One

5 0 0
                                    

Entrance palang siksikan na, gipit na gipit na ako sa dami ng tao, may lalabas, mayroong papasok. Hindi ko na alam gagawin ko pero pinilit ko paring maki-singit at humanay sa pila. Panay ang kapa ko sa bag ko kung bukas, sa wallet kung nawawala, at sa cellphone ko na nasa bulsa. Hindi ako mapakali dahil super dami nga ng tao at baka manakawan ako bigla.

10 pa ang start ng concert pero 8 palang siksikan na at puno na ng tao. Palibhasa ay hindi naman VIP ang ticket ko kaya wala naman akong karapatan para magreklamo. Minu-minuto kong tinitignan ang mga gamit ko kung may nawawala.

Wallet, check! Cellphone, check! Bag, hindi naka bukas, check!

Sa awa naman ng diyos ay wala pa namang nawawala. Ilang oras makalipas ay sa wakas malapit na akong makapasok sa entrance, hinanap ko na ang ticket ko para mabilis na akong makapasok at mahanap ko na ang pwesto ko.

Pero...

Wallet, check! Cellphone, check! Bag, check! PERO WALA. NAWAWALA ANG TICKET KO. D:

Hanap ako dito, halungkat doon, nasaan na?! Wala sa wallet, wala sa case ng cellphone, wala sa bulsa ng bag! Nako, ayoko namang umuwi ng ganito, hindi ko man lang nasilayan ang pogi nilang mukha sa stage. :'(

"Ma'am ticket po?" Tarantang-taranta na ako sa paghahanap, halos bulatlatin ko na ang laman ng bag ko para mahanap ko lang 'yun.

"Dito ko lang nilagay 'yun eh." Sabi ko sa sarili habang tarantang hinahanap ang ticket ko.

"Ma'am, may ticket po ba kayo?"

"Opo kuya, kaso hindi ko po mahanap eh!"

"Ma'am dito nalang po kayo sa gilid maghanap, may mga naghihintay po kasi sa likod n'yo po."

"Hindi po kuya, dito ko lang po talaga nilagay 'yun eh."

"Nako, hindi po pwedeng pumasok ng walang ticket, sorry po ma'am." At gumilid naman ako pagkasabi n'ya nun. Halatang iritang-irita na ang babae sa likod ko kaya naman nag-sorry ako.

Umupo nalang ako sa bench para magmukmok at umiyak. Ugh, wala ngang nawala sa'king gamit, nawala naman ticket ko. Shit naman.

Ilang minuto pa ay narinig ko ng dumadagundong sa lakas ng hiyawan ang hall kaya naman nainggit ako, pero.. Paano kaya kung sabihin ko makiki-ihi lang ako? Wala kasi akong pera para bumili ulit ng bagong ticket. Sakto lang dala ko, ilang buwan ko kayang pinagipunan 'yun gamit ang allowance ko. :'(

Nung napansin kong wala na masyadong tao ay doon na ako tumayo para lumapit sa guard.

"Kuya pwede po bang maki-ihi d'yan sa loob? Ihing-ihi na po kasi ako eh."

"Sorry ma'am, bawal po kasi pumasok ang walang ticket."

"Please, sandali lang po."

"O sige." Yessss naman at pumayag si kuya! Pagtapos n'un ay sinabi na n'ya sa'kin ang daan papuntang cr.

"Salamat po kuya." SALAMAT TALAGA AT MAKAKA PASOK AKO NG CONCERT NG LIBRE!

N'ung makapasok na'ko ay agad kong hinanap ang entrance papasok sa loob. At kunyaring nagaastang may ticket akong binigay sa guard kanina. Agad tumambad sa'kin ang dalawang maskuladong lalaki sa entrance.

"Ma'am may stamp po ba kayo?"

"Stamp? A oo meron." SHIT, BAKIT MAY GANITO PA?! :c

"Pa-tignan nalang po sa UV light po dito." OH NO, OHHH NO. D: pinakita naman nito ang kulay violet na blue na ilaw.

"A, eh.. Wala po kuya eh. Sorry po." Tumakbo ako ng sobrang bilis papuntang exit at napansin kong naguusap sila ng maskuladong mga lalaki sa loob, rinig ko ang bawat salitang lumalabas sa walkey-talkey nila.

"May babae pong gustong pumasok dito sa loob ng walang ticket." Kinabahan na ako ng narinig ko 'yun kaya mas binilisan ko pa ang takbo hanggang sa makalayo na ako dun.

Sayaaang nahuli pa. D: sa harap ng mall ay mayroong bilihan ng ice-cream, parang drive thru lang pero walang sasakyan kaya naisipan ko nalang umorder.

Sa kalagitnaan ng pag-order ko ay may kumausap sa'king lalaki. "Hi ate, nakita kita sa pila kanina ha. Bakit wala ka d'un ngayon?" Tanong nito.

"Nawala 'yung ticket ko eh, hindi ko mahanap." Sabay abot naman ng babae ng order ko.

"Ay talaga? Parehas tayo."

"Ikaw rin pala? Hahahah. Ang malas naman natin, eto pa naman first na punta ko sa concert ng The Script." Shet naman, saka pa ako nawalan ng ticket. :c

"Oo nga eh, free ka ba today? Lakad-lakad nalang muna tayo para malibang." Medyo nabigla ako kasi wala naman talagang 'nagyayaya' ng lakad sa isang stranger 'di ba? First time kaya na may nakausap akong ganito. 

"Ah, eh.. Sige." Wala bang mawawala? Nawala naman na 'yung ticket ko, ano pa bang pwedeng mawala. T_T at least kahit mag enjoy lang ako. Mukha naman s'yang mabait.

"Matt nga pala." Ay kuya, nakalimutan? 

"Jin. Nice to meet you."


X-X-X




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Can't Be MovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon