Matatamis na Alaala (Maikling Kwento)

2.3K 5 9
                                    

.

Tatlong oras nang nakaupo si Miko sa paborito niyang pwesto sa silid-aklatan. Hindi niya pinapansin ang pamamanhid ng kanyang mga tuhod dahil kailangan niyang mag-aral para sa nalalapit niyang mga exam,  kailangan niyang mag-aral ng mabuti upang manatili ang kanyang scholarship at para rin  manatili sa Dean’s List. Matapos ang  tatlong oras na pagbababad sa mga aklat ay naisipan niya munang ipahinga ang kanyang isip at mga mata at magmuni-muni, binunot niya ang kanyang pitaka sa kanyang bulsa at inilabas ang litrato ng isang espesyal  na taong mayroong malaking espasyo sa kanyang  puso , si Mae.

Habang nakatitig sa litrato ng dalaga ay muling bumalik sa kanyang isipan ang mga samu’t saring  masasayang alaala. Ang mga alaalang  sadyang hindi niya maipagpapalit, mga alaalang nag-iwan ng marka sa kanyang puso’t isipan.

Magkaklase sila mula nung first year hanggang fourth year  at ang apat na taon na iyon ay puno ng mga matatamis na karanasan at pangyayari

Magkagrupo sila sa Filipino noong first year sila. Si Mae  ang kanilang lider.Walang ibang ginawa si Miko kundi titigan si Mae habang ito ay nagsasalita at ipinaliliwanag ang kanilang iuulat sa klase at ibinibigay ang mga gawain gagawin ng bawat kasapi..Madalas nalilimutan ni Miko ang gawaing iniatas sa kanya dahil titinitigan lamang niya ang maamong mukha ng dalagita.Simula noong first year  ay kakaiba na ang pakiramdam ni Miko tuwing nakikita niya si Mae, pakiramdam niya ay para siyang lumilipad at parang  nais lumundag ng puso niya palabas.Ito ang unang pagkakataong nakadama siya ng ganitong pakiramdam iyong pakiramdam na para kang idinuduyan sa ulap  bigla siyang sumasaya pag nakikita si Mae at nakadarama siyang ng pagkukulang kapag ito ay lumiliban at kapag hindi niya nasisilayan ang maamo at magandang mukha ng dalagita.

Kaya naman laking pasasalamat ni Miko dahil  naging kaklase niya si Mae. Noong sila naman ay nasa ikalawang taon sa hayskul sila ang  naging magka-partner sa kanilang biology class hindi lamang sila magka-partner kundi magkatabi pa kaya naman halos matunaw na sa kanyang kinauupuan si Miko hindi rin siya makatingin ng diretso sa dalaga tuwing may itinatanong si Mae sa kanya at tuwing klase nila sa biology ay hindi rin mapakali sa upuan si Miko  dahil amoy na amoy niya ang pabango ng dalagita na mas nagpapabilis sa kabog ng kanyang dibidib.Nagpapalitan din sila ng notebook tuwing ang isa sa kanila ay absent, Sa totoo lang ay nahihiya si Miko  na ipahiram ang notebook niya dahil baka hindi maintindihan ni Mae ang mga nakasulat dito pero kahit hindi kagandahan ang sulat niya lagi pa rin itong hinihiram ng kaklase at lagi naman siyang nakatatanggap ng “Salamat “ mula sa dalagita sa tuwng ibabalik na nito ang notebook niya.

Talagang nakapanig kay Miko ang swerte dahil  nasa ikalawang taon din sila nung nakiusap si Mae  kay Miko na magpaturo sa Algebra,siya kasi ang pinakamagaling sa kanilang klase pagdating sa matematika .Ano pa bang inaasahan natin?Maluwag naman  niyang pinagbigyan ang pakiusap ng babaeng napupusuan.Tuwing alas tres ng hapon ay naroon sila sa silid-aklatan . Walang bayad ang pagtuturo ni Miko  dahil  walang katumbas na halaga ang oras na makasama mo ang isang taong espesyal sayo.Sapat na sa kanya ang “Salamat” na nagmumula sa mga mapupulang labi ni Mae.Magkatabi sila sa isang malaking mesa habang sinasagutan ni Mae ang ilang mga problem ay laging tinititigan ni Miko ang mga kamay ng dalaga . Ang maputi at malambot na mga  kamay na pinapangarap niyang  mahawakan. Maraming beses na nagtangka si Miko na hawakan ang kamay ng babae  kada hapon na naroon sila sa silid-aklatan pero may kung anung nagdidikta sa kanyang isip na huwag ituloy ang balak kaya natapos na lang ang kanilang tutor sessions na walang  nahawakan si Miko maski ang dulo man lang ng mga daliri ng babae.

Naisip niya kasi na marami pa ring pagkakataon mayroon  pang  3rd at 4th year,marami pang maaring mangyari sa dalawang taon na nalalabi.

Dumaan ang ilang mga araw at buwan at dumating na rin ang araw na mahalaga sa bawat estudyante sa Highschool ang J.S. prom. Hindi pinalagpas ni Miko ang gabing iyon na hindi niya maisasayaw si Mae. Noong una nahirapan siyang yayain itong sumayaw dahil maraming mga binata ang gusto siyang makasayaw, naghintay siya ng tamang pagkakataon  para yayain si Mae at nagawa naman niya. Nung nakita niya na walang ng kasayaw ang dalaga  agad siyang lumapit sa kinauupuan ni  Mae  at tinapik niya ito sa balikat.Nang ito ay lumingon sa kanya kitang kita ni Miko na gulat na gulat si Mae nang makita siya at  mababakas din sa kanyang mga ngiti na hinihintay din niya si Miko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Matatamis na AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon