Angelica Venice Generosa

7.4K 44 2
                                    

Biglang napatayo si Venice nang marinig ang kanayang pangalan.

"Sister Venice" Tawag sakanya nang kanyang kasamahan sa monesteryo

"Yes po sister?" Agad lumapit si venice sa kanilang sister maestro at nag Mano dito.

"May tumawag sayo kanina at ang ate Veronica mo iyon." Umupo silang dalawa sa sofa na malapit sa kinatatayuan nila.

"Ano pong sabi ni ate sister?" Tanong ni Venice

"Ipinagpaalam ka niya kung pwde ka daw bang mag leave muna nang isang buwan para sa kasal niya at para ikaw ay makatulong na rin daw sa kanilang kasal nang kanyang magiging asawa"

"Ahh! Oo nga po itinawag rin po niya iyan noong isang araw pero nahiya po kasi akong tanungin sainyo kung pwdeng umuwi ako" nahihiyang sagot ni venice.napangiti naman sakanya ang matandang maestro at hinawi ang buhok na naka takip sa kanyang mukha.

"At ang sabi ko naman sa ate mo..."
Hinigpitan ni venice ang hawak niya sa kamay nang kanyang maestro at marahang pumikit "Pwdeng kang mag leave at pwde ka nang mag empake dahil bukas nang gabi ay lilipad kana papuntang Boracay"

Napangiti si venice nang napakalapad. Agad niyang niyakap si maestro at tumalon talon sa tuwa.

"Jusko! Maraming maraming salamat po sister maestro. Napakabuti niyo po. Sigurado po akong madaming bibiya ang ibibigay nang panginoon sainyo!" Hindi mapigilan ni venice ang matuwa at humahikgik sa sobrang saya.

"Maraming salamat po talaga!"

"Wag ka munang magpasalamat saakin! Dahil... Halika, doon tayo sa opisina ko may ibibigay ako sayo" agad silang tumayo at naglakad papuntang opisina ni maestro.

"ano po ba iyon sister?"

Ngumiti lang si maestro at hindi sumagot sa mga tanong ni venice.

Tumigil sa pinaka dulong pasilyo sila maestro at venice at binuksan ang napakalaking pintuan. Tinignan lang ni venice ang kwarto. Minsan lang siya nakapasok dito dahil ito'y ipinagbabawal at ang nakakapasok lang dito ay ang kanilang mga maestro.

"Umupo ka muna. Inutusan ko na ang mga iba pang madre na tulungan ka sa pag aayos nang iyong damit pero, ang sabi pa nang ate mo ay kunting damit lang daw ang kunin mo dahil nakapamili sila nang damit mo doon"

"Opo maestro"

Naglakad si maestro at binuksan ang isang puntuan kung saan andun ang silid na lalagyanan nang mga gamit. medyo malapit lapit sa inuupuan niya.

"Sandali lang ha at hanapin ko lang iyon. Asan na nga ba kasi iyon"

Tumayo si venice at inayos ang kanyang damit. "Maestro gusto niyo po bang tulungan ko kayo dyan?" Magalang na tanong ni venice sa kanyang maestro.

Maglalakad na sana si venice patungo sa kanyang maestro nang pigilan siya nito

"Naku naku. Umupo ka lang dyan at sandali na lang--- ay heto na pala iyon. Dali dali. Umupo ka muna jan."

--

"Maestro ano ito?" Napatingin siya sa mga paper bag na hawak hawak nang kanyang maestro. Tinignan niya ang mga paper bag at halatang di ito binuksan nang kanyang maestro.

Sister Venice: My Seductive NUNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon