Jonathan Villanueva : ako na po ulet
Halos dalawang linggo ako nag pabalik balik kung saang store ko sya nakita , hanggang sa hindi na ako naka tiis nag tanong na ako , nag tataka lang ako
bakit parang wala din yung isang sale's lady na feeling ko ka close nya.
" ah.. miss pwede ba mag tanong ? " - ako
" ano po yung sir ? " sagot ng babae .
" diba meron kayong katrabaho na maliit na babae mga 5'2 ata ang height , maputi , uhmm.. mahaba ang buhok . ? " tanong ko .
" uhmm... wait lang sir bago lang po kasi ako dito eh , sis. ikaw nga kumausap kay sir. " sagot ng babae ,
" anu yung sir ? " tanon ng babae .
" diba meron kayong katrabaho na babaeng 5'2 ang height , mahaba ang buhok , maputi . basta basta " sagot ko .
" uhmm.. si Ely ata , two weeks na po syang wala sir , na sisante po e , bakit po sir ? " sagot ng babae .
" ok ok , wala ka na bang ibang info. sa kanya ? " tanong ko ulet
" wala sir e , hindi naman po kami close nun, sobrang tahimik po kasi nya e . yung isa po naming ka'trabaho ang kaibigan nya kaso po absent e " sagot ng babae.
" ok salamat miss . " sagot ko ( sayang !! )
Saan ko sya ngayon hahanapin ? haysss , Atleast ok lang sya , kala ko kung ano na nangyare e .
pag uwe ko sa bahay , kumain , deretcho sa kwarto , nag isip isip . napansin pala ako ni nanay
" nak pwedeng pumasok ? " tawag ni nanay ,
" opo nay , " sagot ko
" ok kalang ba nak ? . " tanong ni nanay
" opo nay , medyo may iniisip lang po " sagot ko .
" sa trabaho ba nak ? " tanong ulet nya
" hindi po nay e " sagot ko .
" sa babae ? " tanog ulet nya ,
" medyo po . " sagot ko .'
" haha , anong klaseng medyo ? " tanong ulet nya.
" hindi ko alam nay , " sagot ko
" haha , ganyan talaga yan nak , mahirap i-explain ang ganyang bagay " paliwanag ni nanay .
" ano pong pwede kong gawin ? , nakita ko na sya kaso nawala ulet , pangalan lang po ang alam ko sa kanya " paliwanag ko .
" wag ka masyadong mag isip nang dahil lang sa ganyang bagay , Ang gawin mo mag hintay kalang merong oras para sa lahat ng bagay , hindi mo kailangan mag madali para sumaya , " - si nanay
" salamat nay , ngayon lang po kasi ako nag ka interes sa babae " - ako
" alam ko nak , h'wag ka lang mag madali " sagot ni nanay .
Biglang tumunog ang phone ko , si albert tumatawag , syempre sinagot ko
" o pare kamusta? " tanong ni albert
" eto zero pare , wala na pala sya dun " sagot ko.
" ok lang yan , malay mo hindi pa ito yung panahon para magkita kayo " -albert
" baka nga pre , " sagot ko .
" ok ok , baka makalimutan mo ha bukas wag ka mawawala ninong ka ng anak ko ha . " paalala ni albert .
" oo nga pala muntik ko na makalimutan , " sagot ko .
" haha , basta bukas pre wag ka mawawala . " paalala ni albert
" yeah yeah , o sige na bukas nalang ulet . " paalam ko.
" ok pre , " sagot ni albert .
Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog , dahil sa sobrang pag iisip , nagising nalng ako sa alarm na naka set sa phone ko
araw ng binyag ng anak ng kaibigan ko , at syempre hindi daw pwedeng wala ako .
" pre asan na kayo ? " tanong ni albert .
" malapit na kame pre , medyo na late ako ng nagising 5minutes na palang nag aalarm yung phone ko , pasensya na . " sagot ko .
" ok lang pre , basta txt mo ko pag andito kana sa Church " sagot ni albert
" o sige pre , " - ako
" ok pre , ingat kayo ha " - albert
" salamat , " - ako
nakarating naman kame ng maayos ni nanay sa Church , una kong hinanap si albert at ang inaanak ko . natapos naman ng maayos ang seremonya
syempre sa lugar na ng kainan ang deretcho . dahil sa hindi ako nakapag pahinga ng maayos at masakit ang ulo ko , dumiretcho na ako sa labas .
" bakit parang ang tagal nila albert " bulong ko sa sarili ko .
maya maya natanaw ko na sila ng asawa nya ,
" ui pare , sumunod nalang kayo ni nanay samen ha " -albert
" ok pre , " sagot ko .
" ah Jonathan uhm .. mga kaibigan ni Fe. si mich at Ely . " pakilala sakin ni albert sa dalawang babae .
nagulat ako , ( omygosh si Ely. )
" Hi miss im Jonathan , " sabay abot ko ng kamay
" hello " sagot ni mich at nakipag kamay .
" hi " sagot ko naman ni Ely. at nakipag kamay
omygosh , is this a dream ? thank GOD ,
Narrator : Syempre hindi inaasahan ni jonathan na makikita nya si Ely. at sa gantong pag kakataon pa ,
BINABASA MO ANG
A Faith with LOVE
RomancePano kung Mainlove ka sa isang IMPOSIBLENG TAO ? Pano kung MainLove ka sa taong Kabaliktaran ng Pagkatao mo ? isang istorya ng Lalake na nainLove sa isang babaeng punong puno ng Galit sa mundo . Can Faith with Love change a sorrow to joy , a Hatr...