Guys! Our beloved Beatrice (check the pix!) Mwahhh!
~~~Lex POV~~~
Naramdaman ko ang ang pagsayad ng gulong ng eroplano sa runway.
'Touch down Manila,' and I look outside the window.
Isa isa nang kumukuha ng kani kaniyang gamit ang mga pasahero. Hindi na muna ako makikigulo sa kanila.
"Son," tawag sa akin ni Daddy. Nilingon ko sya.
"Balak mo bang bumalik ulit sa America sakay nitong eroplano?" nagingiting tanong sa akin.
Napatawa naman si Mommy.
"You know how badly I want to go back,"sagot ko bago tuluyang tumatayo. Naalala ko kasi si Tracy. Sya ang longest relationship ko . Two years na kami. Kung hindi lang kailangan ni Daddy na isama ako to help him in one of our company branches here, hindi ko siya iiwan doon. Isa pa, Lolo badly needs us. I want to propose to her. I think she's the one.
Nakalabas na kami ng airport. Sinundo kami ni Mang Gusting ang aming ever loyal na driver.
Almost seven years na kaming wala sa Pinas, ganito pa rin ang lungsod. Walang ipinagbago.
"How was Lolo Mang Gusting?" tanong ko habang patanaw tanaw ako sa labas.
"Eh okay na naman ang Señor kaso minsan, nag-aalala kami," sagot niya sa akin. "Mabuti naman po at naparito na kayo dahil medyo mapapahinga sya sa trabaho. Masyadong masipag pa rin."
Tumango tango ako.
"Mang Gusting, paki daan kami sa opisina," sabi ni Daddy na ikinalingon ni Mommy sa kanya.
"Dad! Kakarating lang natin ha?" sabay hawak ng kamay ng Daddy ko.
Naiiling akong napangiti. Hanggang ngayon, walang ipinagbago itong dalawa.
"Kami lang naman ni Lex ang bababa Hon. Papa is there. Importante ang mga nangyayari ngayon sa opisina. Please do understand," nakita kong tumango si Mommy bago humilig sa balikat ng ama ko.
"Is it okay with you Lex? Sabak agad sa trabaho?" nangingiting tanong sa akin ni Dad.
"Naman! Kailan ba ako hindi naging ready?" kinindatan ko pa si Mommy na nakangiti.
Iyon naman ang purpose namin. Much better to finish this as soon as possible. Ayokong magtagal dito no!
~~//~~
Tinignan ko ang mga model ng kotse sa garahe. Nakita ko ang Bugatti na ibinili ni Lolo sa akin para magamit dito.
Sumakay ako. I need to do shopping. Di ako masyadong nagdala ng mga damit ko. Mukha kasing matatagalan pa kami dito sa Pinas.
Palabas na ako ng mansyon ng may nakita akong babae na kausap ang guard namin sa bahay. Pinatuloy nya ito. Mukhang kilala nila. Sinundan ko ng tingin ang nakatalikod na babae.
"Who is that?" Tanong ko kay Dante.
"Si Ms. Antonio Sir. Pinapatawag po kasi ng Lolo nyo." balita nito.
"Ano sya ni Lolo?" ewan ko bat interesado ako.
"Sya po ang naghahawak ng funds sa foundation. Pero po alam ko teacher sya."
"Ganun ba? O sige. Salamat," and I drove my Bugatti out.
~~//~~
BINABASA MO ANG
Mr. Nuknukan Trilogy (d' 1st) - Alexis (Published under Bookware)
RomanceBeatrice Maurice Antonio ~ Simple, matalino, mahirap (di naman masyado!) Alexis Falcon ~ Mayaman, mayabang, habulin ng babae at nagpapahabol naman, medyo may utak (pero di ginagamit) Dalawang taong may "hidden desire" sa isa't isa.......at parehong...