Nakakasawa na

106 2 0
                                    

Nakakasawa na, paulit ulit na lang
Nakakasawa na, wala ng katapusan, wala ng pinagabago, nakakasawa na.

Nakakasawa ng maranasan ang hapdi at sakit na dulot ng pagibig ko sayo, nakakasawa ng ipagpatuloy ang pagibig na ni minsa'y di nabigyan ng kapalit.
Nakakasawang lumuha sa tuwing makikita kitang may kasamang iba. Tama na ayoko na nakakasawa na paulit ulit na lang.

Nakakasawa na, nakakasawa ng titigan ang mga mata mo na hindi alam ang halaga ko mga matang nagsasabi kong gaano ka nahuhumaling sa iba,
Nakakasawa ng pakinggan ang bawat salitang mamumutawi sa labi mo mga salitang minsa'y naging pagasa at bumubuhay sa unti unti kong namamatay na puso. mahal kita, ikaw lang walang iba, mga salitang puro kasinungalingan. Na dapat di ko inasahan
Nakakasawa ng hawakan ang mga kamay mo na di marunong sumalo mga kamay na hinayaang mahulog ako ng ganito.

Nakakasawa ng umiyak sa tuwing iisipin ko na ni minsan ang pagibig na inalay ko kailan man di nagawang suklian ng isang tulad mo.

Ayoko na napapagod na ako napapagod na kong umasang mamahalin mo rin ako.

Mahal, minahal kita pero sawa na ko. Sawa na akong mahalin ang gaya mo na ni minsa'y di nalaman ang halaga ko. Sawa na kong mahalin ang gaya mo na ni minsa'y di nagawang suklian ang pagibig ko. Mahal kita, minahal kita pero ayoko na at hindi na to mauulit pa.

Dahil tulad ng isang kanta minsan nakakasawa na pag paulit ulit na kaya tama na tatapusin ko na dahil ayoko ng masaktan pa.

Nakakasawa NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon