Napakaraming nangyari.Nakapatay ako ng maraming tao.Grabe ang kaba ko nung first time kung pumatay ng tao.Nagsimula ang lahat dahil sa training namin na SURVIVE or DIE.Isa itong laro kung saan pwede kang mamatay o mabuhay.Mamamatay ka kung hindi mo matatakasan ang mga pagsubok.Mabubuhay ka kung matatakasan mo ang mga ito.
Pinagtipon-tipon kaming lahat na babae sa aming base.Pinapatawag kasi kaming lahat ni Miss Victoria.Lahat kami kinabahan kung ano ang dahilan kung bakit niya kami pinatawag dahil pagpasok namin sa loob ng basement ang raming mga baril at knife sa lamesa.
"Magandang umaga mga ladies."bati saamin ni Miss Victoria na nasa taas at nakaupo habang may dalawang lalake na nakahawak ng baril sa dalawang gilid niya.
"Pinatawag ko kayo dito dahil ito na ang tamang oras upang magbawas tayo ng inyong bilang."napahawak agad saakin si Jessica at lumunok yata sa kaba.
"Jack,ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa kanila."utos niya.Agad namang nagsalita si Jack.
"Ang larong gagawin natin ay hindi parang panglarong bata kundi laro kung saan pwede kayong mamatay kung hindi niyo papatayin ang inyong kalaban."biglang nanginig ang buong katawan ko sa takot hindi dahil natatakot ako kundi ang takot at kaba kung makakapatay ako ng tao.Nagulat si Jessica sa kinikilos ko dahil nararamdaman niya na grabe ang pagnginig ko.
"Hanna,ayos ka lang ba?"tanong niya saakin na nakahawak parin sa kamay ko.."Ah-eh a-ayos lang ako."nanginginig kong sagot.
Sh*t!Dumating na nga ang kinakatakutan ko ang pumatay ng tao na ayaw na ayaw kong gawin.Ngunit paghindi naman ako lalaban pwede akong mamatay,ayaw ko pang mamatay gusto ko pang mabuhay upang matupad ang hiling ko na mahanap ang mga magulang ko at tanungin kong bakit nila ako iniwan.Dapat ko din protektahan sila Jessica at Jane.
"Sa larong ito ay makikita kung meron kayong natutunan sa ating nagawang mga training sa tatlong taon."naririnig ko na ang mga bulungan saaking likuran.
"Ano kaya ang mangyayari saatin?"
"Sino kaya ang magsu-survive?"
"Mamamatay kaya ako?" lahat ng ito ay mga katanungan na masasagot lamang pagkatapos ng laro.Tsk..kinagat ko ang aking mga labi.Hindi parin sila tumitigal sa pagbulong na kinaiinisan ko.
"TUMAHIMIK NGA KAYO!"sigaw ko ng napakalakas na lahat sila ay natahimik.Napasigaw ako dahil sa naghahalong mga katanungan na gusto ko din malaman.
"Ayos ka lang ba Black Rose?"tanong saakin ni Jack.
"Oo ayos lang ako."seryoso kong sagot."Kung ganon itutuloy ko ang pag-explain kung paano o ano ang mga kailangan sa larong gagawin niyo."habang nagsasalita si Jack napansin ko ang pagtingin saakin ni Jessica na para bang natakot nung sumigaw ako na napansin ko pang bumitaw siya saakin.
Nagsmile ako sa kaniya."Sorry,natakot ka ba sa pagsigaw ko?"tanong ko sa kanya.Nag-nod siya."Nakakatakot ka nga talaga."tapos nagsmile siya at hinawakan ulit ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Black Rose ( The Legendary Black Gangster Queen)
ActionIsang batang babae na ulila.Ipinanganak upang mabuhay mag-isa.Walang kaalam-alam ang mga tao na nasa paligid niya na isa pala siyang Gangster Queen.Hindi siya isang normal lang na Gangster kundi isa siyang Leader ng Gang kung tawagin ay Black Shadow...