Quotes 2

35 1 0
                                    

Kapag dumating ang araw na ayaw mo na sakin, sabihin mo lang! Kaya kitang pakawalan. Tatanggapin ko kung yun rin lang. Pero sana hayaan mong yakapin kita habang sinasabi, Sakin ka babalik, ha. Pag iniwan ka na niya.

Madalas hindi yung malulungkot na alaala ang nakakapagpalungkot sa atin kung hindi ang masasayang alaala na alam nating hindi na MAUULIT pa..

Alam nyo masarap naman talaga magmahal eh, kung di nga lang nauso ang iwanan.

Huwag mong ipilit ang sarili mo sa kanya.
Dahil kahit kailan walang sumasaya sa isang bagay na sapilitan lang

Hindi palaging panalo ang papel at bato. Kasi kahit gaano pa kalaki ang papel mo sa buhay niya, kung bato naman siya. Wala talagang pag-asa.

"Sabi mo gusto mo 'ko, sabi mo konting panahon na lang magkakasama na tayo, sabi mo iiwan mo na siya, sabi mo hintayin kita, sabi mo mas mahal mo ako, ngayon asan ka na? Bakit kapiling ka pa rin nya?"

Masaya ako dahil nakilala kita, masaya ko dahil kasama kita, masaya ako dahil nandito ka sa bawat sandali ng buhay ko. Salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataong maramdaman ang tunay na kahulugan ng salitang "pagmamahal."

"Masakit ang maiwan, pero mas masakit ang manatili sa isang relasyong alam mong ikaw na lang ang nagmamahal."

QuotesWhere stories live. Discover now