Nung nakatingin ako sayo
umiwas ka.
Nung nakita mo akong nakangiti at naglalakad patungo sa daraanan mo.
Umiwas ka.
Nung napansin mong papalapit ako sayo,
Umiwas ka.
Nung tinanong kita kung pwedeng maging kaibigan ka,
Umiwas ka.
Nung kumalat sa klase na ikaw ang gusto ko,
Umiwas ka.
Nung pinilit kitang kausapin mo ko, tinulak mo ko at
umiwas ka na naman.
Nung sinabi kong mahal kita lalo kang
umiwas.
Hindi ka ba napapagod?
Para tayong naglalaro ng hide and seek.
Para akong pusa at isa kang daga.
Tanga na kung tanga pero mahal nga kita!
Mapagod ka naman sa kakaiwas.
Dahil baka ako na ang tuluyang sumuko sayo.
Ash, ayoko na ng ganito.
Nung papalapit ka,
nung kakausapin mo ko,
nung nakatingin ka sakin
at nung sinabi mong mahal mo ako,
Ako naman ang ..
Umiwas.
---------------------------------------------------------------------------
Pasensya naman daw XD wala lang. mabilisan lang at may masulat at malabasan lang ng iniisip :D Thank you na den.
-INVSBL