ako nung humarap ako. Shit! Ang gwapo naman nito. Anong kaya ang course ni Kuya? Anong year? May Girlfriend na kaya siya? OMG. Baka isa ito sa mga sirena sa mundong ito.

No! Hindi naman siguro pero kasi naglipana na ang mga tulad niyang mapanlinlang.








Nagising ako sa aking pag da-daydream nang tinapik niya ako.

Shucks, nakanganga pa ako. Tanga moments naman oh.








I clear my voice before answering him.

"Uhmmm ... Yes, Why?"

Ang ganda ng mga mata niya pati ang pilikmata at kilay niya ang ganda din. Bading nga 'to.

*sigh*





"Manghihiram sana ako. You see I lost my pen and I badly needed it right now. My assignment kasi ang akong tinatapos, Okay lang ba?" He smiled after he said that. Artista ba 'to?

Gaga ka Anya! Dami mo ng sinabi nanghihiram lang ng ballpen yung tao. Ang OA mo talaga kahit kelan.





Dahil nairita  na ako sa mga ginawa ko or rather sa mga naiisip ko. Siguro kung nagtagal pa ako g isang minute dun ipapahiya ko ng tuluyan ang sarili ko. Pinahiram ko na siya ng ballpen na walang sinasabi at umalis na agad ng Library.











Ako nga pala si Annika Marie Martinez. Anya ang tawag sakin ng mga kaibigan ko o kahit na sino na. Ayoko ko kasi sa pangalan ko. Di ko alam kung bakit, siguro dahil masyado ng common. Well, may iba't- ibang preferences naman ang mga tao diba?


1st year College  palang ako at Mass Communication ang kinukuha kong Course dito sa Liberty University. Halata naman diba? Ang daldal ko eh.


Nangangapa palang ako sa University, napakalaki naman kasi eh. Isang buwan na simula nag-umpisa ang  semester pero di ko pa nalilibot ng buo ang campus. Well actually galing ako sa probinsya, Davao. Dun na ang buong buhay ko kaso gusto ko talaga sa Liberty University mag-aral ng college kasi gusto kong grumaduate sa isa sa mga pinakamagandang kolehiyo dito sa Pilipinas. Pagkadating na pagkadating ko ng maynila dumiretso agad ako sa Liberty University. Dala-dala ko pa ang malaki kong maleta noon nung nag-enroll ako. Ganun ako kasaya at kaexcited ng malaman kong scholar ako ng school na gustung-gusto ko.


  Ang swerte ko nga kasi nabiyayaan ako ni Papa God ng katalinuhan. Kung Wala Yun siguro di ako makakapasok dito. This is my dream school. Ang mahal kaya ng tuition dito katumbas ito ng isang taong supply ng pagkain namin nila Mama at Lola Delly.


Mahirap lang kasi kami. May-ari kami ng isang maliit na kainan sa Davao. Kaya alam kong hindi ako mapagaaral ni Mama sa tulad ng Liberty University. Kaya nagsikap talaga ako. Sabi ko sa sarili ko nun "Wala akong ibang University'ng pageexaman kundi LU lang"


After ng tanga moment ko sa library umuwi na ako sa dorm. Lahat siguro ng bagay sa LU eh gustung-gusto ko. Mula sa Library, CR, Room, laboratory, Dorm. Wala eh, fan ako ng school na ito.


Nadatnan ko ang roommate kong si Kate na naghahanap ng masusuot. Siguro paparty nanaman ito. Ahead ng one year sa  akin si Kate. Accountancy ang course niya. Akala ko nung una ay di ko makakasundo ang isang ito dahil masyadong liberated. Pero Mabait naman pala siya, liberated nga lang talaga.


His Wicked WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon