Chapter 1

3.5K 76 3
                                    

Naglilibot noon si Star sa campus ng St. Mary University kasama ang kaniyang dalawang Peace and Order Officers. Siya kasi ang bagong appoint na SSG o Student Supreme Government President. At bilang presidente ay responsibilidad niya na panatilihin ang kaayusan sa loob ng campus. Nakita nila ang grupo ni Earth Fuentebella-number one campus enemy at ultimate bad boy at anak ng may-ari ng unibersidad-na sinusulatan ng pintura ang pader.

"What do you think you're doing, guys? Hindi niyo ba alam na vandalism 'yang ginagawa niyo." Saway ni Star sa grupo ni Earth.

Pero dedma lang ang mga ito. Ni hindi nag-abalang tapunan siya ng tingin. Kinuha ni Star ang kaniyang papel at ballpen. "Last warning. Kapag hindi pa kayo tumigil diyan, ililista ko na talaga ang mga names niyo para madala kayo sa guidance."

"Pare, may naririnig ba kayong nagsasalita?" Pang-aasar ni Earth.

"Wala, eh!" Dugtong naman ng dalawa nitong kasama saka malakas na nagtawanan.

Napipikon na talaga si Star. Nilapitan niya ang mga ito para awatin. Ngunit nagulat siya ng pahiran siya ni Earth ng pintura sa mukha.

Napatili siya. "Bastos!"

"Ay! Akala ko kasi pader pa rin. Bwa-ha-hah!"

Nilapitan siya ng dalawa niyang officers para sana tulungan ngunit pati ang mga ito ay hindi rin nakaligtas sa kalokohan ng tatlo.

"Sumosobra na kayo, ha! Hindi niyo ba alam kung sino kami?" Angal ni Byron, ang isa niyang officer. Inawat ito ni Star nang akmang susugurin ang grupo nila Earth.

"Hoy, kumag! Huwag kang umasta na kung sino, ha? Bakit sino ba kayo?" Mayabang na saad ng kasama ni Earth.

"Kami lang naman ang peace and order officers. At ito." Itinuro siya ni Thyrine, isa pa niyang officer. "Siya lang naman ang newly appointed SSG president."

Nakakaloko siyang tiningnan ni Earth. "So, ikaw ang bago naming hunter?"

"Exactly! At hindi porke't anak ka ng may-ari ng university na ito ay makakaligtas ka sa'kin."

Sarkastiko itong tumawa. "Sige nga. Hulihin mo kami." Nagulat si Star nang muli siya nitong pahiran ng pintura sa mukha, sabay takbo kasama ang dalawang kolokoy.

"Earth!!!" Nanggigil niyang sigaw.

"Dapat kasi, Miss President, hindi mo ako inawat para nabugbog ko na ang mga 'yon." Wika ni Byron.

"Iyon ang huwag na huwag mong gagawin." Payo dito ni Star. "Kaya nga kayo tinawag na peace and order, eh, para sa katahimikan. Hindi lahat ng bagay ay kayang ayusin ng karahasan. Didisiplinahin natin sila sa maayos na paraan."

"Tama si Ms. President, Byron." Sang-ayon ni Thyrine. "Dahil kung ginawa mo 'yon kanina, siguradong reresbakan ka lang ng mga 'yon."

Sabay silang tatlo na pumunta ng shower room para maghilamos at tanggalin ang pinturang pinahid nila Earth.

"Hi, Star!" Malapad na ngiti ni Yohann ang sumalubong kay Star paglabas niya ng library.

May dala-dala na naman itong bulaklak kagaya ng lagi nitong ginagawa. Sa lahat ng kaniyang mga manliligaw noon ay ito na lang ang natirang matiyagang naghahabol sa kaniya. Ang iba ay napagod na. Paano naman kasi, wala pa talaga sa vocabulary niya ang salitang boyfriend. Dahil bukod sa hindi pa niya nakikita ang kaniyang The One ay naka-focus pa si Star sa kaniyang big dream na maging suma cum laude.

Lady's Dormitory Series 1: Terrible Earth catch the Falling Star(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon