Chapter 2
Sopia's POV
(toktoktok) "princess gising na po..malalate na po kayo"
"princess..hihintayin daw po kayo ng mommy mo sa dining..sabay na raw po kayong kumain.." mahinahon na sabi ni yaya sa labas ng pinto
"ya..give me five minutes please.." nakapikit parin mga mata ko habang sinasabi ko yon..
"princess..unang araw ng kalse nyo ngayon..baka malate po kayo.."
"sige na po tatayo na.." nako naman..gusto ko pa matulog..huhuhuhu
padabog akong tumayo sa kama habang nakapikit papuntang CR..
"ahhhh! my god.!"
"princess..princess ok lang po ba kayo..?" natatarantang tanong sakin ni yaya sa labas ng pinto ng banyo ko
"my god.! ang lamig..
yeah ya..im fine.." na pressed ko kasi ang cold button nakapikit kasi ako kaya hindi ko napansin..huhuhuhu ang lamig..Ginawa ko na lahat ng dapat gawin sa banyo tapos nag bihis na ng uniform na palda above the knee at white longslaves at necktie.. nag mamadali na akong bumaba papuntang kusina.."good morning princess" tumayo si mommy sa kanyang inuupuan at nilapitan ako..
masaya ko ring sinalubong ng yakap si mommy.."good morning too mommy..where's dad..?" napansin ko kasing wala si dad..umupo na kaming dalawa
"oh..hindi mo nah sya naabutan iha..nag mamadali kasi may meeting sya ngayon..
"ohh I see" sagot ko at kumain na kaming dalawa..
pagkatapos kong kumain nag paalam na ako kay mom dahil baka masyado na akong late...ohh will...gusto ko naman talagang magpalate kapag unang klase..para sakin lahat ang attention at walang aagaw non..hahahaha attention seeker bah..? hindi naman..sanay naman talaga ako sa mga attention ng mga tao kahit di ko sinasadya..hahahaha wag kayong bitter hah.?! kung ayaw nyong mkabangga ang Sofia Ferrer at kung ayaw mong maging impyerno ang buhay mo sa school ko..yeah right.. school KO..amin ang school na pinapasukan ko ang Ferrer University..
anyways..huminto na ang Ferrari na sinasakyan ko..hindi pa ako nakababa ramdaman ko na ang mga mata na tumitingin sakin..kinuha ko ng bag ko at pinagbuksan ako ng batler namin na personal driver ko..lumabas na ako sa sasakyan..
naka shades akong lumabas ng kotse at taas noong naglalakad papunta sa loob..pupunta muna ako sa locker ko..kusa silang tumatabi at binigyan ng ako ng daan..they are always doing that..pati mga freshmen sumunod nalang sa ginawa ng iba..dapat lang..wag na wag nila akong kakalab-
"ouch..!" sinampal ko agad ang bumangga sakin..damn it..! ang init..!
"sorry po...sorry sorry sorry sorry po talaga." naiiyak na sya habang pinupunas-punasan ang damit ko na basang-basa sa hot choco na hawak nya kanina..
"stop it..!" sigaw ko sa kanya pero hindi parin sya tumutigil
"I said stop it! idiot!" sigaw ko sa inis ko sa kanya..! god this girl.! huminto na sya at nag mouth ng sorry po words..
"ano ba..! pinanganak ka ba na bobo or sadyang bobo ka lang talaga.?!" tuluyan nah ngang umiyak ang babaing bumangga sakin..
"what's happening here.?" hindi na ako lumingon dahil kilala ko nah ang boses nayon..
"when you please stop crying..! nkakairita ka..! hindi kalang tanga! boba! iyaki-" pinutol ni Harold ang sasabihin ko gosh! I cross my arms..at iniwas ko ang tingin ko ky Harold
"watch your word Sofia..galit akong tumingin sa malayo habang naka cross arm parin.. "ayos ka lang ba..?" what..? so mas nag-aalala pa sya sa babaing yang hindi nya kilala kaisa sakin na bestfriend nya..? arrgggggg!
"Harold..! so mas nag-aalala ka pa sa kanya kaysa sakin hah..?! look at me ohh..ang init kaya ng hot choco na natapon sakin..!"
"Stop it Sofia your just over reacting"
"OVER REACTING!!!" hinatak na nya ako palayo sa babaing yon..ano ba..! bestfriend ko ba talaga to..?! at hindi pa ako tapus sa babaing yon..!!! arrrggggg!!!! pumasok na kame sa elevator papuntang 15th floor..pagbukas ng elevator dumiritso kame sa private room ko..hindi parin ako mapakali sa napasong parti ng katawan ko..
"Harold naman eh..! ako ang best friend mo tapos yong babaing yon ang mas iniintindi mo at pinagtanggol mo..!" naiiyak kong reklamo sa kanya..kasi naman eh..! ang saklap lang..at ang hapdi pa ng paso ko sa may dibdib ko..kahit na may pangloob akong sando tagus padin ang init eh..halatang bago payon nakaharap lang kasi sya sa machine non at bigla nalang lumingon sa left side nya habang hawak ang hotchoco nya sa left hand nyang nakataas hanggang mukha nya..at paglingon nya sakto natapon sa damit sa may dibdib ko..huhuhuhu stupida.! sana sa mukha nalang nya natapon yon mas bagay yon sa kanya..
"I'm sorry ok..?" seryusong sabe nya sakin..hinubad ko ng white long sleeves ko at sando nalang ang natira sa pangitaas ko..
"damn it! the hell!" niyakap nya ako bigla.."I'm sorry are you ok.?" tinignan nya ako at niyakap ulit..nakita nya kasing pulang-pula yong dibdib ko..umiling ako bilang sagot habang yakap nya ako..naiyak tuloy ako sa pinakita nyang pag-aalala sakin huhuhuhu..
kumalas na ako sa yakap nya at nagpaalam na magbihis muna..pumunta na ako sa cr dito sa loob ng private room ko..yeah I have private room here sa school nirequest ko kasi to kay dad..nasa pinakamataas kase ang private room ko sa 15floor but no worrys...may elevators naman dito..ito ang pinakamalaking international school sa Pilipinas..15 floors lng sya pero napakalaki nito..kaya madaming elevator dito..
nandito din lahat ng courses..lumabas na ako sa cr..
"let's go fia."
"where are we going?" lumapit na ako sa kanya na nagtataka kung saan kame pupunta
"clinic" tipid na sagot nya..
"wag nah..ok nah ako" lumabas na kame papuntang elevator
"wag ng matigas ang ulo fia" seryusong sabe nya..ano bayan..! para naman syang si kuya Rio..nasa loob nah kame ng elevator papuntang lower ground..nandon kase ang clinic...
pagbukas ng elevator dumiritso kami sa clinic..pagdating namin don binigyan ako ng cream ng doctor..hahai absent nah pala ako sa unang klase ko..ok lang first day of class naman..papasuk nalang ako sa next class favorite subject ko math..hehehehe
hinatid na ako ni Harold sa next class ko..pati sya absent din sa first class nya..nadamay pa tuloy sya..bwisit talagang babaing yon.! kapag nakita ko yon.! lagot talaga sakin yon..! walang sino mang makakatakas sakin..
"wag mag pasaway fia ah..I know you" banta sakin ni Harold..I just rolled my eye." oh sige na pumasok ka na..umalis na si Harold..pagpasok ko sa loob npatigil sila sa mga ginagawa at tumingin sakin..taas noo lang akong naglalakad at humanap ng mauupuana umupo na ako sa may gitnang upuan bakanti..
bogzzz(tunog ng pinto)
naagaw lahat ng attention namin sa may pinto na palakas na pinagbuksan ang pinto..isang babaing hingal na hingal at nakayuko..takot segurong malate to..pag angat nya ng ulo..
"ikaw?!!" napatayo ako sa subrang inis ng makita ko ang mukha ng babaing lampang ito..!
