Chapter 1

2 0 0
                                    

Gumising ako ng maaga para magluto para sa sarili ko , niligpit ko nang maayos yung pinaghigaan ko at tinupi yung comforter na ginamit ko .

Tinungo ko yung banyo para maagang maligo kase ito ang first day ko sa trabaho ko .

At the same time nagaaral din ako .

Wala lang , I just want to feel how it is to be independent .

Naligo nako at tinungo ko ang kusina ng apartment ko , nagluto ng agahan para naman di ako magutom sa unang araw ko sa trabaho , mabilis kong kinain ang scrambled eggs at friedrice na niluto ko bago ako bumalik sa kwarto ko .

Naupo ako sa gilid ng kama ko tsaka huminga ng malalim .

"This is it Braile"

Nasabe ko sa sarili ko atsaka ako napatingin sa litrato sa side desk ko

"I miss you Drake" tsaka ko hinalikan yung muka niya na kalapit ko sa litrato na yun .

Drake is may boyfriend at isa sa taong alam kong di ako iiwan matagal na kame ni Drake almost 3years na kame next next month .

Inayos ko ang laman ng bag ko tsaka umalis na . Nilagay ko ang headphones ko sa tenga ko tsaka nagbike papunta sa trabaho ko .

Isang cafe lang naman sya , yung kaibigan ko ang nagintroduce saken nitong cafe na to kase tito niya yung may ari .

And dont get me wrong! Nagpasa ako ng resume ko para sa trabaho ko and hindi ko ginamit ang kaibigan ko para makapasok dito .

Pinarada ko ang bike ko sa harapan ng cafe at tinungo ang staffs room .

Naabutan ko ang isang kasing-edad ko sana and nginitian ko sya .

"Hello! Ikaw ba yung bago?"

Tumango lang ako sa kanya

Nilahad niya yung kamay niya saken .

"Im Anne , and you?"

"Braile" Tipid kong sagot bago ako nakipagshakehands sa kanya

"Okay Braile ako kase yung inas-sign ng manager naten to lead you sa lahat ng gagawin mo sa cafe dahil you're a working student so nilagay ka niya sa counter :)"

Paliwanag niya saken tsaka ngumiti .

"Halika dito , ito ang uniform mo , ang nameplate , apron atsaka hairnet"

"Thankyou Anne!"

Sabe ko sa kanya sinuot ko agad yung mga binigay niya tsaka niya ko pinasunod sa counter , wala pa naman tao kase it's just 6:30 in the morning and mamaya pa namang 8am ang bukas nitong cafe .

Tinuruan niya ko how to get orders , how to serve tsaka sa pera . Though alam ko naman haha pero di ko nalang inintindi . Medyo malaki din itong cafe siguro sa nakikita kong mga locker kanina? Almost 20 kaming nagtatrabaho dito so siguro malaki naman sweldo :)

Napangiti ako kase di ko akalain na nagtatrabaho nako , kikita nako ng sarili kong pera na hindi humihingi sa mga magulang ko .

I look at my wrist watch para tignan kung anong oras na its already time na para buksan ang cafe , at may dumating agad na customer .

Kinuha ko ang order niya at dinikit malapit sa kitchen , agad naman syang nagbigay ng bayad tsaka tumungo sa uupuan niya .

Naging mabilis naman ang oras ko sa cafe , kaya nagbihis nako at nagpaalam sa manager na papasok na sa school . Nginitian niya ko at tumango .

Miss NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon