''May mga nagsasabi na pwede daw man bago ang isang tao dahil sa pag-ibig. Dahil din dito, ginagawa na ang lahat makapiling lamang ang taong minamahal. Ito ay kusang kumakatok sa ating puso na hindi mo napaghahandaan at kung kumatok ito wala ka ng magagawa kundi buksan na lang ang iyong puso. Noong una ay natatawa lang ako sa mga kasabihang ito pero minsan, sa buhay natin may mga pagkakataon na tila nagpapatunay na totoo nga mga kasabiha.
Naging maingat ako sa mga lalaking nagugustohan ko. Ayaw ko ng masaktan pa pero buti nalang at nan diyan ang best friend ko na si Nathan. Mag best friend na kaming dalawa simula elementarya pa. Talagang mahal namin ang isa't-isa bilang magkaibigan. Palagi kaming magsama daig pa namin ang mag syota, kung may activity sa paaralan ay lagi ko saying ka grupo. Minsan ay napagkamalan siyang bakla dahil sa babae ang parati niyang kasama pero lagi ko siyang pinagtatangol at sinasabing straight siya at hindi bakla.
Martes iyun ng pumunta kami sa silid-aklatan. Pareho kaming mahilig magbasa ng libro patungkol sa mga kasabihan. May bigla siyang iniabot na libro ay sabay sabing " Best, basahin mo to. maganda ang librong ito." Binasa ko naman at tungkol pala ito sa magkaibigan na nagkatuluyan sa huli. Nang matapos kong basahin ay masulat sa huling parti ng libro at may nakasulat na "I LOVE YOU" "best, may sulat na i love you sa libro oh! kanino kaya ito...." hindi naman siya nagsalita kaya binaliwala ko nalang
Simula noon, palagi nalang akong nakakatangtagap ng sulat at bulaklak na wala akong alam kung saan at kanino galing. Kapag may oras ako ay sinasibihan ko si Nathan sa mga nangyayari. Habang nagku-kwento ako ay palagi siyang naka ngiti at tumatawa na wala namang nakakatawa. Nagtaka ako kung bakit ganun siya kung maka react.
Sa sumunod na araw, biglang tumugtog ng gitara si Nathan sa harap ng kanyang mga ka tropa.. Ang ganda talaga ng boses niya parang bigla akong natamaan ng pana ni cupido pero hindi ko muna pinansin ang aking nararamdaman. Hindi ko na pinahalata pa pero ang totoo ay nahuhulog na ako sa kanya subalit nangako kami sa isa't-isa na "best friends forever"
Nagtaka ako kung bakit parang lumalayo siya sa akin. Naka droga siguro to o sadyang nagpapnsin lang o baka nakahalata sa mga ikini-kilos ko "WAG NAMAN PO SANA!!!" nang magkaroon ako ng oras na kausapin siya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at tinanong ko na siya " Hoy! ano ba?! Ba't hindi mo na ako pinapansin ha?" Ngumiti lang siya at sinabing "Alam mo best, naalala mo ba iyung librong binigay ko sayo sa silid-aklatan? Iyung tungkol sa magkaibigan na nagkatuluyan?" " Oo best, bakit mo naman natanong?" ang tanong ko sa kanya. Hindi ko siya naiintindihan pero nagpatuloy parin kami sa pag-uusap. Nag-iba ang simoy ng hangin ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Best, It's not my intention to prove that promises are made to be broken but I'm sorry that i broke our promise." What do you mean?" ang tanong ni Kim kay Nathan. "You know what best, there was a girl I met before. I like her very much. I was with her since elementary. We do have the same likes and it feels like we're compatible with each other. How i wish to be her prince but I promise her to be my best friend forever." Bigla akong natahimik at na wala sa sarili. Famillar ang babae sa kanyang sinabi pero hindi ko parin makuha kaya tinanong ko siya "Sino ba iyung babae best?" "Ah! wala best...kalimutan mo nalang hehe" napapaisip ako tuloy habang naglalakad kami. Hinatid niya ako sa bahay at gabi na ng marating namin ang bahay namin. Agad akong nagtungo sa kwarto ng nag-iisip ng malamim. Hindi ako makatulog sa mga binitiwang salita ni Nathan sa akin. Parang ako na parang hindi o sadyang makapal lang talaga ang mukha ko.
Kinabukasan, pagdating ko sa paaralan, bigla akong sinalubong ng nagwawala kong mga barkada at tinanong ko kami na ba ni Nathan...(sana totoo-ang pabiro kong nasabi sa sarili) PERO "WHAT?!!!!! ANONG KAMI?!! HINDI KAI AT ANO BAYANG PINAGSASABI NINYU HA?! SINONG NAGSABI SA INYU NIYAN?!! "YOU'RE SO G.R.R.R.R!!! HINDI MO ALAM NA MAY GUSTO SAYO ANG BEST FRIEND MO NA SI NATHAN AT MATAGAL NA NAMING ALAM IYUN! GUSTO KA NA NGA NIYANG LIGAWAN PERO NAHIHIYA SIYA!! wala akong masabi sa mga sinabi nila. Hindi ko naiintindihan ang nararamdaman ko.. na parang kinikilig o naagalit. Nang magkita kami sa silid-aklatan ay hindi ko na siya pinansin dahil na rinsa tampo.
Lumipas ang mga ilang araw, nabalitaan ko nalang na may mahal ng iba si Nathan at sila na daw dalawa. Parang binuhusan ako ng mainit na tubig hanggang sa ako ay matunaw ng naring ko mga bali-balita. Mahal nila ang isa't-isa kaya wala akong magagawa. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha sa mga mata ko. Bigla akong pinuntahan ni Nathan "Oh! best, Ba't ka umiiyak ? may problema ka ba?" ang tanong niya sa akiin. "Alam mo best! ang epal mo.. nag ka girlfriend ka nga lang hindi mo na ako pinapansinat kinalimutan mo na best friend mo ako." ang bigla kong naisagot kay Nathan."Best? Ba't ganyan ang reaksyon mo? sabihin mo nga yung totoo nagseselos ka ba?" ang sabi ni Nathan,"parang ganun na nga best!" ang sagot ko naman."Kaw naman oh! ngaseselos pa." Bigla niya akong niyakap sabay sabing "Huwag kang mag-alala ikaw parin ang pinakamamahal kong Best Friend!" Gumaan ang loob ko sa sinabi niya pero nararamdaman ko parin ang sakit at ang katangahan ko.
Kinabukasan, tumawag sa akin si Richard "Kim! si Nathan naaksidente! nandito kami sa St. Joseph hospital kritikal daw siya sabi ng doktor!" Hindi na ako nagsalita at agad pinuntahan ko sila sa nasabing hospital. Nakita kong nakatayo sa labas si Richard "Pumasok ka lang, nasa loob sila" pagpasok ko sa loob ng kwarto, agad kong nakita si Nathan na nakahiga na walang malay. Niyakap ko siya ng mahigpit. wala na akong pakialam sa mundo basta't makapiling ko lang siya. "Nathan oh! huwag ka namang ganyan, sabi mo di ba? walang ewanan.. I love you! Mahal kita!"
Nagtawana silang lahat. Wala akong kamalay-malay na habang nagsasalita ako nakangiti pala si Nathan at ang mga ka tropa niya. Talagang planado lang ang lahat, ang pagkakaroon niya ng girlfriend at ang pagkakaaksidente niya. Wala akong masabi, sinampal ko nalang siya dahil na rin sa hiya pero sapat na rin iyun at alam na niya ang totoo.
Niyaya niya ako na pumunta sa lugar kung saan kami unang nagkita. Ito ay sa plasa ng eskwelahan noon sa elementarya. Kami lang ang tao doon at talagang nakakabingi ang paligid. Bigla nalang akong nanlamig kahit mainit naman ang panahon, iyun pala'y hinahawakan na pala niya ang kamay ko. Hindi ko rin naman siya piigilan, ang sarap kaya ng pakiramdam paghinahawakan ang kamay mo ng taong mahal mo. Bigla siyang lumuhod sa harapan ko, nakakahiya na nakakakilig. "Best! matagal ko ng gustong sabihin ito sayo....I know I'm not good in english but I know how to say I love you, I know I'm not good in history but I can still remember the first time I saw you, I know I'm not good in chemistry but I can see the reaction between me and you, I may not be good in al the subject but when it comes to you I know I can pass all the test..." kahit napakatorpe ko noong una pero ngayon handa na ako best! PWEDE BANG IKAW ANG KOMUMPLETO NG BUHAY KO?" Hindi ko na sinayang ang pagkakataon, "Best! alam mo una palang kitang makita alam kong ikaw na ang mamahalin ko...I DO BEST! I SO LOVE YOU TOO!
Iyun na siguro ang pinakamasayang araw sa buhay ko ang dumating ang taong mamahalin ko. "BEST! parin ang tawagan naming dawala. Hindi parin mawala nag pagiging mag-best friend namin. May mga araw na hindi kami nagkakaintindihan pero napag-uusapan din naman namin.
Ang pag-big nga ay kusang kumakatok sa ating mga puso. Totoong masarap umibig pero masakit masaktan subalit normal lang naman ito. Ang pag-ibig ay na sa paligid lamang at ang dapat gawin natin ay pahalagahan.
BINABASA MO ANG
My Best Friend
Teen Fictionpag-ibig ay sadyang dumadating sa atin. Ito'y nasa paligid lamang, naglalaro kasama ng hangin. may mga nagsasabing nagsisimula ang pagiibigan sa pakikipagkaibigan. paano nalang kung mismo mag best friend kayo? .. ENJOY READING :D