Chapter 1:
Tinutukso na naman ako ng mga kuya ko. Kailan kaya titigil ang mga mokong na'to? Habang inaasar ako nila, kain lang ako nga kain ng lasagna.
"May BF kana siguro bunso no?" tanong ni kuya Luke.
Hay! Ayan na naman sila. Alam na nga nila na ayaw ko ang topic na'to eh.
"Sus! Paano magkaka BF 'yan eh wala namang ibubuga 'yan!" pang-asar naman ni kuya Dwight.
"Hoy! Maghintay ka at gaganda rin 'yan si bunso!"
"Sus! lang pag-asa yan!"
"Lalaki yung dabyana, kain lang kasi nang kain," sabi ni giraffe a.k.a. kuya Evan.
Grabe na silang manlait, maka-walk out nga.
"Hala! Nag-walk out ang loka!" sabay-sabay nilang anim na sabi.
Ganyan talaga ang mga kuya ko. Asar dito asar doon. Pinapahiya nga nila ako sa harap ng mga kaibigan ko. Hindi ko nga alam kung aano ang kasalanan ko sa kanila eh. Bakit ba nila ako ipapahiya kung wala naman akong kasalanan diba? Hay! Ganito talaga ang buhay. It's unfair.
Wait. Ako? May kaibigan? Of course. Duh. At least they're real.
Umakyat ako sa kwarto ko, maya-maya dumating na ang anim na mga minions.
"Bunso, sorry na!" sabay-sabay na naman nilang sabi.
"Oo na napatawad ko na kayo, kaya pwede na kayo lumabas ng kwarto ko."
"Lukaret! Magbihis ka at pupunta tayo sa mall para bilhan ka namin ng libro na gusto mong basahin," sabi ni kuya Travis.
"Correction! Mga libro," dagdag ni kuya Dwight.
Bakit ba idadamay niya pa ang libro? Alam niya naman na ganyan ang weakness ko after sa food eh. Nangdadaya si kuya Dwight!
Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko kaya pinalabas ko ang gusto kong sabihin.
"Kahit ilan?" tanong ko habang ngumingiti. Remember, hindi ko kayang i-ditch ang pagkain at mga libro.
"At papakainin ka pa namin ng madaming padkain, so deal or no deal?"
"Deal!"
Tingnan natin kung ireregret nila ang deal na'to.
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Andito kami sa National Bookstore, bibili kami ng mga libro. Heller? Ano ang gagawin namin dito? Kakain?
"Ayra Shay Clifford, bilisan mo na. Nagugutom na ako," sabi ni kuya Dwayne. Lagot! Naiirita na si kuya tanda.
"Hoy mokong! Hindi lang naman ikaw ang nagugutom eh!" Iyan. Nag-comeback na si kuya Luke.
"Heto na po mga kuya minions, tapos na akong mamili."
"Grabe isang oras dalawang libro lang? Hanep ka rin ah." For the first time in 1 hour. Nag-sasalita naman pala si kuya Evan.
"Tara na nga kain na tayo dahil nagwild na ang mga dragon sa loob ng tiyan ko."
Habang naglalakad kaming pito papunta sa food court, nakasagupa pa namin ang mga evil minions, walang iba kundi ang anim na mga bruha. Lumingon ako sa aking mga kapatid. Maka-smile wagas! Bongga maa-out of place na naman ako.
"Hi babe!" sabi ni Develina kay kuya Luke.
"Sweetie pie!" sigaw naman ni Hallee kay kuya Fletcher.
"Sugar!" bati ni Iyandrelle kay kuya Dwight.
"Baby cake!" sabi ni Illeypokritta kay kuya Travis.
"Darling." sabi ni Altyna kay kuya Evan habang naghuhug sila. Aba parang hindi sila nagkita kahapon.
And last but not the least, "Honey!" sabi ni Clarisha kay kuya Dwayne dala ng kiss. Gross.
"Hi kutong lupa!" bati naman nila sa akin. Ganon lang? 'Di wow! Maka-pet name kayo sa akin parang close tayo. Tumingin ako sa mga kuya ko, nag-chuckle lang sila. Duh! Ano pa ba ang iniexpect ko na reaksyon nila? Obvious naman na mas mahal nila silang anim kaysa sa akin.
Mahaba-haba ring torture ito. UDIPOTATOCHIPS!
BINABASA MO ANG
Cold Hearted Bitch
Novela JuvenilAko si Ayra Shay Clifford, 12 years-old. I am rich but not pretty. Well, the only thing nice about me is my brain, but people don't care. I've got many haters, but who cares? I don't live to please them. I have six brothers, they are: Fletcher, Luke...