" Jessie, anak bumangon ka na dyan.... "
" Opooo... "*Zzzzzzzzzzzzzzz*
" Jessie, ano ba? "
" Eto na nga po......."
Good Morning! *sarcastic*
Si Mommy talaga! Ilang gabi na kasi akong hindi makatulog nang maayos dahil kayTyler. Bago ko syang suitor! (naks!). Gusto ko sya at alam kong seryoso sya sakin. Mabait, gwapo, macho, bukod don... Mayaman yung pamilya nila. Yung tipong kayang bumili ng tatlong ferrari sa isang araw. Yun lang naman. Samantalang ako, hindi naman kami yung tipong 'isang kahig isang tuka'. Nakakakain kami ng tatlong beses isang araw, nakakabayad ng internet sa takdang araw, at nakakabili ng signature clothes depende sa budget. Simple lang.
" Jessie... nak, na-plantsa ko na yung isusuot mo... Maligo ka na dyan at bumaba ka na para kumain.... "
Mabait yang si Mommy... (pag tulog!) Pero ayokong masabunutan kaya maliligo muna ko! :D Ako nga pala si Jessie Mendiola, 18 years----- Bwahahhah! Joke lang! Ibig kong sabihin, ala-Jessie Mendiola ang katawan! Ako talaga si Jessie J.. Bwahhahah! Ala-Jessie J. lang ang boses ko pero ako talaga si.... (totoo na to!) Jessie Mendoza, 18 years old, simpleng magandang, sexing, matalinong iskolar ng Newton's University. Sa ngayon ay mag-li-limang buwan ng nanliligaw sakin si Tyler. Mabait sya, sweet at humble. Kumbaga, jackpot. He's every girls dream ika nga. Kung kayo ako, alam kong sasagutin nyo na sya, ASAP. Ako? Sasagutin ko sya sa 'tamang panahon' :) . Bakit? Kasi takot ako. Nako! Kung alam nyo lang! Suking-suki na ko ng heart break! Kaya hangga't maaari, (lalim!) papahirapan ko mga nanliligaw sakin... Hindi naman yung tipong patutulayin ko sila sa alambre... Yung makasiguro lang ako na seryoso sila sakin..
Magkasama kami ngayon ni Tyler sa isang coffee shop. Syempre, libre nya. Ang galante di ba? San ka pa?! Kaso.... Parang may kulang eh... Hindi naman yun yung nagustuhan ko sa kanya... Siguro konting pakipot pa... Di ko lang talaga maalis yung takot na masaktan ulit.
Di nyo naitatanong, may ginawa akong list! Listahang ng mga challenges na pagdadaanan sa panliligaw nya sakin. Masyado ba kong demanding? Hindi naman siguro... Naninigurado lang. Sa ngayon, nalampasan na nya ang ilang mga tests. Katulad ng 1. Pagiging Humble. Kasi nga di ba rich sya? 2. Sweet ad Romantic. In this, wala akong problema dahil umpisa pa lang nakitaan ko na sya ng pagiging malambing. 3. Respect. Hindi sya katulad nung ibang lalaki na nag-to-took advantage sa mga babae. Nirerespeto nya ko hindi lamang bilang isang simpleng tao, pati na ang pagiging babae ko. 4. Loyalty. Lagi syang nagpapaalam sakin sa t'wing may pupuntahan sya. Wala pa naman akong nababalitaang gumagawa sya ng kalokohan kahit noon pa na hindi pa nya alam na nag-e-exist ako. Lahat yan nagawa na nya nang hindi nya nalalaman maliban sa 5. Dapat maipakilala nya ko sa parents nya bago kami maging official. Gusto ko kasi makilala ang mga magulang nya.. Kung matatanggap ba ako ng pamilya nya bilang girlfriend ng anak nila.. Mahal nga ako ni Tyler, e paano kung hindi naman boto sakin ang parents nya? E di luhaan na naman ako? Hay buhayyyy.....
BINABASA MO ANG
My Perfect Love [COMPLETED] (One Shot Story)
Teen FictionAng pinangarap mong pag-ibig.. Paano kung hanggang pangarap lang ito? pangarap nga lang di ba?! Follow me on Twitter @LandayanLhayla