Kabanata 3

28 1 0
                                        

Monday came and I know nothing will make my Monday exciting. Kasi I am just an ordinary student.

Hindi ko na masyadong inaalala ang mga nangyari nung weekend dahil sumasakit lang ang ulo ko. Wala na din akong naging balita dun sa Babaeng dinala ko sa clinic nung Sabado kaya kems na.


Kakatapos lang ng first class ko and I am now heading sa Cafeteria to grab something to eat dahil ang next subject ko ay tumatagal ng 2 hours.


Pagdating ko ang dami na agad tao malapit na din kasing mag lunch kaya siguro.

Nagkibit balikat lang ako at agad na pumila at tumingin ng makakain.


Iba yung nararamdaman ko ngayon. Well nagsimula ito nung pumasok ako dito sa Cafeteria.


I roam my eyes to see kung may nakatingin sa akin. Pero wala naman.

Binalik ko nalang ang tingin ko sa mga pagkaing nakahilera sa aking harap.


"Neng anong sayo?" Tanong sakin ng medyo matanda nang tindera.

"Ate.. Isa nga pong Student meal" sabi ko.


Well nagtitipid ako kaya Student meal nalang. 75 pesos lang, may dalawang ulam ka na, dalawang kanin, at softdrinks. Sulit!


"Anong ulam mo?"

"Afritada at Ginataang Kalabasa po. Coke nalang po yung drinks ko" sagot ko sa Tindera


Nginitian nalang ako ng Tindera at agad hinanda ang inorder ko.


Ayan nanaman yung feeling. Iba kasi eh. Tumataas kasi yung balahibo ko sa batok. Naka-ponytail pa naman ang buhok ko ngayon.



Alam mo yung parang may malamig na hangin na dumaan. Ganun yung pakiramdam.



Binalik ko nalang yung tungin ko sa Tindera nung tinawag niya yung pansin ko dahil tapos na daw at bayaran ko na.



Agad ko namang binayaran ang binili ko at tumalikod ng..


"Oh shit!"



Muntik ko nang mabitawan yung tray na dala-dala ko ng isang Seth na nakangiti ang sumalubong sa akin.




"Wow.. Shit? Sa gwapo kong ito? Shit?" Natatawa niyang sabi sa akin.



"Sorry nagulat kasi ako. Excuse me" sabi ko nalang para maka-alis na sa harap niya ngunit nabigla ako ng hinila niya ang siko ko papunta sa isang mesa.


"Teka.. May dala akong tray baka matapon yung pagkain ko" Sabi ko habang ingat na ingat kong hawak yung tray.



Wala na akong pera kung matatapon pa ito. At kung meron man ayoko nang pumila nang napaka-haba! Ang sakit sa ulo!


"Guys! This is the girl I've been talking about! This is Annika and she's really adorable, right?" Sabi ni Seth sa mga tao sa mesang pinagdalhan niya sa akin.


Nilibot ko ang mga mata ko at nakita ko ang tatlong lalaking nakangiti sa akin. What the hell? Nakakakilabot ah!


May mga babae din sa table nila and I think boyfriend nila yung dalawa sa mga lalaking gwapo.


Makadikit kasi eh.. Parang tuko! Hahaha.


Nguniti nalang ako sa sarili. Baliw ka talaga Anya.

"Hi, ah sige kakainan na muna ako" sabi ko nalang at tatalikod na ng biglang hinarang ni Seth ang katawan niya sa dadaanan ko.

"Dito ka na kumain Anya" malandi miyang sabi.

Shit? Bakit?

"Wag na atsaka wala na atang mauupuan meron pa naman sigurong vacant table somewhere" sabi ko nalang.

Pero bakit parang wala? HUHUHU please ayokong makasama ang Seth na ito!

Biglang lumayo sa akin si Seth at lumapit sa isang lamesang puro babae.

"Miss, can I have this chair? Wala na kasing maupuan yung Girlfriend ko eh" Nakanganga ang lahat ng babae sa lamesa at parang may himalang nangyari.

Pero ano? Girlfriend? Ako? He's kidding right?

"Halika na Annika. Baka kasi gutom ka na"

Inayos niya ang upuan sa lamesa at hindi nakakapagtakang magkasya kami kasi mas malaki ang lamesang ito kumpara sa ibang lamesa.


Di na ako tumanggi at umupo na.

Wag nang mag inarte dahil halos 40 minutes na ang naubos dahil sa mga kaganapan 1 1/2 lang ang vacant ko.

Nilapag ko na ang tray na hawak at umupo na.

Susubo na sana ako nang bigla akong tanungin ni Seth.

"Anong course mo?"

"MassComm"

"Ah. Kaya siguro ngayon pang kita nakita. Freshmen?" Nagpipigil na ngiti na tanong ni Seth.

"Oo. Bakit?"

"You look so naíve and don't get me wrong it kinda turned me on." Nakangiting sabi niya

Napataas naman ang kilay ko doon at hindi na siya sinagot.

Ang baboy talaga ng lalaking yun. Ang manyak talaga! Looks can really be deceiving!

Minadali ko nalang ang pagkain at hindi na sila pinansin. Nagkwekwentuhan naman na sila ng kanyang mga kaibigan kaya di na ako nag angat ng tingin.

Kinalabit ko siya.

"Ano, Seth?"

"Yes?" Lingon niya sa akin.

Medyo natigilan pa ako dahil ang laput lapit nang mukha namin sa isat-isa.

"Aalis na ako. Salamat sa ano sa ano.."
Shit? Namemental block pa ako? Gaga ka talaga!

"Hmmm? I get it. You don't have to worry about that Annika" mahina lang ang pagkakasabi niya nun pero hindi pa rin siya lunalayo.

Ang bango ng hininga niya.

"Bakit mo nga pala ako kilala? Sabi mo kanina di ako panilyar sayo"
Nakakapagtaka kasi eh.

"Sa Pen mo na pinahiram sa akin. You caught my attention that day and I made an excuse just to talk to you"
Nakangit niyang sabi at mas nilapit ang sarili sa akin.

Isang tawa ang nagpalayo sa aming dalawa.

"Man, stop with the PDA! The whole Cafeteria are now watching the two of you" matawa-tawang sabi ng singkit niyang kaibigan. Oliver ata ang pangalan niya.

"Gago!"

"Sige, aalis na ako"

Mabilis ang mga naging kilos ko at rinig ko pa ang tawanan ng nga kaibigan niya nang papalayo na ako.

Shit, anong nangyari? Bakit ko hinayaang hilahin ako ng Seth na yun?

And for the love of cheesecake Anya. Hindi mo siya kilala! First name nga lang ang alam mo sakanya eh!

Pero ang init ng mga pisngi ko!

I must avoid that man!

I MUST avoid that man!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Wicked WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon