Chapter 2

25 0 0
                                    

"Ebhrim! 'Wag mo akong galitin! Ebhrim! Nakakairita ka na! Ebhrim! Nakakalat na naman 'tong mga gamit mo! Ayusin mo nga! Ebhrim! Ebhrim! Ebhrim! Ebhri—" Ini-off ko na ang phone ko bago pa ako mairita. Mabuti at ito ang ginawa kong alarm dahil sobrang gising na ang diwa ko. Ikaw ba naman marinig palagi ang boses nung asin na 'yun, tignan lang natin kung makatitiis ka kahit gwapo 'yun at hot. Wag kayong ano dyan. Wala akong gusto sa kanya. I just love him as a brother and magbestfriend na kami simula nung sperm pa kami.

Inayos ko muna ang higaan ko bago pumasok sa banyo at ginawa ang mga karaniwang ginagawa ng isang tao sa umaga. Kahit hindi naman halata sa mukha ko ay marunong din naman ako gumawa ng mga gawaing bahay. Aba! Ako na lang ang nag-iisang Andrade na kalahi namin ang nabubuhay dito sa mundong ibabaw. Sabay-sabay siguro namatay ang mga kamag-anak ko. Joke lang! Peace tayo mga chong.

Pagkatapos kong maligo ay kinuha ko ang aking black robe. Lumabas na ako pero pagkabukas ko pa lang ng pinto ay tumambad sa akin ang nakakairitang mukha ni asin.

"Ay! Asin!" Nakakatakot ang mukha niya. Ang pangit kasi e. Hindi katulad ko na maganda. Ay, scratch that, dyosa pala. "Anong ganap mo dyan?" Nilagpasan ko na siya at dumiretso sa walk-in closet ko. Yaman ko e. Hahaha.

"May importante akong – Oh shit!" Sumunod kasi e, alam naman niyang magbibihis ako. I'm walking naked here at my walk-in closet. Masyadong pa virgin 'tong asin na 'to. Kala mo naman hindi pa siya nakakita ng babae na walang kahit anong saplot sa katawan pero hindi naman niya kita ang private parts ng aking katawan dahil lagpas sa pwet ko ang aking magandang buhok na color blue na ombre.

"May importante kang 'oh shit' Sin?" Natatawa kong tanong sa kanya. Nakabihis na ako. Naka Jumper lang ako tapos white polo long sleeve. Pagtingin ko sa kanya ay mariing nakapikit ang kanyang mga mata. Lumapit ako sa kanya at sapilitang idinilat ang kanyang mata.

"Aray Brim! Ang sadista mo talaga!" Tinaas ko na lang ang kamay ko at nagsign ng whatever.

Maayos na ang penthouse at wala nang bakas ng kahit ano na makakapagtukoy na may nangyari kagabi na hindi kaaya-aya. Kumuha na ng mga ingredients para sa lulutuin ko. Nasa may bar counter naman si Asin na naka cross arms na naka tingin sa akin. Tusukin ko mata niya e.

"Alam kong maganda ako kaya 'wag mo akong tignan ng ganyan." Inirapan niya lang ako. Inirapan ko lang siya pabalik. Syempre hindi ako magpapatalo. Who run the world? Girls!

"Brim, mawawala ako ng isang buwan." Palihim naman akong nagdiriwang. Yes! One month of freedom! Mwehehehe. Ano kaya ang una kong gagawin? Makipaglaro araw-araw sa mga humahabol sa akin at iisahin ko silang papuntahin sa dapat nilang kalalagyan? Hindi ko na alam ang gagawin ko sa sobrang tuwa.

"Kasama ka." Syet. Panira ka talagang Asin ka!

"Bakit kasama pa ako? Pwede naman siguro na ikaw na lang ang umalis para walang makialam sa mga gagawin ko kahit isang buwan lang."

"Ano Brim?" Lumingon ako sa kanya.

"Ha? Anong ano?" Painosente kong tanong ko sa kanya habang sinusuot ko ang aking apron.

"Alam kong may binulong kang masama e." Masama na naman ang tingin niya sa akin. Hindi na ako nasisindak niyan asin. Tss.

"Ha? Wala naman e." Tumalikod na ako dahil baka samain 'tong si Sin sa akin.

Nagluto na ako ng aking specialty para akong tunay na chef na nasa mga restaurant na malalaki 'yung apoy. Yieee. Namana ko ang aking pagiging magaling sa pagluto sa aking mga magulang. Magulat kayo kung sa kapit-bahay ko namana ang pagluluto ko. Charot.

AZAZEL: The Demon Of WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon