Prologue

13 0 0
                                    

Nakatingin ako sa mahabang iskinita dito sa loob ng ospital. Wala manlang katao-tao bukod saakin. Ako na walang kakwenta-kwentang tao, nag-iisa ngayon sa mahabang hallway.

Ako na pasaway na anak, isang malaking failure sa pamilya. Hindi ako nag-aaral ng mabuti. Mas madalas akong gumawa ng masama kaysa sa mabuti.

Pangarap ko lang naman ng una ay ang matapos nalang ang buhay ko dahil malaking pabigat nalang ako sa pamilya, di ko inaasahan na ngayong magkakatotoo na ang nais ko tsaka naman ako maduduwag.

"Ms. Villegas, tatapatin na kita hindi na aabot sa isang taon ang buhay niyo. Stage 3 na ang cancer at kung patuloy pa kayong tatanggi sa chemo theraphy ay mas bibilis pa ang buhay niyo." Paliwanag ng doctor saakin. "Ano po bang gusto niyong mangyari? Hindi ko nga po alam kung alam ng pamilya mo ang tungkol sa karamdaman mo dahil ikaw lang ang pumupunta dito at wala kang kasama." Pagpapatuloy niya. Napayuko nalang ako. Ayoko na gambalain si mama. Wala din naman akong mapag-sasabihan ng problema ko. Isa pa, ayokong maaawa sila saakin.

"Ayoko po kasing magaalala sila. Waste of time, money and effort kung magpapa-chemo pa ako. Tama lang siguro na mag-enjoy nalang ako bago ang nalalabing araw ko sa mundo." Hindi ko maiwasang mapaluha habang sinasabi ko ang mga yun.
"Take this.." may sinulat si doc sa isang papel "Some vitamins and medicines. I just want to make your life long at kung makokontra mo pa ang stage 3 na colon cancer then good." Nakangiting sabi niya saakin. "Be happy Ms. Villegas. Live your life as if there's no tomorrow." Dagdag pa niya. Nginitian ko nalang siya at dahan-dahang lumabas sa office nya.

Nagpunta ako sa mga pinuntahan ko na nuon. Nag stop ako sa isang pinaka-malapit na cafe. Nilabas ko ang notebook ko. I dont have any idea what comes up with my mind but I suddenly made a bucketlist.

"If ever I'll die. I want to live my life to the fullest. As if there's no tomorrow." Sabi ko at pinahiran ng panyo ang basa kong pisngi.

Napansin ko nalang ang cellphone ko na nagri-ring. Sinagot ko naman agad ng malaman ko na si Ray pala ang tumatawag.

"Hello?" Tawag ko sa kanya. Kahit alam ko na si Ray ang tumatawag saakin.

[Rain where are you?] Tanong niya saakin. Nag-aalala ang tono ng boses niya.

"Sa cafe? Bakit?" Kunwari hindi ko alam kung bakit pero ang totoo alam ko naman na nag-aalala siya. It's obvious.

[Anong bakit! You suddenly disappear in the office. I couldn't find you anywhere! What's running out of your mind, you didn't even tell me that you are going out] Hindi ko alam kung matatawa ako o ano dahil sa reaksyon niya.

"Okay just come here at the Sweets Coffee para malibre ka." Sabi ko sabay irap.

[That's my girl.] Iniimagine ko pang ngumingisi siya ng mga oras na to. Nangunot ang noo ko.

"Hey! I'm not your girl!"

[I don't care darling. You are still my lucky girl] natatawang sabi nito habang rinig na rinig ko pa ang pagpapatakbo niya ng Lamborghini niya.

"Call you later bye." Sabi ko sabay baba ng call. I sip my frappe habang binabasa isa-isa ang nakasulat sa notebook ko na bucketlist. "How nice." Sabi ko sabay ngiti ng mapakla.

I already have a bucketlist. I think this is enjoying doing all of them one by one.


Blackdesk

Thanks for reading :)

My Bucketlist 100Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon