Chapt. 1

34 1 0
                                    

Kyla's Point of View

"Kylaa" pagtawag ng bestfriend kong lalaki. Nandito kami ngayon sa hallway papuntang classroom. I'm the first one who comes to school kaya yan :) hinahabol ako ng bestfriend kong pagod na pagod. It's 6:28. 22 minutes before our flag ceremony. Mejo matagal pa. Si Steven nga pala yung tumawag sakin. Bestfriend ko since when I was a kid. Chix yan. Madaming nagkakagusto jan. Model sya sa school namin e? Ewan ko kung bakit ko yan natiis. He always tell jokes na nakakainis. Kahit joke yun di mo mapipigilang mainis o magalit. Sya yung tipo ng lalaki na palagi akong aasarin, palagi akong tutuksuhin. Pero there is something that we have that no one can break... LOVE OF A TRUE BESTFRIEND <3

Otw ako sa locker ko ng tawagin nya ako. Tagatak ang pawis nya. Siguro nagmadali to. Haha. Kasi may consequence yan. Kung sino mauna samin sya ang manlilibre ng recess. We're in the same class, kaya mababantayan namin ang isa't isa pag may tatakas sa consequence. 

"O ba't pawis na pawis ka? Tsktsk. Pano ba yan? Ikaw mang lilibre sakin mamaya." sabi ko. Pagtapos ng pagsabi ko nun, hinablot nya ang kamay ko kaya ako napatigil sa paglalakad. Lumingon ako at nakita ko syang nakaluhod naghahabol ng hininga. "Sino ba kasi nagsabi sayong tumakbo ka?" sermon ko sakanya.

"Pagod na pagod na nga ako nanermon ka pa." Tinayo ko sya at niyakap. Ewan ko kung ba't ko niyakap. Hahaha. 

"Oyan? Pagod ka pa rin ba?"

"Di na. Tara na malate pa tayo." Hahaha! Diba? Minsan kasi ganyan yan e. Pagniyayakap ko sya mawawala na kung ano man masakit o nararamdaman nya. Inlove ata to sakin e. Dejoke. Nasanay lang sya siguro sakin, tuwing nasasaktan sya niyayakap ko sya just to make him feel na I am always here. 

Dumiretso kami sa locker namin at kumuha ng gamit. Sya na ang pagod sya pa ang nagbuhat lahat ng libro. Wala pang 5 minuto ay natapos na kami. Naglakad na kami papuntang classroom namin, ngunit bago kami makapasok ng classroom. May bumangga saking babae. Halatang sinadya nya kasi naglalakad lang sya pero ang lakas ng impact. 

"Excuse me landi." sabi pa nya. Hindi ko alam kung ano ang gusto nyang iparating, pero bakit kailangan nya akong banggain ng ganun kalakas. Napahawak ako sa balikat ko at gumilid onti. Wala na si Steven sa tabi ko, baka nakapasok na sa loob ng classroom. Hinimas ko yung balikat ko, masakit sya.. baka may pasa na.. 

"Oy anong nangyari sayo ba't di ka pa pumasok?" tanong ni Steven. "Di mo ba nakita kanina?" "Ang ano?" "May bumangga saking babae kanina. Ewan ko kung bakit nya ako binangga pero I'm sure sadya yun. Di naman kasi sya tumatakbo para ganung kalakas ang impact sakin e. Tingnan mo nga kung may pasa." Lumapit sya sakin at tinaas ang sleeves ng right arm ko. Binaba nya agad iyon at umiling "Wala naman e" sabi nya. "Eh bakit ang sakit?" "Hays pabayaan mo na. Tara na at baka malate pa tayo.." Hinablot nya ang kaliwa kong kamay at hinila papasok ng classroom. Pinaupo nya ako sa upuan ko at pumunta na sya sa may bandang harapan ko. Di kami magkatabi dahil naka-alphabetical order ang seats namin. As usual malayo ako sa kanya.. 'S' ako 'D' sya.. LAYO DIBA? Pero naupo lang sya sandali, maya maya'y lumipat sya sa tabi ko. 

"Dito nalang ako miss Solano ha. Namiss kita e." parang 2 days lang di nagkita -_- 

"Kwento mo kay mang Kanor! Lagot ka mamaya kay Ma'am transferring of seats ka" he stood up and go back to his seat. Sabi na eh takot.. Oopps. Pabalik dito, pero ngayon he's with his bag na. Wiiiiiiw -_- 

"Sinabi ko na po kay ma'am na lilipat ako. At dahil malakas ako sakanya.. HETO AKO NGAYON SA TABI MO. Ok ba?" The eff Steve! -_-

"Ok mo mukha mo.. Magiingay ka lang dito e.." sabi ko. madaldal kasi yan e -_- 

"Ayaw mo nun? Hahaha!" 

"Higit pa sa ayaw! Psh bahala ka nga jan!" Tinalikuran ko sya at nag head down ako. Maya maya.. "Sus.. Srte naman ng bestfriend ko.. Sige na babalik na ako dun" Nagulat ako.. Kaya umupo ako ng maayos at tiningnan sya.. Nakatayo na sya at kinukuha nya na ang bag nya.. "Teka wait! Dito ka nalang.." Hindi ko alam kung bakit nalungkot ako nung sinabi nya babalik na sya.. Sguro kasi mas gusto kong katabi bestfriend ko. 

-

Natapos ang klase namin ng walang ginagawa. Free time lagi. Masyado daw kaming advance. Kaya buong araw akong iniinis, inaasar ni Steven :3 sana naglesson nalang kung ganto mangyayari -__- Pero okay lang nilibre nya naman ako sa recess <3 bawi nya na yun Hahahaha! Papalabas na ako ng school.. Oo magisa, may shooting kasi ngayon ni Steven, Ayoko naman magintay baka abutin yan ng gabi e. Hahaha. 

May sumalubong saking 3 babae. Mejo mas matangkad sakin. Mukha palang MAYABANG NA ANG DATING. 

"Hoy babaita! Bakit mo sya nilalandi?" 

-

Parang ang onti nya pero hindi. Magkakadikit lang. Di ako masyado nagspacing :) huehue. Votes and Comments :* 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I want to bring back the past.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon