MY GHOST GIRL

22 0 0
                                    

MY GHOST GIRL

by:missIdollover

 "hayy...katamad naman dito sa bahay.."

 "Tyrone mamalengke lang ako para sa mga gagamitin mo ha..!!"

 "yes ma!!"

nakakabagot naman dito sa bahay na to, parang hindi inaabot ng sibilisasyon..di tulad sa dati naming bahay

ah magpapakilala na muna ako sainyo para naman kahit papano maaliw ako..

Ako nga pala si Tyrone Velasquez isang college student wag nyo na alamin yung kurso ko hindi naman mahalaga sa kwentong to eh..mabalik tayo pinalaki ako ng isang single mom yung damuho ko kasing ama ayun sumama sa kung sino..kakalipat lang namin ng bahay para makapagbagong buhay na kami ni mama..NGSB ako kasi hindi naman ako ganun kagwapo, matangkad lang pero may crush ako, kasi normal naman yun diba?..idedescribe ko na rin tong bahay two-storey sya pero mas malaki yung dati naming bahay, mukha ring luma ang maganda lang dito may garden at mura yung bili namin, may malaking puno din dun sa may garden na kita mula dito sa bintana ng kwarto ko na makikita mong may nakatayong magandang babae na nakangiti sa akin..

 "HAH!?"

tiningnan ko ulit yung babae under the tree at kumakaway na sya ngayon sakin kaya naman bumaba agad ako para puntahan yung babae baka sakaling maging kaibigan ko siya

 "ah miss!"

sigaw ko dun sa babae pagdating ko sa garden kaso

 "huh?asan na yun??"

bigla na lang syang nawala

 "TYRONE PAKITULUNGAN NAMAN AKO DITO"

nakabalik na pala to si mama..bahala na nga yung babae sayang naman pwede ko sana sya maging kaibigan,

 "ASAN KA NA BA TYRONE?"

 "NANDYAN NA PO MA!"

-fastforward...

Kasalukuyang kaming kumakain ni mama ng hapunan habang nagbibilin sya sakin..

 "hoy ikaw tyrone ha magtino ka rito at huwag kang gagawa ng kung ano-anong makakabulabog sa mga kapitbahay"

 "opo ma naiintindihan ko po"

 "tuwing sabado uuwi ako dito sa bahay para naman matingnan-tingnan kita at yung mga kailangan mong gamit nilagay ko na sa cabinet"

 "sige ma salamat po"

si mama mahal na mahal ko yan simula kasi ng iniwan kami ng tatay ko last 2 months siya na ang nag-alaga sakin mag-isa kaso kumonti yumg oras naming magkasama napilitan kasi siyang magtrabaho at ibenta yung dati naming bahay pero ayos na rin yun ng makapagmove-on na si mama kay papa

 "at isa pa anak mag-iingat kang gumawa ng kalokohan,dahil masyadong chismosa ang mga tao dito"

 "pano nyo naman po nalaman eh bago pa lang naman tayo dito"

 "yun na nga bago pa lang tayo dito talk of the town na tayo kesho di daw tayo magtatagal sa bahay na to"

 "ha bakit naman daw po?"

 "sa may kapre daw dito,dwende,mga maligno at multo..kaya kung ayaw mong mapagchismisan ka umayos ka ha"

grabe naman yung mga tao para sabihing may kung ano-anong lamang lupa dito alam ko luma to pero kapre,dwende,maligno hindi ako naniniwala lalo na sa multo!pero hanggang ngayon di maalis yung babaeng nakita ko kanina siguro babalaan nya ako..

 "Tyrone nakikinig ka ba?"

 "ah opo"

 pagkatapos naming kumain niligpit ko na yung pinagkainan namin si mama natulog na maaga pa kasi siya bukas sa trabaho..nya six days ko syang hindi makakasama every week dahil sa trabaho nya..

Pagkatapos ko magligpit umakyat na ako sa kwarto ko pero parang kinilabutan ako ng may marinig akong sumitsit sakin..

 "pssst.."

 "sino yan?"

pero walang sumagot humangin lang yung malamig na hangin, kaya sinarado ko yung bintana at natulog na..

---

umaga..

gumising ako ng maaga para maghanda sa pagpasok pero wala na si mama nag-iwan lang sya ng note sakin at pera ko for 1 week..

Pagpasok ko sa University namin nakita ko agad yung crush kong si Joana..ang ganda nya grabe kaya naman di ko napansing may poste sa harap ko..at nauntog ako

 "aray ang sakit"sabi ko na lang habang hinihimas ko yung noo ko..hayst nakakahiya!!

 "hahahaha..ang tanga-tanga talaga!hahaha"

 "hahahaha oo nga eh lap trip tuloy!hahaha!"

may mga nakakita pala..anu ba naman yun..binubully ako ng ibang student dito sa university dahil tulad ng sinabi ko di ako gaanong gwapo..at dahil na din dun sa tatay ko!kainis pero ayus lang pala nakita ko kasi Joana

----

uwian..

Sa wakas uwian na at tulad ng dati lalapitan ko si Joana at aaluking magmcfloat..

 "ah Joana tara libre ulit kita ng Mcfloat"

 "hahahaha!!"

nagtawanan yung mga kasama nyang babae..may nakakatawa ba sa sinabi ko??

 "girl di mo pa ba nasasabi dyan sa stalker mo?"

stalker? anong stalker eh kilala nya ako since hayskul

 "ah Tyrone kasi ganito yun pwede bang layuan mo na ako nakakahiya kasi at baka makarating pa sa boyfriend ko.."

teka tinataboy nya ba ako?malamang sabi nga eh layuan mo ako..pero akala ko..

 "girl look mukhang di naintindihan yung sinabi ni Joana..yuck ang pangit nya!"

 "pe-ro akala ko o-okay tayo??"tanong ko sa kanya

 "look Tyrone first of all walang tayo, tigilan mo nga yun nakakapangilabot kasi..and na misunderstand mo ata yung kabaitan ko and to make it clear diba may kasabihang 'be kind to animals'..dyan ka na nga girls halina kayo"

 "hahahahahaha!!"

MY GHOST GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon