When The Rain Falls

9 0 0
                                    

Umihip ang hangin ng malakas, ang mga puno ay tila maligalig na nakikisabay sa bawat hampas ng malamig na hangin sa mga katawan nito. Ang kalangitan ay nawalan ng kakayahang maglabas ng liwanag na nagbibigay kulay sa bawat nilalang na tatamaan nito kasabay ng mabilis na paggalaw ng mga ulap na wari mo'y naguunahang makarating sa kanilang paroroonan. Ang lahat ay nagkakagulo sa pagkaripas ng takbo para lamang maiiwas ang kanilang mga sarili sa tila ngbabadyang pagbuhos ng ulan.

Ilang saglit pa ang lumipas ay may musikang umalingawngaw sa kapaligiran na sa aking pandinig ay nagpapaalala ng masasakit na ala-ala na pilit kong ibinaon na sa limot ngunit sa bawat notang nagtutunugan sa ang aking kapaligiran ay tila ba nagbabalik ang mga masasakit na pangyayaring parang kahapon lamang ito naganap. Na sa bawat pagtama nang bawat nota sa maliit at manipis kong panangga sa napakalakas ng pwersang ito at nagdudulot ng takot sa aking katauhan dahil sa di makataong karanasan nang aking buhay na halos naganap sa PAGPATAK ng ULAN...

When The Rain FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon