Mapanghusgang mga mata.
Hindi na bago 'to. Tuwing sasakay na lang ako ng jeep, ramdam kong karamihan sa mga kapwa ko pasahero ay nakatingin sakin.
Minsan naman may mga matatandang pinag-uusapan ang tulad ko. Wala akong magawa. Ayokong sumagot sa kanila at makipag-away. Dahil alam ko sa sarili ko, mali ako. Mali ang ginawa ko.
Pero anong magagawa ko, tao lang din ako. Nagkakamali.
Pero ang mali lang sa'kin, nagmahal ako.
Nagmahal ako ng maling lalaki.
Ngayon, pinagsisisihan ko ang ginawa ko. Pero sabi nga nila what is done, is done.
"Grabe talaga mga kabataan ngayon. Imbis na mahiya at huwag lumabas ng bahay. Naku! Parang pinagmamalaki pa nila ang bukol nila sa tiyan eh."
"Oo nga. Di na nila inisip mga magulang nila. Hay, jusko. Mga kabataan nga naman ngayon. Malalandi. Mapupusok!"
Bingi. Bingi ako tuwing naririnig ko ang mga kasabay ko sa jeep na pinag-uusapan ang tulad ko. Dapat wala akong pakielam. Dahil di nila ako kilala.
Hindi nila alam ang pinagdadaanan ko.
Pero... kahit anong sabihin ko at isipin. Mali pa rin ako.
Mali na minahal ko siya.
Third year high school ako ng makilala ko siya.
Siya. Si Louis Dela Vega.
Sikat. Mayaman. Matalino. At mabait, ang akala ko.
Halos lahat ng babae sa school pinagkakaguluhan siya. Perfect guy daw. At boyfriend material.
Unang kita ko palang sa kanya. Humanga ako sa galing niya magbasketball. Siya ang MVP ng school namin. Pero nung una, kahit na hanga ako sa galing niya, naasar naman ako sa kasikatan niya.
Famous kasi siya, at naiinis ako sa mga taong famous. Sa isip ko, tayong mga tao hindi naman natin kailangan maging famous pero siya ine-enjoy niya.
Sa Twitter ko binuhos ang pagka-inis ko sa kanya. Tweet ako ng tweet, kahit ano.
Pero laking gulat ko isang araw nang lapitan niya ako sa school. Hindi ko makaklimutan ang araw na yun. Lahat ata ng mga mata ng fangirls niya, nakatingin sakin. Na para bang gusto nila akong patayin.
Kinausap niya ako. Sabi niya I'm unique. Marami daw na nagkakandarapa na maka-usap lang siya pero ako 'tong swerte daw na nakausap niya ay hindi masaya.
Gusto kong umalis, pero pinigilan niya ako. Sinabi niya pa sa akin na kapag may galit ako sa kanya, wag kong idaan sa social networking sites.
Di ako makapaniwala sa sinabi niya dahil pati pala do'n, nalalaman niya kapag may galit o inis sa kanya ang isang tao.
Nag-usap kami. Ginawa ko ang sinabi niya. Sinabi ko ang lahat ng gusto kong sabihin. Pero imbis na sumagot siya,
He smiled at me.
Sabi niya friend niya na daw ako simula ng araw na 'yun. He said, I'm unique that I'm not like the other girls.
Ayoko nung una. Pero wala na akong nagawa araw-araw kinaka-usap niya ako. Kahit na hindi ko siya iniimikan. At sa araw-araw na yon, puro matatalim na tingin ang natatanggap ko mula sa mga babae sa school.
Minsan, pinatunayan niya sakin na worth it siyang maging kaibigan ko. Iniligtas nya ako ng muntik na akong masagasaan dahil sa kaka-text.
"Kaibigan kita kaya po-protektahan kita" sabi niya nang tanungin ko siya kung bakit niya ginawa 'yun.