Chapter II

7 0 0
                                    

Ewan ko ba pero parang ang bigat ng katawan ko ngayong gabi. Oo pagod na ako sa kalakarang pinasok ko pero sino at ano nga ba ako para tigilan ito? Wala naman akong maipagmamalaki at pagkukunan ng perang ipangtutustos ko sa mga gastusin ko sa aking pag-aaral at para mabuhay sa magulong syudad ng kamaynilaan.

"Anak, sabi ng lola mo na ang bawat pag-ulan at bawat pagpatak nito sa lupa ay masasakit na ala-ala ang halos naiisip ng mga taong nakatanaw sa mga bintana ng kanilang mga tahanan..."

"Bakit naman Mama?"

"Dahil ang ulan ay sumisimbolo sa mga mumunting butil na nag-uunahang kumawala sa kanilang mga mata dahil sa labis na paghihirap ng kanilang mga kalooban..."

"Ganoon po ba iyon?"

"Marahil siguro anak... Pero hindi ba't mas masarap magtampisaw sa ulanan at enjoyin ang bawat pag-patak nito. Ang lagi mo tatandaan anak, kahit gaano pa kasakit ang danasin mo sa bawat pagbuhos ng ulan ay ang kasunod nito ay ang maganda at maaliwalas na pagsibol ng araw..."

Nagsimula na akong maglakad papunta sa isang sikat na club sa Malate. Dito buhay na buhay ang mga dugo ng mga taong hayok sa kapirasong laman ng mga kabataang napipilitang ibenta ito kapalit ng kakarampot na pera. Madumi kung titignan ng mga mapanghusgang mga mata ng mga taong itinuturing na malinis ang kanilang mga pagkatao pero sa kaila-ilaliman nito ay may parting nabubulok gawa ng kanilang mga mapamintas na tingin at salita.

Isang oras din ang tinagal ko sa biyahe bago ako makapasok sa malaking tarangkahan ng kamunduhan.

"Pare, bilisan mo na at kanina kapa hinahanap sa akin ni Mama Jeff." bungad sa akin ni Gerald,isa sa mga kasamahan ko.

"Sige pare. Nasaan ba siya?"

"Nasa kwarto niya."

"Sige pare mauna na ako sayo."

Nagmadali ako sa pagpunta kay Mama Jeff. Isa siya sa mga nirerespeto kong bakla, kung hindi dahil sa kanya malamang ay isa na ang katawan ko sa mga nawalan ng huling himalayan.

"OMG! Si pogi hinimatay..." sigaw ng isang bakla sa nagkakagulong mundo ng Tondo. Mabilis na lumapit ito sa binata na wala man lamang nagkusang tulungan ito sa hindi niya agandang kalagayan.

"Tulungan nyo kami! Tulong dalin natin siya sa malapit na ospital dali!"

Mabilis na dinala ang binata sa ospital at nalapatan naman ito ng pang- unang lunas. Ilang oras ding bintayan ng bakla ito. Sa ilang oras napagbabantay nito pansin niya kung gaano kahirap ang dinanas nito, mababakas ito sa maamong mukha ng binata na ngayon ay payapang natutulog. Sa kabila ng pasa nito sa iba't ibang parte ng katawan mababanaag pa din dito ang maayos na kaanyuan nito. Abala ang bakla sa pagtitig nito sa binata ng bigla itong dumilat .

"Ano po ang nangyari? Nasaan po ako? Sino po kayo? Ano po ang gingawa ko dito?"

Sunod-sunod na tanong ng binata na ngayon at seryosong nakatingin sa kanya na naghihintay kung sa ano mang kasagutang ibibigay niya.

"Ahhh... I'm Jeffrey. Ako nagdala dito sayo. Nasa ospital ka ng Tundo. Naglalakad kasi ako kanina sa market ng bigla kang bumagsak sa kalsada. Ikaw ano pangalan mo?"

"Ako si Aeo Jay." matipid na sagot ng binata.

"Hindi sa nakikialam ako sayo, pwede ko bang malaman kung ano nangyari sayo at kung saan ka nakatira?"

Matagal ding nakakatitig ang binata sa kanya waring tinatantya nito ang kanyang pagkatao. Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula ng isalaysay nito ang mga kaganapan sa kanyang buhay.

When The Rain FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon