PANYO NG AKING INA

34 0 0
                                    

NI: CEIRONISAH CANDIDO

Noon ay magtatakip-silim na nang dumating ang magkapatid na Mary at Gabriel sa kanilang munting tahanan. Tahimik ang buong kabahayan patunay na walang tao sa loob ng bahay. Walang imik na pumasok ang dalawang magkapatid matapos mabuksan ang pintuan.

Binasag naman ng nakakabatang kapatid ni Mary ang bumabalot na katahimikan , kasabay nito ang pag-upo sa isang kupas at lumang upuan.

"Ate, kailan ba darating sina Mama at Papa?" may bahid na lungkot na tanong nito kay Mary. Walang nagawa si Mary kundi harapin ang kapatid at niyakap ito.

"Gab, malapit na silang uuwi maghintay lang tayo sa ngayon at huwag matigas ang ulo mo,kailangan ko pang magluto ng hapunan natin. Sagutan muna ang mga assignments mo habang nasa kusina ako."

Tumayo na si Mary, sapagkat hindi na umimik ang kanyang kapatid marahil nakikita nitong pagod ang kanyang ate. Lumalaki na si Gabriel , sa katunayan sa susunod na pasukan ay nasa unang baitang na ito. Malayo ang agwat ng kanilang edad kaya minsan ay napagkamalan na anak niya ito. Naging responsibilidad na niya ito simula nang bigla nalang naglaho ang kanyang ina at wala naman pakialam ang kanyang ama na may sarili na ring pamilya.

Masakit para kay Mary na basta-basta nalang silang iniwan ng kanilang mga magulang. Batid ni Mary na may nakatagong sekreto kung bakit ganun ang sinapit ng kanilang pamilya. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balita sa kanyang ina. Tandang-tanda pa niya noong huli silang nagkita at nagka-usap nito.

"Ma, kailan po ba ang balik ninyo? Bakit kailangan ninyong umalis? Si papa alam ba niya ito?" sunod-sunod na tanong ni Mary sa ina.

"Mary anak, babalik lang agad si mama, kailangan kong umalis pero babalik ako anak. Huwag kang umiyak Mary. Tulog pa si Gabriel, alagaan mo kapatid mo habang wala ako, wag mo siyang pabayaan." Lumuluhang sabi ng ina ni Mary ,alam ni Mary na may malaking dahilan bakit ganito ang kalagayan ng kanyang pamilya.

"Ma, alam ko may problema kayo ni Papa pero sana huwag kaming madamay ng kapatid ko, di ko kaya. Bumalik ka agad ma ."

"Oo, anak babalik ako agad. Wag ka nang umiyak." Habang dinukot nito ang puting panyo sa bulsa na kanyang bag at pinunasan ang luha ng anak. At doon tuluyan ng naghiwalay ang landas ng mag-ina

Mag-iisang taon na rin ang nakalipas simula noong lumisan ito sa buhay nila Mary at naiwan sakanya ang responsibilidad sa kapatid. Iyon ang huling pag-uusap ni Mary sa kanyang ina. Tanging ang alaala na meron siya nito ay ang panyo na iniwan simula noong umalis ito.

Binubuhay niya ang kanyang sarili at kapatid sa abot ng kanyang makakaya, nagtatrabaho siya habang nag-aaral. Nagbibigay naman kahit kunti ang kanyang mga tiyuhin at tiyahin. Wala na silang problema sa bahay dahil sarili nilang pamamahay ang tinitirhan nila. Iniiwan naman niya sa matandang kapitbahay nila si Gabriel kay Aling Aida noong hindi pa,ito nag-aaral sa kinder. Si Aling Aida ay mabait na kapit-bahay at matulungin wala itong pamilya dahil hindi ito nag-asawa tanging pamangkin lamang na nasa Manila ang sinasabi nitong nag-iisang kamag-anak. Naaawa si Mary nito dahil hindi ito kaiba sa sitwasyon nila ng kapatid niya.

Napukaw ang pag-iisip ni Mary nang may kumatok . Nagmadali siyang pinuntahan ang pintuan at binuksan ito. Si Aling Aida pala may dalang ulam ito.

"Mary pagtiyagaan mo itong dala kong ulam ,dala yan ng pamangkin ko pasalubong sa akin hinati ko na para sa inyong magkapatid." Nakangiti ito sabay abot sa supot na dala-dala nito.

"Nay Aida, nag-abala pa kayo,pero salamat po. Gab ,magmano ka muna kay Nanay Aida." Utos ni Mary sa kapatid.

Sumunod naman ito at bumalik din sa pagkakaupo at ipinagpatuloy ang pagsusulat wala pa rin itong imik.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Panyo ng Aking InaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon