One-Shot Story

29 1 0
                                    

Robert's POV



"IHHH, Dali na smile ka na..."eto na naman siya, nangungulit na naman. "Ayiiee sige uy!" Ngumiti ako sa camera'ng hawak niya at nagpatuloy ang pangungulit niya saakin.




Bakit ba ang ganda niya? Sa tuwing ngumingiti siya imposibleng mawawala ang dimples niyang nagpa-inlove saakin. At ang buhok niyang natural na bumabagsak kasabay ng pagihip ng hangin. She's amazing. Natural na natural din ang ganda niya na walang halong make-up o kolorete sa mukha niya.



Parang Slow-motion ang mga galaw niya at ang pag-ngiti niya habang isa-isang tinitingnan ang mga pictures na nakunan niya mula sa mukha ko o sa paligid namin.



Haaay, bakit ba ako na-inlove sa babaeng tulad nito? Napaka simple pero elegante ang dahil.



"I love you Jelly ko..." nilapit niya ang perpekto niyang mukha sa harap ng mukha ko at inilagay ang kamay niya sa pisngi ko at hinalikan iyon-hindi ang pisngi ko kundi ang kamay niyang nakapatong sa pisngi ko.



Saklap...



"I love you too Choco-Ko..." hindi bilang kaibigan o anuman. Sana masabi ko sa kanya ang mga katagang yan



Ang ganda ng Nickname namin sa isa't isa no? Galing lang naman yan sa kanya dahil napagtripan niya ang choco-jelly'ng pagkain na paborito namin.



"Tara na nga Jelly, male-late na tayo.." hinila niya ako at tumakbo na kaming papunta sa Classroom namin.


Sana ang kasabay ng pag takbo namin ay ang pagmamahalan din naming patuloy na tumatakbo.

Pero hindi ko maamin....

***
[Classroom]

"Tantantanan..."

"Atitiatiatiiiii"

Nagulat ako nang pagkapasok namin ng classroom namin ay isa-isa silang tukso saamin.

Ewan ko ba sa kanila kung bakit ba kami ang napagtrip-an ng mga yan. Ah basta hindi ko na sila kailangan para kay Nadine, kaya ko. Sa sarili ko.

"Ayiiie, Jelly oh? Bagay daw tayooo!!" Mas lalo akong nagulat dahil sa biglaang pag akbay niya saakin na kasabay ng mga libo-libong kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko.

Hindi lang pala ang mga babae ang mga kinikilig no? Pati din pala ang mga lalaki at napatunayan ko yan.

"Tss. Talaga naman. Destined talaga tayo pagkapa-panganak pa lang natin. " inakbayan ko na din siya at hinila na papuntang upuan namin dahil parating na ang terror teacher namin.

"Good morning maam" taas noo at kilay siyang pumasok sa classroom namin kasabay ng pagbati sa kanya ng Classroom nerd namin na si Jasper.

"What's good in the morning Mr. Arroyo?" Tahimik ang buong klase dahil sa pagsusungit niyang teacher na yan.

Hindi ko nga alam kung bakit ang sungit niyan ang alam ko lang ay walang asawa yan dahil maagang na-byuda.

"Ikaw Maam." Pa-cute na sagot naman ng chickboy sa classroom namin na si Joshua.

Tinarayan naman siya ni maam na ikina ingay ng klase. Mabait naman yan, ang kaso lang ay hindi nagtuturo dahil pagkapasok pa lang niyan ng classroom ay may ipapaskil lang yan sa board at hindi ipapaliwanag kung ano iyon.

Parang ikaw na ang bahalang mag isip kung ano ba iyon.

"Ang sungit kasiiii." Napa baling ang tingin ko kay Nadine na kasalukuyang inilalabas ang notebook niya ng padabog at naka kunot at busangot ang mukha.

TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon