3rd person's POV
Naglalakad paounta gymnasium sina Thea at Kim para sumali ng mga clubs.
Napag isipan na ni Thea na sa Drama Club siya sasali at si Kim naman ay sa Food Club ay este sa Glee Club.
Sa banda naman nina Lawrence at Sky ay sa Drama Club sila pareho, si Sky kasi ang President dun at VP naman si Lawrence. Habang naglalakad ang dalawang lalaki, naisip parin ni Sky yung bracelet na suot ni Thea. Siya nga ba kaya si Tingting?
*flashback (8yrs ago)
"Hoy tingting, tunmayo ka nga diyan. Sino nanaman ba nag away sayo?" sabi ni Sky ng nakita niya si Thea na umiiyak sa swing.
"Huhu, eh- kasi piggy sabi nil--a na di daw tayo bagay-- ka-si *huk* mataba ka raw saka payat ako. Huhuhu!" pinuntahan ni Sky si Thea at niyakap ito.
"Wag mo na sila intindihin Tingting, masaya naman tayo eh. Tumahan kana, pakasalan pa kita paglaki diba?" iniharap ni Sky si Thea sa kanyang mukha at pinunasan ang kanyang luha. Ngumiti naman agad si Thea.
"Ayan, mas maganda ka ngumiti tingting! Saka may ibibigay ako sayo." agad namang inilabas ni Sky ang pinagawa niyang customized bracelet.
"Ang ganda naman niyan piggy, akin ba yan?"
"Hindi, sa swing ito. Ilalagay ko lang sa swing!" biro ni Sky.
"Ayy, nakakatawa naman ng joke mo. Ha-ha-ha-ha apat ang tawa ko dun"
"Sayo ito tingting, wag mo ito iwawala ha? Para pagbalik niyo ng papa mo makikita pa din kita" sabay bigay nito kay Thea.
Maganda ang bracelet na binigay ni Sky, may nakasulat dun na 'Tinggy'. Pinagdugtong ang tingting at piggy.
"Ang ganda nito piggy, thank you" sabay halik ni Thea sa pisngi ni Sky.
Natulala si Sky at namula dahil gusto niya talaga si Thea maging girlfriend niya at asawa kapag lumaki na sila.
"Sige Piggy, aalis na ako babyeee~ babalik ako kaagad hintayin mo ako ha? Pagbalik ko papakasal tayo!!" tumakbo na agad si Thea pauwi at naiwan si Sky na nakatulala.
*end of flashback
Di inaasahan ni Sky na di na pala babalik si Thea, di niya manlang nalaman ang totoong pangalan nito. Sa dalawang taon na nagsama sila 'tingting' lang ang alam niya nito ang ang bracelet na suot nito. Naghintay siya ng naghintay hanggang ngayon senior na siya at naghinala siyang si Thea si Tingting.
Nagpunta na sila Sky sa gymnasium para tingnan ang mga nag audition sa kanilang club at sa di inaasahan nakita niya si Thea na nagpapalista pa lamang.
Nagpunta nalang sa Drama Club Room dahil isa siya sa mga judge para sa audition.
Naghihintay siya kung sino ang susunod. Hanggang sa si Thea na ang pumunta sa stage nila.
----
Thea's POV
Di ko inaasahan na isa si Yabang sa judge, hala ka. Baka di ako makapasa nito.
"Hi Thea! Magsimula kana" sabi ni Lawrence habang kumakaway sakin.
Nagsimula na ako. Ang dinrama ko ay yung kung gaano kasakit mawalan ng ama. Totoo naman to ehh~ from the heart yung luha ko tsaka yung mga sinasabi ko. Tapos na rin sa wakas.
"Grabi-- nakakaiyak *huk*, galing mo Thea!" sabi ni Lawrence sakin na umiiyak at nag thumbs up.
"We will post the results on the bulletin board, thank you. Next!" yabang talaga as always.
Lumabas nalang ako at pumunta sa canteen, nakita ko doon si Kim.
"Theaaa!!! Dito uh." turo niya sa table niya.
"Pupunta rin ako diyan, kukuha muna ako ng pagkain." pumunta na ako ng pagkainan at kumuha ng tubig at makakain
"Tapos na pala lahat ng first audition ngayon kaya puno ang canteen buti nakaupo ako dito ehh~" sabi ni Kim sabay sipsip sa juice niya.
"Kakapagod nga eh, sabay tayo tingnan yung result bukas ah? Arasso?" sabi ko at agad naman siyang tumango.
Natulala bigla si Kim sa likuran ko parang nakakita siya ng multo, pagtingin ko ay sila Lawrence lang pal--- sht! Sina Lawrence nasa likuran ko!?
"Hi Thea, Hi Kim! Pwede pakisabay nalang dito? Wala na kasing vacant eh, pls?" sabi ni Lawrence.
"Uhmm, okay?" sabi ko at umupo naman sila.
Magkaharap kami ni Yabang at si Kim naman at Lawrence. Tahimik lang ako at kumakain habang sila Kim naman at Lawrence ay nagkwewentohan. Bakit ba ako naiilang? Parang may tumitingin sakin, pag angat ng ulo ko halos mabuga ko na ang kinakain ko ng nakita ko si yabang na nakatingin sa akin.
"Ok ka lang tin? Heto tubig." inabot ni Kim ang tubig na binigay niya sakin.
"Tin? Parang narinig ko na yun ah? Diba Ky? Ahh, ting pala yung. Ting ting!" agad akong napatingin kay Lawrence, bakit parang familiar sakin?
"Ting?" tanong ko sa kanya, pero nakatingin parin sakin si yabang.
"Bakit? May naaalala kaba?" tanong sakin ni yabang.
"Wala naman" sabay iwas ko ng tingin sa kanya.
"Ang galing ko umarte kanina Thea, napaiyak ako sobra!" sabi ni Lawrence sabay pahid ng luha niya daw hahaha
"Tss, di naman gaano." aba sumabat pa si yabang.
"Totoi kasi yun, namatay yung daddy ko nung bata pa ako. Papunta kami ng Korea nun nag crash ang eroplano na nasakyan namin ako lang yung nakaligtas, siya namatay. Kaya wala ako ganung matandaan nung bata pa ako pero nanaginip ako ng isang batang lalaki na palagi niya sinasabi na 'bumalik kana' tapos tinatawag ko siyang 'piggy'. Ang drama na masyado, una na ako" tumayo ako at nag ayos ng gamit ko. Tumutulo nanaman kuha ko sa tuwing naaalala ko yun.
Tumakbo ako papunta sa field at doon nalang tumambay muna saglit bago ako umuwi.
"Tay, tulungan mo naman ako tandaan si piggy oh! Di ko talaga natatandaan eh, sabi ni Mama bigay niya daw itong bracelet." sabi ko habang nakatingin sa langit.
Makauwi na nga lang, bahala na si Kim dun marunong naman yun umuwi eh.
-
AN: Maikli ba maikli? Hahaha sorry po. Next time nalang tataasan ko. God bless readers!
BINABASA MO ANG
Forgotten Love
Teen FictionPark Shin Hye as Thea Guevarra Yonghwa as Sky Beltran Seolhyun as Kimberly Go Park Chanyeol as Lawrence Frost