Part title

18 0 0
                                    

Voice over:
Naranasan mo na ba maging parte ng isang taong may malungkot na karanasan sa nakaraan? Nakaraan na napakalungkot hindi dulot ng paghihiwalay ng pamilya, hindi din dulot ng pagkasawi sa pag ibig, kundi dulot ng di pagkakaintindihin ng magkakaibigan na may matagal ng pinagsamahan, na nauwi lang sa matinding hindi pagkakaunawaan at pagkalimot sa samahang na matagal ng nabuo. Magandang eksena na dapat subaybayan, ngunit hindi biro ang gantong pangyayari sa isang tao, lalo na sa taong iyon, dahil ang magkaroon ng mga kaibigan na naging parte na ng iyong buhay at pangarap ay isa sa matuturi mong napakasarap sa pakiramdam na madadama ng isang tao. Ang magkaroon ng mga kaibigan na nakasanayan mo ng makasama, sa hirap at ginhawa, sa lahat ng kalokohan, sa pagsabay at pagsama sa pagtanaw ng hindi lang ng iyong pangarap kundi ng INYONG mga pangarap, ito ay higit pa sa pagkakaroon ng kasintahan.

Sa ganitong sitwasyon, ang kailangan ng isang taong iyon ay karamay, BAGONG KARAMAY, na magbibigay sa kanya ng saya na hindi man katumbas ng ligaya ng kanyang nakaraan ngunit, makakapagpabawas ng lungkot at pangungulila sa mga taong tuluyan na syang nilimutan at iniwan.

Ang istorya na ito ay sinulat at ginawa upang mailabas ang bigat na nararamdam sa dibdib ng isang tao naiwanan, at isang taong naging karamay ... Lamang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 11, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HinagpisWhere stories live. Discover now